Prologue

22.5K 542 26
                                    

"N-NICO! Tulungan mo ako!"

Umiiyak ako habang naka kapit sa sanga ng puno. Hindi ko alam kung paano ako naka akyat dito.

"Ayang! Anong ginagawa mo diyan?!"

Yumuko ako para pagmasdan si Nico na naka tingala sa akin. Punong-puno ng pag-aalala ang gwapo nitong mukha.

"N-nico hindi ako makababa!" Iyak lang ako nang iyak.

"Bitaw na Ayang! I'll catch you!"

Dahil sa likot ko ay bigla na lang naputol ang sanga ng puno dahilan para malaglag ako. Abot langit ang kaba ko pero agad ding nawala nang maramdaman ko ang pagkasalo sa akin.

"I got you! Hush now.." Napayakap ako kay Nico habang sumisinghot.

"Salamat Nico.."

"You're always in trouble. And I'm not always here to help you," malamig na sabi ni Nico sa akin.

Tumayo na ito at pinagpagan ang damit niya. Tumayo na rin ako at ginaya ang ginawa niya. Tinitigan niya muna ako bago tumalikod at umalis. Sumunod ako dahil gusto ko pa sana siyang makausap ng mas matagal. Ang bata kong puso ay pag-aari na ni Nico. Kaniya lang.

"Ayang! Stop following me!"

Napaigtad ako sa sigaw ni Nico sa akin. Napahinto ako at napahawak sa dulo ng damit ko at yumuko. Kumakabog ang puso ko sa sigaw niya. Pakiramdam ko mauupos ako na para bang isang kandila.

"N-nico m-may i-ibibigay ako s-sa'yo?"

Humarap siya sa'kin na nakakunot noo. Halos magdikit na ang makapal niyang kilay. Namumula din ang pisngi niya sa init ng araw.

Eternal Promise [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang