Chapter 2 : I-- i love you too!

2.3K 64 2
                                    


Oh em gee!

"Miss , ok ka lang ba?"

Tulala.

"Uh miss?"

Te-teka hindi ako maka-hinga!

"Hi--hindi a-ko m-maka-hinga!"

"Oops! Sorry !" Dali dali siyang tumayo mula sa pagkakadagan sa'kin.

"Whoo!" Hindi ko alam kung bakit ako hindi maka-hinga kanina. Dahil ba sa naka-dagan siya sa'kin o dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin , BRIDAL STYLE mga parekoy!

"U--uy!"

"Dadalhin kita sa clinic.May masakit siguro sayo kaya hindi ka tumatayo."

"H-ha?" Ano ka ba ruz! Ba't ka nauutal! Umayos ka nga! Si--

"By the way I'm Russell Abad. Pasensya nga pala kung nabangga kita. Nagpa-practice kasi kami ng mga kateam-mates ko. Sobrang engrossed ako sa paglalaro kanina kaya hindi ko napansin na may mabubunggo ako. Sorry talaga miss--"

"Ruzzinelli Smith"

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko .

"Ang sabi ko--"

"Nice meeting you nelly"

HAAANUUURAAAAWWW??

"N-NELLY??"

"Masyadong mahaba yung ruzzinelly eh ." nakangiti niyang sabi.

"I like it :) Nakaka-umay na kasi yung ruz eh."

Tumawa siya . OH EM GEE! Tumawa siya! Grabe ang gwapo niya na nga , ang gwapo rin pati ng tawa niya . Grabeeee..

Pinagmasdan ko yung mukha niya . Lulubus-lubusin ko na'to kasi baka hindi na maulit ito. Meron siyang napaka-gandang pares ng mga mata na kapag tiningnan mo eh parang nahi-hypnotize ka. Yung matangos niyang ilong , yung labing mapupula , parang ang sarap halikan-- wait what?

At dahil nga titig ba titig ako sa kanya , hindi ko napaghandaan yung biglaan niyang pagharap sa'kin.

O//////O

"Ang cute mo"

O//////////////O

"Haha.. Ampula mo"

Tengeeeneee!

"Andito na tayo"

Pheew! Buti nalang! Aatakihin na yata ako sa puso dahil sa sobrang kilig. Buseet!

"Oh anong nangyari sayo ruz?" Nag-aalalang tanong ni nurse Alexa.

"Wa--"

"Nabunggo ko po kasi siya kanina habang nagpa-practice kami ng soccer. Malakas po yung bagsak niya kanina. Eh napansin kong hindi po siya tumatayo, kaya binuhat ko po siya papunta dito para ma-check kung may injury ba siya .

Dire-diretso niyang paliwang kay nurse Alexa. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako or matatawa sa kanya .

" Haba nun ah?" Natatawang sabi ni nurse Alexa.

"Eh baka kasi napano na yung star player natin sa track and field eh ." sabi niya habang nagkakamot ng batok.

A-alam niyang star player ako sa track and field sa school . It means kilala niya ako!

Tumunog yung phone ni nurse Alexa .

"Sandali lang ruz , sagutin ko muna ito."

Naiwan kaming dalawa ni Russell sa loob . Tiningnan ko siya , parang hindi siya mapakali at parang hindi siya maka-tingin sa akin ng diretso.

"May problema ba?"

"H-ha?" Ba't siya nauutal?

Tatanungin ko sana siya kung ayos lang ba siya ng tumunog yung cellphone niya.

Minamasdan kita ng hindi mo alam,
Pinapangarap kong ikaw ay akin.

"Sagutin ko lang 'to" Tumango ako bilang sagot.

"Hello?"

"Andito sa clinic , dinala ko yung babaeng nabangga ko kanina."

Hindi ko mapigilang hindi makinig sa kanya . Alam kong mali pero ngayon ko lang naman 'to gagawin eh :3

"Oo , pupuntahan kita pag na check ko na kung ok lang siya at walang nabali sa kanya."

Tumingin siya saglit sa'kin at ngumiti . Syempre ngumiti rin ako. Pero hindi ko inaasahan yung sunod niyang sinabi.

"Clingy much?" Ano raw???

Pero MAS matindi yung sunod niyang sinabi.

"Bye! Tsk! Oo na! Bye h--hon. I--i love you too!"

Teka , bakit ako nasasaktan?

*****
Yehey! Natapos rin ang chapter 2 .

Please vote or comment. Salamat!

-jacieray

 It All Started With A FLAMESWhere stories live. Discover now