6. Official

133K 4.7K 1K
                                    

After 7 months


Zyneth


I gasped. My heart is pounding too fast. I licked my parted lips, suddenly I felt the wave of dryness on my throat. I need water---so badly.


Tatayo sana ako kaso may nagbukas ng pinto. May pumasok na isang babae na may abong buhok at kayumangging mata. Gusto kong magsalita kaso mas lalong nanakit ang lalamunan ko. I want to speak but I can't. Napakunot ako bigla, sino siya?


"Hi~" Nakangiting bati niya, pansin ko ang mga hawak niyang folder sa kanan niyang kamay. Nginitian ko nalang siya ng pilit. Saglit kong ipinikit ang mata ko nang may maramdaman akong kakaiba.


"Ayos ka lang ba? Buti gising ka na." Napadilat ako ng mata nang may inilapag siyang supot sa coffee table. Ang lakas at ang bango ng amoy nito. Gusto kong maglaway, sa buong buhay ko hindi pa ako nakakaamoy ng ganong kabango. Bigla tuloy akong napahawak sa tiyan ko, kailan ba ako huling kumai---


"Bite me." I'll put an end to this one. I know this decision is indecisive and risky but this is a win win situation. I'll have my vengeance and Ivo will receive the pleasure of me playing his game.

"Mio piacere."


I shot my eyes open. Mukhang may sariling buhay ang mga kamay ko at naglakbay ito sa leeg ko kung saan ko naramdaman yung sakit noong gabing 'yon. Bigla akong natigilan, hindi ko alam kung anong gagawin ko, totoo ba yung nangyari nung gabing 'yon? Teka asan siya?


"Si Kuya Ivo ba hanap mo?" Biglang tanong nung babae na pumasok kanina. Napatingin ako sa'kanya, doon ko lang napansin kung gaano magkasing kulay ang buhok nila ni Ivo.


May kapatid siya?


"He went to Greece, y'know business trip, he's a busy man." May inilabas siya sa supot kanina at mas lalo pang nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko mas lalo pang tumapang yung amoy. Kinalma ko ang sarili ko at sa kauna unahang pagkakataon, nagsalita ako.


"Sino ka?" Mahina kong tanong pero bigla siyang tumawa at inilapag niya ang hawak niyang folder sa tabi bago niya iniangat ang kamay niya.


"How rude of me, I'm Kelsey Reagan at your service." Kinindatan niya ako at ngumiti lang ulit ako pabalik. She seems nice pero hindi pa rin ako ganon kadaling magtiwala sa iba but over all mukhang magaan ang loob ko sa'kanya. Inangat ko ang kaliwa kong kamay at inilapat yon sa kamay niya.


"Zyneth Dean." Nginitian niya ako at tumango.


"Okay Zy!" Para siyang bata na humagikgik pero napatawa lamang ako. Bumalik ulit siya doon sa may supot at inilabas niya doon ang isang blood pack? Teka yan ba yung matapang na naaamoy ko kanina? Bigla siyang umalis at bumalik siya na may dalang baso, isinalin niya doon yung dugo bago siya lumapit sa'kin pero bigla akong napaatras.


"May problema ba?" Nakakunot noo siya nang tumigil siya sa tabi ng kama na kinauupuan ko. Wala akong maramdamang takot o kung ano pero bigla akong nainis. Iniisip ko palang na dugo yan ng isang tao na walang awang pinatay kumukulo na agad ang dugo ko.

Fatal RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon