CHAPTER 59 - His Tears

859 19 9
                                    

CHAPTER 59 - His Tears

KIER MARKY CASTILLO'S POV

SA ginawa kung paghalik sa kaniya ay nagising siya. Kaagad akong lumayo sa kaniya ng bahagya. Tinitingnan ko ang itsura niyang walang ipinagbago. Magang-magang pa rin ang mata niya na parang ginagat ng insekto.

"Rheim?" tawag niya sa pangalan ng iba. Napalunok ako. Ibang pangalan na ang tinatawag niya. Dati, kapag mawala lang ako sa tabi niya ay pangalan ko kaagad ang tatawagin niya. "Rheim ikaw ba 'yan?" kinurapkurap ko ang pilik mata ko dahil naramdaman ko na ang paglabas ng mga luha ko sa mata. "Rheim si baby wala na ba talaga?" nag-umpisa siyang umiyak at nahawa ako sa iyak niyang 'yon. Umupo ako sa upuan at hindi sumagot.

Bakit hindi mo na maramdaman ang presensya ko kyuap? wala na ba talaga ako sa 'yo? Tanong ko sa kaniya gamit ang isip ko.

Umupo siya at umiyak ng malakas. Ang sakit tingnan na hindi ko man lang siya magawang yakapin, magawang pagaanin ang loob niya. Hindi ko na rin magawa na yakapin siya. Natatakot ako, natatakot ako na baka itaboy niya ulit ako kapag nalaman niyang nandito ako.

"Ayaw mo na ba akong makausap? sige, pakinggan mo nalang ang sasabihin ko. Gusto kung ilabas 'to, ang bigat-bigat na kasi." Pinanusan niya ang luha sa pisngi ngunit panay naman ang pagtulo ng luha niya.

"Mahal na mahal ko si Yana kahit hindi ko pa siya nakikita. Mahal na mahal ko siya kagaya ng pagmamahal ko sa ama niya Rheim. Silang dalawa sana ang magbibigay sa 'kin ng saya at ligaya pero nasa'n sila? iniwan na nila ako. Napakadali sa kanilang iwanan ako."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? na anak ko si Yana na anak niya? paano?

Napalunok ako, gusto kung pagsalita at tanungin siya kung totoo ba ang mga naririnig ko pero natatakot ako. Natatakot ako na malaman ang katutuhanan.

"Ano ang gagawin ko kapag malaman niya na anak niya si Yana? anong sasabihin ko sa kaniya kapag malaman niyang namatay ang anak naming dalawa? hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Akala ko kaya ko, akala ko kaya kung malampasan ang lahat ng ito pero hindi ko na talaga kaya. Alam kung magagalit siya kapag nalaman niyang may anak siya sa 'kin at hindi ko man lang ipinaalam sa kaniya."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz