CHAPTER 8

129 8 1
                                    

Eight.com


Good mood si Evil Boy dahil nakangiti siya habang nagwa-warm up, sumimangot lang siya ng tignan ako kaya sumimangot din ako.

"Bakit nakaupo ka lang dyan? Mag-warm up ka!"

Inirapan ko lang siya. Kahit alam kong mamaya pa magpapakita si Flower Boy ko magbabaka sakali ako na baka madaan siya dito. Ayokong makitang kasama ko ang salbahe na 'to. Nanlaki ang mata ko ng maalalang di ko pala nasabi sa kanya na iba ang suot ko! Napatalon ako sa pagsigaw ni Ervy.

"WHAT?! I NEED THOSE PAIRS! WHO USE IT?!" tumigil siya para makinig para lang din umusok ang ilong niya. "THAT GUY! PAPATAYIN KO TALAGA SIYA! BRING ME ANYTHING! HURRY UP!"

Nilapitan siya nila Jeph para pakalmahin. Kaarte talaga ng isang 'to, tumayo ako para mag-CR.

"San ka pupunta?"

Tinignan ko siya. "Iihi.. Sama ka?"

Nakakatuwang tignan yung mga taong masasayang kasama ang mga kaibigan at pamilya nila samantalang ako-.. Putek! May bumangga pa sa akin! Tinignan ko agad ng masama kung sino yun at nagulat akong si buang yun! Tumalikod agad ako at mabilis na tumakbo.. Sheeeet! Ayan na naman siya! Lagi siyang nasa paligid.

"Hoy Yo! Sino na namang kinukulit mo?"

Lalo kong nanginig ng marinig ang boses ni Jay! Tumakbo ako papasok sa CR. Naman! Ang malas ng araw na 'to.. Gusto ko lang naman makita si Lonely Flower! Pero ngayon, gusto ko na lang maiyak.

"Bakit ang tagal-tagal mo?! Magsisimula na! Tara!" at hinila na ako ng salbaheng bata ng mahigpit sa pulso.

"Hoy! Masakit!"

Excited tumakbo ang Evil Boy kaya hinayaan ko siyang mauna at naglakad na lang muna ako. Hmp. Di din naman ako mananalo. Chill lang ako ng bigla ko na namang marinig ang grupo nila Jay at nung buang niyang kaibigan.

"Di pa girlfriend yun! Date pa nga lang! Tsaka nag-date na ba kayo?"

Masasampal ko talaga ang kapatid ko, kung ang ingay-ingay! Tumakbo ako ng mabilis pero sa kimalas-malasan ay napatid pa ko sa sarili kong sintas!

"Okay ka lang?"

Umiling ako ng di tumitingin at mabilis na tumayo, pero ang lintikan kong kapatid! Hinila pa din ako.

"Jara!"

"Layo!" tinulak ko siya at tumakbo paalis.

Malalaman nung buang ang pangalan ko! Tumakbo ako ng sobrang bilis at bigla kong nakabangga si Evil Boy!

"Magdahan-dahan ka!"

Hinarangan ko ang mukha ko ng makitang sisikuhin niya ako!

"Hoy! Ano bang pinaggagawa mo! Nagmamadali ako! Patay ka mamaya!"

Nauna na siyang umalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko tuloy ay bugbog ako sa lahat ng nangyari ngayong araw na 'to.. Gusto ko lang namang makita si Lonely Flower! Ang Flower Boy ko!

Malamya akong bumalik sa puwesto namin which is yung puno sa gitna nitong park. Lumingon-lingon ako at nagbaka sakaling makita ko siya, madami na talaga kong nakikita pero pakiramdam ko hindi sila yun. Umupo ako at uminom ng tubig ng mapansin ko ang pagkabalisa nitong salbaheng bata.

"Problema mo?"

"Wala kang paki," at nagpatuloy siya sa paglinga-linga.

Nagpatuloy ako sa pag-inom at muntik ko ng mabuga ng makapansin ako ng isang lalaking naka-blue na rubber shoes na papunta dito. Oh my god! Pagkakita ko sa mukha niya ay tuluyan ko ng nabuga ang tubig!

Teka.. Mas nakakatakot 'atang likod ni Evil Boy ang nabugahan ko. Nilingon niya ako at tinignan ng masama.

"Mamaya ka na."

Naglakad siya palayo at lumapit dun kay buang.. Akala ko talaga siya si Lonely Flower.

"Buti na lang," at nagbuga ako ng hangin.

Napatayo ako ng makitang nagsasapakan na yung dalawa.

"Nananadya ka talaga! Punye-"

Napansin ko ang pagngisi ng buang na kaibigan ni Jay. "May imi-meet ka ba?"

"Punye-"

Natigil ang komosiyon ng may dumating na isang lalaking nasa mid-50's na siguro at lumapit kay Evil Boy. Hinawakan niya ang brasong sasapak sana sa kaaway ni Evil Boy.

"Young master. Pabayaan niyo na po siya."

Binitawan niya si Buang at lumapit sa akin. "Tara na."

Tumayo ako at binitbit ang gamit namin.

"Dalhin ko na sa kotse niyo?" nakangiti kong sabi. Yes! Mahahanap ko na si Lonely Flower!

"Sumama ka sa akin."

Naglaho ang ngiti ko. Eeeehhh?! Naubos ang energy ko at nalapag ko ang mga gamit namin sa lupa.

"Nakakainis naman oh!"

Tinignan niya akong naglulupasay at umupo siya para magtama ang tinginan naming dalawa.

"Hoy, hindi lang ikaw ang may masamang araw."

"Yun na nga eh," naka-pout kong sabi. "Lagi mong sinisira ang kaligayahan ko."

Bigla ay nagseryoso si Ervy at ginulo ang buhok ko. "Ilang araw mo palang akong kasama pero nasabi mo na yan. Tumayo ka na."

Kinuha niya ang mga gamit namin at tumayo na, mabilis lumapit ang mga guards para kuhanin iyon pero tumanggi siya. Napahawak ako sa dibdib ko parang na-guilty ako sa sinabi niya sa akin. 

Hindi kaya ang exaggerated ko lang talaga?

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now