CHAPTER 49

27 1 0
                                    

49.com


"Bakit fiancé pa?"

Para lang malaman kung sino si Lonely Flower ay kailangan ko pang magpanggap na fiancé nitong si Yohance?! Tinitigan ko siya bago natawa.

"Oh please! Ano 'to teleserye?"

Agad na nangasim ang mukha ni Yo at binato sa akin ang table napkin, napansin iyon ni Jay kaya mabilis niya itong sinita.

"Kung hindi kasi ako magkakaroon ng girlfriend kuno ay sa akin ibibigay yung babaeng para sa kapatid ko."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kay Ervy? E'di lalong ayaw ko."

"Bakit? Kayo ba ni Ervy? Akala ko kaya gusto niyang sa kanya mapunta si Margaux Ramirez ay dahil mag-on sila?"

Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako pero ang alam ko ay tumigil ang puso ko sa pagtibok. Mag-on? Napansin ko ang paglapit ni Jay sa amin habang dala-dala si DJ.

"What do you mean?" seryoso nitong tanong.

Tinaas ni Yo ang kamay niya at tumawa. "Hindi ko sure. Para namang babarilin niyo ako!"

Tumayo ako at wala ng planong tapusin pa ang pagkain. I need some air. Nginitian ko silang dalawa dahil nakatitig sila sa akin.

"Maglakad lang ako sa labas."

Walang bituin sa langit ngayong gabi, uulan siguro bukas o mamaya lang. Ininom ko ang biniling soya at pumikit. Eh kaka-I love you lang sa akin ni Ervy, ang labo naman nun. Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at sinubukang i-dial ang number ni Ervy.

"The number you dialed is either unattended or out of coverage area... The number you dialed is.."

Pinatay ko agad ang phone ko at nagmuni-muni pa ako ng kaunti bago tuluyang umuwi. Bukas ay dadaan ako sa bahay nila Ervy at tatanungin ko si Tita Alice, hindi pwede naguguluhan na naman ako sa sitwasiyon namin. May tiwala ako sa kanya pero ayokong mahirapan kakaisip.

"Saan ka ba nanggaling?!" sigaw ni Jay pagkapasok ko ng bahay.

"Dyan lang sa may park," tamad kong sagot.

Hindi ko na siya tinignan pa at dumiretso na sa pag-akyat sa kwarto ko. I feel so weak right now at talagang literal na pakiramdam ko ay ubos ako. Humiga na lang agad ako sa kama at hinayaan ang sarili kong makatulog.

"Mag-ingat kayo! Uwian niyo kong dried mango! Yung kagaya last year!" masaya kong paalam sa mag-anak.

Patungo na ng Cebu sila Jay kaya eto at mag-isa ako sa bahay. Naglinis na lang ako ng buong bahay habang kumakanta sa saliw ng Aegis. Aha! Kakain ako dun sa bagong bukas na restobar sa may Chunsang. Dun na lang ako magpapalipas ng oras. Pupunta nga pala dapat ako kela Ervy pero di'bale na lang.

Pagkarating ay bumungad agad sa akin ang magandang interior, sabi nga nila "instagrammable" daw kaya pala puro mga ka-edad ko ang nandito. Tumitingin ako sa mga tao at mukhang abala silang lahat sa pag-uusap sa iisang topic. Umupo ako sa counter saktong narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Grabe! Umiyak nga si Ervy! Totoo! Si Ervy! Nakita namin siya sa may Buasan, yung mall dun! Umiiyak siya habang nagpoproposed kay Margie!"

Natigilan ako sa pagtingin sa menu nila at napabaling sa babaeng nagsasalita.

"Si Ervy Eliseo ang nandito?"

Nagulat sila sa biglaan kong pagsingit sa usapan nila kaya dahan-dahan lang tumango ang babaeng nagkikwento. Ngumiti ako at nagpasalamat sa pagsagot niya sa akin. Bumaling ako sa waiter at umorder ng isang shot ng ewan ko kung ano yun, basta tinuro ko na lang. Nandito na pala si Ervy? Kailan pa? Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. I'll try to call him again, I want to make sure bago ko pa masabunutan ang sarili ko dahil sa pagkabuhol ng utak ko ngayon.

"The number you dialed is either unattended or out of coverage area.. The num-"

Yeah right. Wala naman kaming label kundi ang kunwaring maggirlfriend-boyfriend. That's it. Yun lang kami.

"Nandito na si Margaux!"

Napatingin ako sa direksiyon niya at nakita ko yung babaeng tinutukoy ng lahat. Maganda, makinis, balingkinitan, in short, PERFECT. Bumaling ako sa basong hawak at tumitig lang doon. Wala kong laban syempre! Bagay nga sila ni Ervy.

"Ayan si Ervy!"

"Sabi sa inyo, bagay na bagay sila!"

Ayaw kong tumingin pero di ko maiwasan kasi naman! Si Ervy yun eh! Sa dami-dami ng lugar, nakakainis minsan ang tadhana. Tinitigan ko ang lalaking kasama ni Margaux ba o Margie at nagulat akong si Yo iyon! I'm sure kahit na nag-wig pa siya! In all fairness, magkamukhang-magkamukha pala sila? Tumayo ako, lalapitan ko siya at magtatanong sana ako kung ano na namang trip niya sa buhay ng bigla akong harangan ng isang pamilyar na lalaki.

"Spade!"

Nilagay niya ang kamay sa bibig ko at sinilip muna si Yohance bago ako tinakpan.

"Don't be a mess. We're trying to fix things up," bulong niya kaya tumango na lang ako.

Hinila ako palabas ni Spade at hinatid ako pauwi. He explained everything kaya halos di na mabura ang ngiti sa labi ko. I know na hindi ako lolokohin ni Ervy.

"So you must help us."

"Naman Spade oh! Nosebleed na ko!" biro ko sa kanya.

Tumawa siya at may tinawagan sa app niya. Napatingin ako at nagulat ng makita si Ervy!

"Ervy!" masaya kong bulalas.

Ngumiti siya at halos mahimatay ako. "Na-miss mo na naman ang boyfriend mong gwapo?"

"Hmp! Eh kung hindi ko alam na si Yo yun patay ka talaga sa akin!"

Pagkasabi ko nun ay tumawa lang itong dalawang lalaki sa harap ko. Nagpaalam si Ervy dahil marami pa siyang dapat asikasuhin, nakangiti akong nagpaalam sa kanya.

Malaki talaga ang tiwala ko kay Ervy! Kasing laki ng pagmamahal ko para sa demonyo na yun! 

"Control your feelings Jara," mahinahon pero nakangiting sabi ni Spade sa akin.

Tumawa ako at pinalo siya sa balikat. "Buti na lang nandun ka, buang pa naman si Yohance."

"Kaya dapat lalo kang mag-iingat ha. Saan pala kita ihahatid?"

Tinignan ko ang paligid para malaman kung nasaan na ba kami. 

"Ah dyan na lang sa sakayan ng subway. Thank you Spade! Nabubuhol na nga utak ko eh!"

Natawa siya at may kinuha sa kanyang bag. "Oh bigay nga pala ni Ervy 'to nung nagkita kami."

Para kong tangang nakangiti dito sa loob ng coffee shop, nakakatawa naman talaga kung minsan 'tong mokong na 'to. Nilapag ko ang cellphone keychain na may disenyong eraser board para mapicturan iyon. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni Spade bago kami maghiwalay.

"Wag mo daw iwawala yan at may kapares na blackboard yan, ang korni niyong dalawa kahit kailan."

Natawa ako at masayang tinitigan ang picture sa phone ko.

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now