Chapter 18

7.8K 236 4
                                    


Nagising ako dahil sa marahang tapik sa pisngi ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at nagisnan ang isang lalaking hindi ko kilala. Kulay asul ang mga mata nitong pinagmamasdan ang mukha ko. Base sa facial features nito ay malamang nasa mid twenties lang siya. 

Nakaupo ako sa gitna ng isang malaking kama at nakaposas sa headboard ang mga kamay. Nangangalay na ako dahil hindi ako makagalaw ng maayos.

Lumapit ang lalaki sa akin at piniga ang pisngi ko. Nakatitig lang ito sa akin ng mataman at ginalaw ang mukha ko pa kaliwa’t kanan. Para itong may hinahanap na kung ano.

Ngumis ito at nagsalita. “Aira Cyrine Buenavides..”

Saad nito sa slang na ingles. Napahikbi ako dahil sa takot. Kumakabog din sa kaba ang puso ko. Nakabusal ang labi ko kaya puro impit na sigaw lang ang nakakayanan kong ilabas.

“Perfect to bear my child.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok ko. Nagiwas ako ng mukha at tiningnan siya ng masama. Hinahaplos lang nito ang pisngi ko ng marahan.

Iniisip ko pa lang ang gagawin niya ay nandidiri na ako. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ko iyon sa ibang lalaki. Si Nico lang ang gusto ko. Siya lang. Umiyak ako ng tahimik habang nanalangin na sana maka alis na ako dito.

“Shhh,” saad nito at pinasadahan ng hinalalaki ang ilalim ng mata ko. Pinipilit kong iiwas ang mukha ko pero mahigpit ang hawak niya sa aking pisng

Isang katok ang gumambala sa kaniya at agad pumasok ang dalawang lalaki kasunod ang isang babaeng nakayuko. Nakasout siya ng puting bistida at nakalugay ang mahabang buhok. May hawak itong puting damit na nakatupi.

“It feels great to caress the Buenavides Beauty. Ty Krasivaya,” saad nito. Hindi ko naintindihan ang huling dalawang salita na sinabi niya. Lumingon siya sa mga kakapasok lang at walang ekspresyon ang mukha.

“The youngest Ybañez was fumming mad Prince Keiv.”

Ngumisi ito at nagsalita. “As what I’ve expected.” Lumingon itong muli sa akin at hinaplos ang buhok ko. “It’s so damn happy to make every Ybañez die slowly.”

Tumango naman ang lalaking kausap nito at nanatiling nakatayo.

“Where’s the Little Guevarra?” Tanong ng lalaking nasa harap ko na tinawag nilang Prince Keiv.

“I’m so sorry Your highness. The Guevarra is well secured by the older Ybañez.” Nakayukong saad ng isang lalaki.

Poshyol ty! I don’t care!” Tumayo ito at kinuwelyuhan ang lalaki. “I want the Guevarra. I want her.” Huminga ito ng malalim bago binitiwan ang lalaki.

“What about the quick-witted Lopez? Did you find her?” Tanong ulit nito.

“She’s nowhere to be found--“

“What?! That cunning woman!” Putol niya. Tinuro niya ang babae at muling nagsalita. “You!..Dress her!”

Lumabas ito ng pinto kasabay ng pag alis ng dalawang lalaki. Pagkasarado ng pinto ay agad lumapit sa akin ang babae at tinanggal ang busal sa aking bibig.

“Where are we?” Tanong ko.

“Nagtatagalog ako. At nasa pilipinas pa tayo,” sagot ng babae habang inaayos ang damit na nakatupi.

“S-saan?”

“Nasa bacolod tayo. At sa susunod na linggo ay lilipad na kayo ng Russia.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Russia? Eto na ba iyong kukunin ako ng Russian?

Eternal Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now