CHAPTER 47

57 2 0
                                    

47.com


"No chance at all. Matapos nung lumabas sa website ay mas lalong ayaw ko ng pumunta dyan sa party niyong what-so-ever!"

Nakaupo ako sa sofa at nanonood lang ng cartoons kahit na nasa tabi ko si Yohance na pormang-porma na. Hindi ko iniintindi ang mga sinasabi niya sa akin.

"Ang kj mo," sabi niya sabay siko sa akin. "Dali na! Tara na!"

"Ayoko ng issue," tamad kong sagot.

Tumayo na siya at bumuntong hininga bago dumiretso sa pinto. "Okay. Una na ko."

"Ingat!" at pilosopo pa kong kumaway sa kanya.

Pagka-alis ni Yohance ay tsaka sumulpot si Jay sa tabi ko at mahina akong kinutusan.

"Ang arte mo! Pumunta ka na dun! Magdisguise ka or something! Dinalan ka pa niya ng damit oh!" at padabog niyang tinuro ang kahon sa kabilang sofa. "Hiya naman Jara."

"What?! Paulit-ulit kong sinabing ayaw ko, di ko siya pinilit na bilhan ako. Nothing will change my mind," maarte kong sabi habang naglilipat ng channel.

"Naku. Si Ervy lang ang iniisip mo 'ata eh."

Nagkatinginan kami dahil dun sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan. Tumayo ako at kinuha ang box.

"Fine! Pwede naman ang late dun di'ba?"

Nagmadali akong maligo at nag-ayos para lang makaabot sa 8pm na call time. Syempre si Ervy ang iniisip ko, after nung lumabas sa lintik na website na yun. Hindi naman ako artista, ako ng ako ang iniintindi. Padabog kong sinuot ang sapatos ni Dan bago nagpaalam sa mag-asawa tumawag na ng taxi.

"Akala namin di ka na pupunta!" sigaw ni Wilma.

Ngumiwi ako. "Napilitan lang."

Umupo ako sa pinakamalapit na mesa'ng nalapitan ko saktong simula ng party. Nagsasalita ang lahat ng matataas ang katungkulan sa school at pinupuri ang mga sarili nila. Kumain lang ako ng kumain at nagmasid sa paligid. How I wish Ervy is here.

"You came?"

Nilingon ko si Yo na nakabalandra ang lahat ng ngipin dahil sa ngiti niya. Inabutan ko siya ng wine habang nagtitilian ang lahat ng kababaihan hindi lang sa table namin pati na rin sa karatig.

"Iinom mo na lang yan," biro ko.

Hinila niya ako patayo making everyone squeal. "Let's dance. Wag kang kj."

Pumunta kami sa dance floor at nagsimulang sumayaw sa isang beat ng electric music. Nakikipagtawanan at kwentuhan na din ako sa mga nakapaligid sa akin.

"You're finally enjoying it!" masaya niyang sabi.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagsayaw hanggang sa may humila palayo kay Yohance. Sa varsity at squad members yata yun, tumango lang ako at hinayaan siyang makalayo sa akin.

Patuloy lang ako sa pag-indayog ng maramdamang may yumakap sa akin mula sa likuran. Mabilis akong lumayo sa kanya at nag-karate pose. Tumawa lang siya at nagtaka ako sa maskarang suot niya. Naliligaw yata ito dahil hindi naman masquerade party ito.

"Late kang dumating ano? Hindi mo ako kilala eh," malumanay pero may yabang nitong sabi.

Kumabog ang puso ko, parang pamilyar ang yabang nito ah.

"Maliban sa mukha kang naligaw ay hindi ko na alam pa," biro ko para pakalmahin ang puso ko.

Tumawa ulit siya at inayos ang buhok kong nagkagulo-gulo na. Nag-iba ang ilaw at nagsimulang tumugtog ng slow dance. Nilahad niya ang kamay niya habang eto ako sa harap niya at di alam ang gagawin.

"May I have this dance? I miss you."

Nagulat ako at dahan-dahang inabot ang maskarang suot niya para matanggal iyon. Halos malagutan ako ng hininga ng makita kung sino iyon! Kusang tumulo ang mga luha ko.

"Ervy?"

"Nandito na nga ako umiiyak ka pa? OA!" at pinoke niya ang noo ko. "Sayaw na tayo?"

Parang nakalutang ako habang nagsasayaw kami. He's so handsome lalo na dahil nasa side ang mask niya. Ngumiti ako kaya nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Pa-kiss. Gwapo mo eh," pabiro kong sabi.

"Kakahiya ka talaga pero sige na nga."

Nagulat ako sa sinabi niya at lalo na sa tinutugtog na kanta ngayon. Napatawa na lang ako at umiling.

"You already won me over inspite of me,

Don't be alarmed if I fall, head over feet.

Don't be surprised if I love you for all that you are.."

"Bakit? Ayaw mo pa? Mas gusto mo si Yohance? Tss."

Ang cute ng nakakunot niyang noo kaya pinisil ko ang magkabila niyang pisngi. Tumawa ako ng malakas saktong pumutok ang mga fireworks! Sabay kaming tumingala ni Ervy at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko, napapikit ako at kasabay nun ang pagngiti ko.

"I love you Jara," bulong niya sa akin.

"I couldn't help it, its all your fault"

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now