NOTE: Watchout pabago bago ang scene dito sa chapter na 'to.
Third Person
"I may not be the identical loving husband that you dreamt of and found in those romantic books you've read. But today, surrounded by people who came to witness our wedlock, I choose you mia more to be my partner for the rest of my fucking life. I can't promise you anything though, I can't promise you to weep because of me, I can't promise anything that will broke you once I've messed up. But I assure you, I will be the one to wipe your tears away, cradle you in my arms all night and love you endlessly."
Vows are supposed to be cherished, kept and to be fulfilled.
Vows are promises that it is said and done to your love one.
Mabilis na nagmaneho si Sebastian at para bang hindi makapaghintay na tapusin ang buhay ni Reagan. Gamit ang baril sa kanyang bulsa, napabungisngis siya habang iniisip kung paano niya papahirapan si Ivo.
"Pagkatapos ko sa'yo susunod na ako sa mahal ko." Napatango tango siya na tila ba may kausap.
Pero wala siyang kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya. Bigla na lamang namatay ang makina ng sasakyan at sakto itong huminto sa tabi ng abandunadong gusali.
Napakunot si Sebastian at sinubukan ulit paandarin ang makina kaso naagaw ang atensyon niya sa anino na nakatayo di malayo sa kotse.
"Tang*na naman." Napamura nalang siya sa sobrang galit, lumabas siya sa sasakyan at sinipa ito. "Walang kwenta! P*nyeta." Saglit siyang napatigil nang makaramdam siya ng kakaibang lamig sa likuran niya.
Napalingon lingon siya sa paligid at napakunot noo.
Nagkibit balikat na lamang siya, ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang pabalik sa loob nang biglang tumama ang ulo niya sa windshield ng sasakyan. Tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.
*****
Napahinto si Ivo nang harangan siya ni Ash. Gaya nito namumula na rin ang kanyang mga mata at kapansin pansin ang matutulis niyang pangil.
"Go f*cking save her Ivo." Mariin na sabi ni Ash ngunit parang walang naririnig si Ivo. Mas lalo lang siya nagalit, uhaw na uhaw na siyang pumatay.
"F*cking listen to me go*damnit! Go back to your senses! You need to save your family!" Hindi na naghintay si Ash ng sagot at iniwan si Ivo. Tila ba doon siya tinamaan ng katinuan. Muntik na niyang pairalin ang galit niya, at kung nangyari yon, may posibilidad na magsisisi siya na inuna niya ang galit niya kaysa iligtas si Natasha.
Natasha.
Mabilis siyang tumakbo hanggang sa huminto siya sa harapan ng isang mansyon, wala siyang sinayang na oras at agad niyang pinasok ang bahay.
"Mahal kita! Bakit mo ba ako ipinagtutulakan? Sabihin mo lang kasi napapagod rin ako, hindi kita maintindihan eh. Pero alam mo? Kahit na ilang beses mo akong ipinagtulakan nandoon pa rin yung pakiramdam na hindi 'yon ang gusto mo Ivo..."
"Mahal kita..."
"Mahal kita..."
"Mahal kita..."
Sinipa niya nang malakas ang pinto at agad na binuksan ang ilaw. Mabilis niyang tinungo ang basement na nasa pinakadulo ng hallway.
"Mahal kita Ivo, patawad.."
"Hindi ko alam kung kaya ko pang kumapit baby."
Bigla niyang naalala yung narinig niya kanina. Mas lalo lang siya kinabahan lalo na ngayong wala ng nagsasalita mula sa recording device na nakakabit kay Natasha.
BINABASA MO ANG
Fatal Revenge
VampireREAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked, stabbed me on my throat, in short they tortured me. They're animals, a wicked and a demon. THEN I...