CHAPTER 33 - The Wedding Part 1

1.2K 28 0
                                    

CHAPTER 33 - THE WEDDING PART 1

MALALIM ang naging pagbuntong hininga ko habang nakatingin sa gate ng bahay namin. Ngayon lang ulit ako makakapasok sa bahay namin. Last time na nakapasok ako rito ay no'ng pinapaalis ko si Samantha. Nandito pa kaya siya?

Kamusta na kaya si daddy? hindi ko pa siya nakikita, limang taon na rin ang nakalipas at kahit sobrang daming maling nagawa sa akin noon si daddy ay hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kahit gano'n ang ginawa niya, pinatawad ko pa rin siya.

Napatingin ako sa hawak kung invitation card na para kay daddy. At gusto ko na sabihin sa kaniya na siya ang maghahatid sa akin papunta sa altar. Bukas na ang kasal at sana ay present si daddy. Isa sa mga pangarap ko ang maglakad sa altar kasama si daddy kaya gusto ko na matupad iyon.

Lumapit ako sa gate saka pinindot ang door bell. Mayamaya lang ay lumabas ang isa sa mga katulong. Nagulat pa ito ng makita ako. Kung hindi ako nagsalita hindi siya aalis sa harap ng gate kung saan ako dadaan.

"Nasaan si daddy?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa likod po, sa pool area."

"Salamat."

Naglakad ako papunta sa likod. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng lamig sa katawan ko. Unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga sinabi niya noon sa akin.

Mabilis kung ipinilig ang ulo ko. Hindi ko kailangan isipin ang nakaraan, tapos na iyon. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya kaya hindi ko na dapat alalahanin ang mga nakaraang iyon.

Tinapik-tapik ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay makakapusan ako ng hininga sa sobrang kaba. Ano kaya ang magiging reaksyon ni daddy kapag makita ako? Matutuwa ba siya? magugulat? o baka naman palayasin at ipagtabuyan niya ulit ako kagaya sa huling ginawa niya noon sa akin.

Muli ay ipinilig ko ang aking ulo. Lalo pa'ng bumilis ang pagtibok ng puso ko. At halos matanaw ko na ang pool area ay nanginginig na ang katawan ko. Hanggang ngayon ay may phobia pa ako sa swimming pool. Bumabalik ang takot ko noong nalunod ako, m
pakiramdam ko ay hinahatak ako ng pool at ipinapaalala sa akin ang pagkalunod ko.

Napahinto ako at napalunok ng paulit-ulit. Kitang-kita ko na si daddy na nakaharap sa pool, may upuang puti na naroon at nakasandal siya habang naninigarilyo. Habang pinagmamasdan ko ang likod niya ay napansin ko kaagad ang pagbagsak ng katawan niya. Medyo payat na siya.

Pinalakas ko ang loob ko para makalapit sa kaniya, hahakbang na sana ako kaso ay tumigil ulit ako. Tinanaw ko ulit ang tubig sa pool na kulay blue, napalunok ako, hindi ko kayang lumapit sa pwesto niya dahil nanginginig na ako.

"Paulette?" boses na nanggagaling sa likuran ko. Napalingon ako at si Kuya Ray pala iyon. "Oh god! Bakit hindi ko alam na nandito ka? kailan ka lang dito at bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito ka?" sunod-sunod na tanong niya.

"Kakarating ko lang actually." Sagot ko saka tiningnan ulit ang nakatalikod na si daddy. "Gusto ko sanang makausap si daddy."

Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan at ginulo ang buhok ko. "Go on. Talk to him, miss ka na niya."

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang huling sinabi ni Kuya. Talaga bang miss na niya ako o baka pinapalakas niya lang ang loob ko?

"Kaso," humugot ako ng hininga. "Hindi ko kayang lapitan si daddy lalo na ngayon na nasa harap siya ng pool. Alam mo naman diba na may takot na ako sa swimming pool?"

"Ah," sabi niya saka tiningnan din si daddy. "Ako na ang bahala, anyway, birthday ngayon ni dad." Nanlaki ang mata kung tiningnan siya. "At gusto ko na ipagluto mo siya. Alas tres ng hapon ay pumupunta siya sa garden. Dapat bago mag alas tres, nandoon na lahat sa mesa ang mga niluto mo. Don't worry, hindi pumupunta sa kusina si daddy kaya hindi ka niya mapapansin na nandito. Surprise dad please?"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now