one hundred fifty eight: operation

1.8K 67 18
                                    

Pagkarating namin ng hospital, umalis na si tita "nanay ni Zac" pero yung mga body guards nasa labas pa din ng pinto niya.

"Kakaalis lang ni tita." Salubong ni Louis samin.

"Okay ka lang?" Tanong naman ni Sam sa akin.

Tumango naman ako.

"May ginawa ba yun sayo, Alex? Sabihin mo lang kasi-" Pinutol ko yung sasabihin ni Seb nang sumenyas ako sa kanya dahil siguradong nakikinig yung mga body guards samin.

"Wala, wala." Sabi ko nalang, "Uhm, gusto kong makita si Zac." Dugtong ko.

"Oo naman! Halika, pumasok na tayo." Sabi ni Louis at papunta kami sa kwarto ni Zac nang humarang yung mga body guards.

"10 minutes lang maibibigay namin sayo." Sabi ng isa sa akin at napatingin sila Troy sa body guards at sa akin.

"Pardon?" Inis na sabi ni Troy, "Girlfriend siya ni Zac at siguradong inaasahan siyang makita!"

Alam ni Troy kung gaano ako kahalaga sa buhay ni Zac kaya niya 'yun nasabi at sumikip ang dibdib ko nang masabi ni Troy na inaasahan akong makita ni Zac dahil kahit na hindi pa siya nagigising at on-going ang blood transfusion niya, alam niyang makakatulong ako sa pagpapagaling ni Zac.

"Oo nga. Sino nagsabi? Yung monster na 'yun?" Palaban na sabi ni Seb.

"Anong sinabi mo?" Sagot naman ng isa pang body guard.

"Wala, kuya. Wala po." Palusot ni Louis, "Sabi niya, okay na yung 10 minutes."

"Oo nga! Diba, Alex?" Tingin ni Sam sa akin.

Gustong gusto kong makita si Zac ngayon, gustong gusto kong yakapin siya at matulog sa tabi niya. Gusto kong kausapin siya at sabihin sa kanya na gumising na siya at nandito na ako sa tabi niya. Gusto ko mahaba yung oras para makipagkwentuhan sa kanya.

Pero, 10 minutes lang ang binigay sa akin. Is 10 minutes enough?

Tumango nalang ako, "O-okay lang bang... in private kong kausapin siya?" Nahihiyang tanong ko sa kanila and they agreed.

Hinayaan nalang nila akong pumasok ng kwarto, dahan dahan. Nang masarado na yung pinto sa likod ko, I can feel my hands trembling, actually my whole body is trembling.

Nang dahan dahan kong makita yung lalaking minamahal ko na nakahiga sa kama, bigla akong nakaramdam ng pagsisisi ulit, nanakip na ang aking dibdib sa nakikita ko. Hindi ko ito gusto, never ko ito nagustuhan. Never ko ginusto na mangyari sa kanya ito. Hindi niya ito deserved, hindi dapat ganito pero nandito na... nandito siya sa hospital, hindi pa nagkakaroon ng malay at i-susurgery pa ito dahil sa kanyang spinal cord injury.

Tumulo ang aking luha at napahawak ako sa labi ko para pigilan ang iyak. Nilakasan ko ang loob ko dahil dapat ipakita kong malakas ako at hindi ko dapat ipapakita na pinagsisisihan ko ang lahat na nangyayari sa kanya dahil siguradong magagalit siya.

Siguro ngayon, kung naririnig man niya ako, kanina pa niya ako pinatigil sa iyak.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na malapit sa kanya at dahan dahan hinawakan ang kanyang kamay.

Nang maramdaman ko ito, nag-init ang aking pakiramdam. Kahit sa simpleng paghawak ko lang sa kamay niya, pakiramdam ko, okay na ako. Pakiramdam kong ligtas ako, pero sa nakikita ko sa kanya, hirap na hirap akong paghaluin ang nararamdaman ko ngayon.

Tumulo na naman luha ako.

"Z-Zac." Mahinhin kong sabi at pinupunasan ko yung kamay ko.
__________________

[Book 3] And that's what makes our love real.Where stories live. Discover now