8. Proposal

138K 4.7K 571
                                    

(Please do listen the song above as you read this chapter, this song got me addicted and this is what I played over and over again while writing this chapter. The line: Don't be surprise, I will still rise is so relatable to Zyneth.)

Zyneth

I'm done with being weak, and today is the day I most anticipated. I watched the sun rising slowly as it's rays invaded the pale blue sky. Last night, I've made up my proposal at ang kailangan ko lang ngayon ay ang mapapayag siya. I am not using Ivo, and I will NOT, kailangan ko siya para sa plano ko. I know I am being selfish about this but I don't have a choice. This is a win-win situation. Both of us will benefit here.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa singsing na nasa kamay ko, hindi ko alam na gamit ko pa rin pala  ito hanggang kagabi. 

Who would use this crap anyway?

Marriage is important to me and this ring symbolizes our promised vows. Biglang nag-init ang ulo ko dahil bigla kong naalala yung mga pinangako niya sa'kin. Napatitig ulit ako sa singsing na nasa kamay ko at walang pag aalinlangan ko itong ibinato sa malayo. He's now my ex-husband and I don't care.

Alam kong may ginawa siyang paraan para mapawalang bisa ang kasal namin, money can do anything after all that's no doubt. Kapag ako yung babae noon na nagpakatanga sa'kanya baka maaring umiiyak na ako ngayon pero ngayon iba na, I'm more than grateful, at last I'm free.

I smiled sarcastically.

Sila naman ngayon ang hindi makakatakas mula sa'kin. All the excruciating pain and the hell they gave me, of course karma is truly a b*tch and unfortunately I'm the karma. I smirked with the thought.

 Bumalik ako sa loob ng kwarto at nagpalit ng malaking damit, gusto kong matawa dahil isa ito sa dahilan kung bakit mas pinipili niya yung mga babaeng maiikli ang suot papunta sa kwarto namin---niya. I shrugged with my thought. Tuluyan akong lumabas sa kwarto at saktong may maid akong nakasalubong. Nginitian niya ako at iginaya niya ako sa garden, nung una nagtaka ako kung bakit ako andito pero agad din yon nawala nang makita ko si Ivo na nagkakape at nagbabasa ng tabloid. He's wearing a business suit which made him more intimidating.

"Sedere." He ordered without looking at me. Napakunoot noo ako, alam kong may inuutos siya pero hindi ko maintindihan.

"Excuse me?"

"Sit." Ngayon, ibinaba niya ang hawak niyang newspaper at tumingin siya sa gawi ko. Umupo ako sa kabilang upuan. Tinignan ko ang hawak niyang newspaper at ang unang nakaagaw sa pansin ko ay ang mukha ni 'Mr. Melanconni'. I gritted my teeth, mukhang napansin 'yon ni Ivo at inilayo niya ang newspaper. 

May lumapit na dalawang maid at naglapag sila ng mga pagkain sa harapan namin. Naunang kumain si Ivo, ni isa sa amin walang nagsasalita. Napatingin ulit ako sa pagkain ko at bigla akong nawalan ng gana. Biglang nagbalik ang isip ko doon sa tabloid kanina, nasa tabi ito ni Ivo na ngayon ay nakatingin sa'kin pero gaya ng dati blangko pa rin ang mukha niya.

"Don't you like your food?" Ngayon ay nakakunoot noo siya, bahagya akong umiling saka ako napatingin sa leeg niya kung saan ko siya kinagat kagabi. Bigla tuloy namula ang mukha ko nang makita ko na medyo nagmarka ito.

"Well then," Pinunasan niya ang bibig niya at inilayo niya ang plato niya saka siya diretsong tumingin sa mata ko. 

"I guess this is the perfect time to discuss the matter." I nod my head, inihanda ko ang sarili ko. Tumingin ako pabalik sa kanyang abong mata. 

Fatal RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon