Chapter 30 - The wedding

2.7K 57 0
                                    

Butter and Jelly – Chapter 30: The beach wedding


Butter

Looking at the mirror with my make up on. Hindi ako makapaniwala na pwede pala akong maging ganito ka ganda, ay oo nga pala kasal ko pala to so I need to be the fairest of all the girls there. Naiirita na nga ako sa baklang make up artist na ito, like kanina pa siya retouch ng retouch para hindi daw ako lusyang tingnan? Gosh do I look the old!?

May bigla namang pumasok sa kwarto and it was Jelly, looking as astonishing every day. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, I mean for the last time masaya pa rin ako kasi makakasama ko pa rin siya kahit ikakasal na ako. Oo nga ikakasal nga ako, pero feeling ko pupunta na ako sa isang death execution eh.

"Bakit naman nakasimangot ang bride?" Sabi naman ni Jelly sa akin, pero napabuntong hininga lang ako at ngumiti sa kanya.

"Just nervous, syempre ikakasal ako." Sabi ko naman sa kanya, mabuti nalang umalis na yung baklang artist naintindihan rin pala niya na kailanagan naming magusap.

"I know that, pero hindi naman ako nakasimangot pagninierbiyos ah?" Sabi naman nito pero inirapan ko lang siya. Lumuhod naman ito bigla sa harapan ko.

"Have this! Siya ang magpapa goodvibes sayo, para sa akin lucky charm ko ang teddy bear na yan." Nagulat ako sa pinakita niyang stuff toy.

"Jeter..." Naalala ko si Jeter ito yung napanalunan ko sa park dati.

"Jeter huh?" Sabi naman niya.

"Ah wala, wala may naalala lang ako, but sure I'll have it." Sabi ko naman rito, at ngayon nakangiti na ako. Namiss ko rin itong si Jeter!

"Para mo namang anak si Jeter na nawala." Biro naman ni Jelly kaya tumawa ako and I pinched her cheeks.

"Aray ko ha!" Sabi naman niya which made her look so cute.

"Pwede ba akong humingi ng favor?"

"Sure ano naman yun?"

"Pumikit ka and you'll know." Hinawakan ko naman ang pisngi niya and I caress it gently, unti unting pumikit na ang mga mata ni Jelly, and all I can say is sobrang ganda talaa niya.

Here goes nothing it will be the last, hinagkan ko siya just a peck. Bigla naman siyang nagulat pero hindi siya lumayo. I closed my eyes, savoring her lips. Kasi ito na ang pinakahuli.

"Thank you, now I'm ready to be a bride." She looks confuse pero ngumiti nalang siya sa akin at lumabas na at naiwan ako sa kwartong ito kung saan palagi akong sinasaktan ni Jillian.

Damn habang buhay kong titiisin ang lahat...

******

It's a beach wedding pala, ang ganda ng view. Sobrang ganda ng lahat pinaprivate pa talaga ni Jillian ang lahat para sa kasal namin. Natutuwa naman ako kahit papano makita ang lahat na masaya, na sa wakas nakamit na rin nila ang masayang ending nila. It's enough for me to be happy.

It's my turn to walk, at nakikita ko na si Jillian. Sa pinakadulo siya rin pala ang makakatuluyan ko, siya lang rin pala ang magiging sagot sa happy ending na inaasam asam ko.

Ngumiti naman ako sa mga tao, mga bisita. Maraming nag tetake ng pictures so I kinda have to smile, pero hindi ko pa ring maiwasang walang tulong lumuha sa pisngi ko, pero pinakita ko pa rin sa lahat na natutuwa ako, natutuwa ako sa lahat lahat ng ito.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako kay Jelly, nakangiti ito sa akin. Pareho sa ngiti niya kapag magkasama kami, siguro nga mahal na mahal rin niya si Louise at matagal na akong napalitan sa puso niya.

What happened in Beihone [ under revision ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon