Chapter 23 - Love Rain

1.7K 45 0
                                    

Butter and Jelly – Chapter 23: Rooftop love


Butter

"Okay class dismissed, that is all for today." Sabi ng prof namin na si Ms. Yu nakakapagod naman ngayon sa klase. Inayos ko na ang mga gamit ko, at bigla naman tumabi sa akin si Paige.

"Butter! Alam mo ba napili ang play natin para sa ipepresent sa schoolfest ngayong month, so kailangan natin ng mas maraming copy ng script mo. Ang galing mo pala Butter all of us are impressed and kasali ka na pala sa characters." I was shocked at hindi ko alam ang sasabihin ko kay Paige.

"Paige gagawa ako ng script pero hindi na ako sasali sa characters hindi rin naman kasi marunong umarte." Umilingiling lang si Paige.

"Nope, request yan ni Ms. Yu tataasan niya ang grades natin Butter so make up your mind na okay? 2 minutes now." Nagbibiro ba tong si Paige masyado niya akong prinepressure pero on second thought makakatulong rin to sa mga quiz na namiss ko kay Ms. Yu.

"Alright then, sasali na ako sa characters Ms. Fuerte." Ngumiti naman ito at sobrang natuwa.

"Okay you'll play Winona, yung bida natin. Thank you so much for participating." Shit? Main protagonist namin yun. Jusko hindi to pwede.

"Wait Paige I can't play as Winona hindi ako magaling kumanta it's a musical play also and hindi rin ako marunong umarte." Umiling iling nanaman si Paige, mas marunong pa siya sa kung anong kaya kong gawin huh.

"Nope nope you agreed and binigyan na kita ng role so do it Butterliette! Isusumbong kita kay Ms. Yu." Naglakad na palayo si Paige and ito ako dumbfounded at hindi alam ang gagawin ko. Kung pwede lang sana ilagay ang awesomeness and coolness sa pagarte then I'm gonna do good.

Lumabas na ako ng classroom at nakita ko naman sa may Bulletin Board si Jillian, well I think she's waiting for me. Hindi nanaman kasi siya sumasama kila Chloe or sa barkada niya. I'm still wondering why pero siguro nag ka misunderstanding lang.

Medyo malayo pa ako sa kanya pero tanaw kong kumakaway siya sa akin and I did the same. Pero teka si Jelly, nasan na kaya siya?

"Hi Ms. Villafuerte! Akin na yang bag mo." Akmang kukunin na sana ni Jillian ang bag ko pero iniwas ko ito.

"Nope kaya ko na, it's okay Jill." Sabi ko naman at ngumiti, hindi na rin niya ako kinulit kasi alam naman niyang pagod ako ngayong araw.

"Halika na Butter alam kong pagod kana ngayong araw." Tumingin naman ako kay Jillian and I think disappointed siya ng sobra may problema kaya?

"Jillian may problema ba?" Tumingin naman ito sa akin at unti unting linalapit ang mukha nito sa akin pero mabilis akong umiwas, no one could kiss me.

"I'm sorry Butter. I was just wondering if pwede tayong mag ice cream." Ngumiti naman ito sa akin pero alam kong malungkot ito.

"Sige payag ako." Bigla namang nagliwanag ang mukha nito and I smiled at her binuksan na niya ang pinto ng kotse niya.

"After you milady." Natawa naman ako sa way na pagkakasabi nito at sumakay na sa kotse niya, kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan ang mga messages.

5 messages received...

From: Jelly <3

"Butter andito ako sa rooftop ng school, diba yung date natin?"

From: Jelly <3

"Maghihintay naman ako kahit gaano ka katagal."

Frrom: Jelly <3

What happened in Beihone [ under revision ] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant