CHAPTER FOUR

187K 3.2K 186
                                    

Napahinto ako at tinitigan ko lang si Great.

Parang ang bait-bait niya kapag ganyan, pero for sure pag dumalat na yan, manlilisik na ulit yung mga mata niya habang tinitignan ako ng masama.

Hindi ko makakalimutan yung huli naming pagkikita. Hindi ako madaling matakot sa tao, but this guy in front of me gave me chills when he glared at me last time. Para siyang devil! Kulang na lang, umilaw yung mga mata niya nang kulay pula.

"Wag na kaya akong tumuloy?" bulong ko sa sarili ko.

Nagsign of the cross muna ako at humingi ng guidance kay Lord bago ako lumapit sa kanya.

Habang umiiksi yung distansya namin, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. It must be his presence. Alam kong gising siya at nakikiramdam lang at siguro natatakot akong baka bigla na lang niya akong hilahin at itulak sa baba. Ang taas pa naman nito, pretty sure deads agad ako if ever malaglag ako dito sa rooftop.

I shivered at that morbid thought.

Huminga muna ako nang malalim bago tumigil sa tapat niya at malakas na loob na nagsalita.

"E-excuse me.."

Shit. Kinakabahan talaga ako!

I held my breath when he opened his eyes. Naningkit pa ito habang tinititigan ako, na parang kinikilala pa kung sino yung nasa harapan niya. Then, he looked at me from head-to-toe at saka pumikit ulit na parang hindi ako nakita!

So much for getting scared over nothing! Bakit nga ba ako natakot sa lalaking to kung dapat mas matakot ako sa sarili ko sa magagawa ko sa kanya?

Hindi talaga ako madaling magalit pero para siya talaga yung trigger ko na sa konting kilos lang niya, naiinis na agad ako.

Pumikit ako at humingi ulit nang malalim. Saka ako naupo ako sa kabilang side na medyo malayo sa tapat niya, para kahit malayo magkaharap naman kami and most importantly, safe kami sa isa't isa.

"I thought you're saying something? What is it?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang nakapikit.

Malaki talaga resemblance nila ni Britanny. Parehong matangos ang ilong, red luscious lips, pair skin. In short, gwapo. Sayang nga lang kasi masama talaga ugali unlike his sister na super friendly. Pwede na nga siyang awardan ng Miss Congeniality. 

It was a long silence hanggang sa nainip ako sa paghihintay na magsalita siya o tumingin man lang.

"Are you deaf?" kunot noong tanong ko pero hindi pa rin siya sumagot.

Nainis na 'ko kaya binato ko siya ng bago kong sapatos para makuha ko yung atensyon niya.

"Bull's eye!"

I gasped in surprise dahil hindi ko naman sinadya na tamaan siya sa ulo. Sa paa lang sana..

Nakagat ko yung ibabang labi ko nung makita ko siyang masamang masama na ang tingin sakin.

"BAKIT MO KO BINATO! BALIW KA BA HA!" sigaw niya.

This time, hawak na niya yung sapatos ko at akmang babatuhin din ako.

Bumilog yung mga mata ko habang malakas na napasinghap sa gulat habang tinitignan yung sapatos ko sa kamay niya.

Devil talaga! 

Akala naman niya matatakot ako? Tumayo ako at nagcross arms.

"Pag tinatanong ka kasi, sumagot ka! Hindi yung para akong tanga dito na salita ng salita nang walang kausap!" I shouted back.

Binaba niya yung kamay niyang nakaambang magbato sakin, pero hindi pa rin niya binibitawan yung sapatos ko.

"Huwag kang assuming. Wala akong sasabihin sayo. Get out" tapos sumandal ulit siya sa pader at pumikit.

My Devil HusbandDove le storie prendono vita. Scoprilo ora