one hundred nineteen; regret

3.2K 122 9
                                    

Alex

Nakanganga nako habang ang layo ng tingin ko. Hindi ako makatingin kay Troy, hindi ko siya matitigan dahil sa mga kalokohan na ginawa ko kagabi. Nakakahiya. I acted like shit... oh my, nagmura ba ako sa isip? Sa isip, okay naman yun. Hindi naman in person. Oo, bad word yun. Pero shit talaga, bakit ganito nangyari sakin kagabi?

"Don't blame yourself." Sabi niya at napansin kong ubos na yung kape niya and he is still in topless.

"Troy, I just ruined your life, your house. Wala na yata akong mukha ihaharap sayo. Sorry, sorry, sorry!" Sabi ko at tumalikod ako sa sobrang hiya.

Narinig ko siyang tumawa at naramdaman ko rin na naglakad siya sa harapan ko.

"Gusto mo pa ba malaman mga ginawa mo?" Tanong niya and I closed my eyes.

Sana kahit isa, may matino akong nagawa.

"Marami pa ba?" Tanong ko.

"Um, slight."

"Sige, keri ko pa naman e." I slightly smile to lighten my mood.

"Here it goes..." Umpisa niya then he continues.
_______________________

Troy

Pagkapasok ko ng kwarto, I've never thought that she just lay on my bed.

"Umm..." Hindi ako makapagsalita.

First of all, Alex is laying on my bed. Second, I know to myself that I should not let her sleep here. Pero okay lang naman, pero it's weird. She's still the girlfriend of my best friend. Kahit masakit...

Tumawa siya, "Nahihiya ka ba?"

"No. I'm not shy." Sagot ko habang nakasandal sa pintuan.

"Talaga? Bakit hindi ka umupo dito?" Ngiti niya at ginesture niya yung sa kama.

"Um, look, Alex, you need to get some sleep. You're drunk."

"Hindi ako matutulog hangga't hindi ka umuupo dito." She slurs.

I took a deep breathe at pumunta sa dulo ng kama ko. Away from her.

Humiga siya sa kama ko at tumingin sa ceiling.

"Ang saya ko ngayon." Sabi niya, "Sobra. Matagal rin bago ko maranasan ito." Dagdag niya at nakikita ko nalang lumuluha na siya.

"Hey, hey." Pag-aalala kong sabi and I move a little closer to her.

"Bakit hindi nalang maging ganito? Pero hindi e. Hindi pwede. All I'm asking is to be with him. But the fate is too cruel!" Iyak niya.

"Alex, don't cry please." Makaawa ko.

Ayoko siyang umiiyak, nasasaktan lang ako. Hindi siya dapat maging ganito. She's not like this before. Sobrang saya niya dati, pero after Zac left, everything changed. Especially her mood.

Umupo siya at tumingin sakin.

"Zac, bakit mo ko iniwan?" Sabi niya sakin and it hit me so hard. Para akong binunutan ng ngipin. Hindi lang isang ngipin, kundi lahat. Ganito kasakit.

She thinks I'm him? Ouch.

"Sabi mo hindi mo ko iiwan, nagpromise ka sakin. Ilang beses... bakit feeling ko tumakas ka lang sakin? Tumakas ka lang sa problema mo?" Iyak niya, "Zac... tell me."

Wala ako masabi dahil naiiyak na rin ako. Ayoko siyang masaktan, ayoko talaga. I hate seeing her like this.

Niyakap ko siya ng mahigpit and she hugs me back, niyakap niya ako ng mahigpit. At naramdaman ko yung mga luha niya sa damit ko. But its fine. Really fine.

[Book 3] And that's what makes our love real.Where stories live. Discover now