**Third Person POV**
Nasa hallway na ng school si Kyla Mae, nakahawak pa ito sa straps ng kanyang bag at patalon-patalon pa habang kumakanta.
"Lalala~lala~~ Jak en poy! Halehalehoy! Ex ko mukhang unggoy! Yooh! Wazzup yow! Magsama sila ng ex-bestfriend kong malandi yow!" natatawang kanta nito.
Pagpasok niya sa kanilang classroom, sumigaw agad ito na akala mo 'di brokenhearted.
"Good morning sa inyo! Sweet 'n mild ang kasama ko!" pasigaw na kanta niya.
(Naalala niyo 'yan na commercial? Hehehe. Iyan kasi kinakanta ko dati.)
"Good morning too, Kyla. Saya natin ah?" ganting bati ni Daisy na nakangiti.
"Ah, oo. Kasi wala na akong iniintindi na boyfriend. Wala na akong iniisip kung kumakain ba siya, sino ba kasama niya, may crush ba siya na iba? Wala, wala akong inaalalala. Kasi I'm free! I'm flying, flying like a bird!" kinanta pa niya ang last line na sinabi kaya natawa pa mga classmates niya.
"Ikaw talaga. 'Di ka na broken hearted?" natatawang tanong ni Chynna.
"Ano ka ba!" pagsuway ni Daisy kay Chynna sabay siko pero tinawanan lang ito ni Kyla.
"Syempre, nasasaktan pa rin. Pero okay naman ako, atleast nalaman ko kaagad ang totoong baho niya. I mean,naamoy pala. Hehehe. Ang mas masakit lang, 'YONG IBA DIYAN, 'YAN ANG HINDI KO KAAGAD NAAMOY ANG BAHO NYA! GRABE! GALING MAGTAGO!" pagpaparinig nito kay Jeline. Si Jeline naman, napayuko at tila nahihiya.
"Ah, okay lang' yan Ky. Malay mo, may darating na tamang lalaki at siya 'yong right guy for you." Nakangiting wika ni Liza.
Umismid lang si Kyla bago sumagot.
"Hayaan na, ayaw ko muna isipin 'yan. Baka malay mo rin, mga lalaki ngayon, katawan lang talaga habol sa mga babae tapos kapag ayaw ibigay. Maghahanap ng iba, 'yong babaeng game sa lahat." Naakangiti nitong sagot saka tumingin kay Jeline.
"Right Jeline?" nakasmirk na dugtong nito. Napatingin naman si Jeline kay Kyla pero bahagya itong namutla ng makita niyang nakatitig ng mariin si Kyla sa kaniya pati mga classmates nila na nasa classrooms na.
"A-ah, lalabas muna ako Lyn(Jeralyn)" paalam nito saka dali-daling lumabas saka sinundan ng friend niyang si Jeralyn.
"Hoy Kyla!" sigaw ng classmate nila na si Jeric.
"Oh?" nakasimangot at nakakunot-noong tiningnan ni Kyla si Jeric.
"Hindi lahat ng lalaki, katawan lang habol sa babae. May matitino pa at isa na ako do'n!" nakangiting sagot ni Jeric.
"Oh? Really? Isa ka talaga sa mga matitino? Naku! Ikaw pa, bakit? 'Di mo ba pinapatulan 'yong mga babaeng tumitili at sinusundan ka kahit saan? In short, fans mo?" pangongontra ni Kyla habang tinuturo pa ng ruler sa mukha si Jeric.
"Hindi ah! Loyal kaya ako sa'yo. Hahaha!" sagot ni Jeric na may kasunod pang tawa.
"Sira! Utot mo!"
Akala ni Kyla, biro lang 'yon pero para kay Jeric. Totoo na 'yon. Hindi niya lang masabi sa babae kung ano ang nararamdaman niya kasi natatakot siya mareject.
'Kung masabi ko lang sa'yo eh. Pero' hindi ko kaya. Ayaw kong iwasan mo ako at barahin.' Bulong ng binata habang nakatitig kay Kyla na nakipagtawanan sa mga classmates niyang lalaki.
"Baby!" sigaw ng mga bagong pumasok na lalaki. Lumiwanag naman agad ang mukha ng dalaga saka tumalon sa upuan niya at patakbong pumunta sa mga kuya-kuyahan niya.

ESTÁS LEYENDO
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...