CHAPTER 9 - Capture

1.9K 45 5
                                    

CHAPTER 9

Rheim Smith's POV

We're in our way para sa date namin ni Fia, this is just a friendly date. Nothing more, nothing less. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe, siguro ay nasa shocking state pa din si Sofia sa ginawa kung pag-yaya sa kaniya na mag date.

Nilingon ko siya na nasa labas ang tingin na kay lalim ng iniisip.
Siguro meron talaga siyang dinadalang problem at ang pagiging maldita niya ay siyang ipinapakita niya para mapag-takpan ang dinadalang sakit.

"Can you share your problems to me?" Basag ko sa katahimikan. Siguro this time ay hindi naman masamang makinig at magbigay ng payo. Nilingon niya naman ako na nakakunot ang noo. "Makikinig ako."

"Hindi na, I'm okay now." Sagot niya.

"Really?" tinaasan niya naman ako ng kilay. "Iba ang nakikita ko sa sinasabi mo."

"Okay," bumuntong hininga siya. "Pero bago ako magkwento ay gusto ko na sa magandang lugar para mapayapa at masarap sa pakiramdam na mag kwento."

"Pwede naman dito." Inis kung sabi. Napaarti pa kasi, magkwento na nga lang.

"Dali na kasi. Para naman memorable ang date nating dalawa," humagikgik pa siya na animoy kinikilig. Daig pa niya ang menopose baby sa pinapakita niyang ugali.

"K." Asar na sagot ko at iniliko pa kaliwa ang kotse ko.

Dadalhin ko siya sa lugar na paborito ko. Kahit na sinabi ko noon na hindi na ako babalik roon ay mapapapunta na akong muli sa lugar na iyon. That place is so special to me and I promised na special na tao lamang ang dadalhin ko sa lugar na iyon. Ngunit sinira ng kaisa-isang babae ang memorable memories ko roon. She take her revenge to me to that place thats why, ayaw ko na sanang bumalik roon hangga't hindi pa ako nakakapag move on.

Kaso sa case ngayon ay kailangan ko siyang dalhin doon. Mahigit isang buwan na rin namang hindi ako napapadpad roon. Dati rati'y tatlong beses ako sa isang linggo kung pumunta. Sariwa parin kasi sa isipan ko ang mga sweet moments namin sa lugar na iyon. Doon niya ako sinagot, doon ko narinig ang pagsabi niya saakin na mahal niya ako. I thought last time, those moments are so generous and special to me but, all of it are thoughts only.

"Wow! Ang ganda naman ng lugar na ito." Biglang sabi ni Fia na nag pabalik ng atensyon ko. Nasa harap na pala kami ngayon ng lugar na pinakagusto ko. Hindi ko man lang namalayan iyon, siguro dahil sa mahabang pag-iisip. "Bakit ngayon ko lang nalaman ang lugar na ito."

"Because this place is mine." Sabi ko tyaka bumaba ng kotse.
Nakita ko naman siya sa gilid ng mata ko na bumaba.

Tiningnan ko ang dagat na malawak na may gulay asol na tubig. Napaka-payapa, sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin na humahapyas sa braso ko. Sana kung gaano kaaliwalas ang dagat ay gano'n din sana kaaliwalas ang buhay ko. Ngunit iyon ay nasa 'Sana' na kataga nanaman.

Naglakad ako papunta sa sementong upuag naroon at umupo. Tumama agad ang paningin ko sa sulat na nasa mesa. Ang sinulat niya noong sinagot niya ako.

"Forever I will be yours Rheim---" tinakpan ko kaagad ang nakasulat kaya napatigil sa pagbasa si Fia. "Tanggalin mo nga ang kamay mo. Binabasa ko pa e," pagmamaktol niya at pinipilit na tanggalin ang kamay kung nakapatong roon. "Rheim naman e, babasahin ko muna."

"Stop it, Fia. Hindi mo ba alam na masama ang magbasa ng sulat na hindi naman sayo?"

Inirapan niya ako tyaka umupo sa tabi ko. "Edi sana binura mo iyan kung ayaw mung mabasa ng iba." Aniya at tinanaw ang dagat. "Infairness, napaka ganda ng lugar na ito. How could you find this place?"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora