CHAPTER SIX

148K 2.5K 32
                                    

Chapter 6

Hindi agad nagsink in sakin yung sinabi niya. Tumitig lang ako kay Mommy habang nakakunot yung noo.

"Nagkaroon ng kasunduan ang Lolo mo at ang kaibigan niya na ipapakasal ang mga apo nila bago pa magpakasal si Papa kay Mama.."

Matagal bago naprocess ng utak ko yung sinabi ni Mommy.

Kasal?

Kasunduan?

"What?!" Napasigaw at napatayo ako nang tumluyan ko nang nagets yung sinabi niya.

"Mommy ayoko!"

I don't know what's with my life that all these are coming all at the same time! Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Yung tipong nakamove on na muna ako sa isa bago dumating yung isang problema?

"Anak, I hope you understand.." si Mommy.

Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil masamang masama ang loob ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa akin to!

"Mommy ayoko po!" Mabilis at walang tigil yung pag-iling ko habang patuloy ang pag-iyak ko. Hoping that it could convince them to take back their words.

"Anak, please calm down.." mahinahon na sabi pa ni Mommy.

"Dad!" I whined.

Pero wala ring epekto. Dad is also in favor with their decision to marry me off!

Ako? Na kaisa-isa nilang anak! I can't believe this!

"It's for your future, anak. Your Lolo is right, mas okay nang kilala namin yung pamilya ng lalaking mapapangasawa mo than having you ended up with someone we don't know anything about. They are like your Lolo's extended family kaya sure kaming mapupunta ka sa mabuting mga kamay"

"This is my life, Mommy! Ako dapat ang masusunod! And we're not Chinese to follow any traditions!"

"Honey, don't shout at you mother," mariing saway ni Dad.

"Pero Dad! You can't do this to me!" I cried.

I stood up and ran to my room. Tinawag ako ni Mommy pero hindi ko na sila nilingon at naglock na lang ako sa kwarto ko.

I cannot accept this! They're so cruel to do this to me!

Umiyak ako hanggang sa mapagod at makatulog. Hindi na ako nakapasok dahil sa sama ng loob. Bahala na bukas. First week pa lang naman kaya ayos lang. But since it's too early, I woke up in the middle of the night.

Rebellious thoughts came in my head at hindi na ako nagdalawang isip pa. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jacket. Dinala ko rin lahat ng cash ko pati ang cards ko.

This is my first time to do this but I have no choice. Ayokong suwayin ang parents ko pero ayoko din namang sila ang magdesisyon para sa future ko.

Kung pinipilit lang siguro nila ako para sa course na kukuhanin ko for college, matatanggap ko pa at susundin sila, pero magpapakasal sa hindi ko naman kilala? It's a big NO! for me.

Hindi naman sila ang makikisama kung sakaling magpasakal ako kung sino mang lalaki yon! I will be the one to suffer so I don't understand why did they agreed with my Lolo?!

Mabilis akong bumaba ng hagdan at tahimik na lumabas ng bahay.

I don't know how to drive so I didn't bother getting any of our cars key at dumiretso na ako sa gate.

Nakahinga ako nang maluwag after kong makalabas at masara yung gate ng hindi nakakagawa ng malakas na ingay.

It was midnight kaya madilim at wala kahit isang tao sa labas. Exclusive subdivision naman to kaya kampante akong naglakad palayo sa bahay namin. Although, medyo kinakabahan din ako.

My Devil HusbandWhere stories live. Discover now