We'll be good friends

906 8 2
                                    

Josh

Naniniwala ba kayo sa kasabihang first love never dies??? Kasi ako oo...........super naniniwala ako dyan,masasabi ko na im a living proof..... Kasi naman yung first boyfriend ko na kamalas malas e first love ko e buhay parin hanggang ngayon kahit na super kinukulam ko na sya sa utak ko......Nakakainis talaga lalong lalo na kapag nakikita ko sya dito sa campus.........oo tama........sa kamalas malas e magkaschool mate din kami!!!!!!!!!!!!

Mapaglaro talaga ang tadhana,anyways ayaw ko na syang isipin baka akalain nya e inlove parin ako sa kanya after all this years. Oo tama kayo sa narinig nyo 2 years na kaming hiwalay pero kumukulo parin ang dugo ko sa kanya kapag nagkikita kami.

Sabi ng mga kaibigan ko dapat daw mag move na ko kay Mark pero hello matagal na kong na ka move on sila lang pumipilit na hindi pa ko nakaget over sa kanya.

Nandito ako ngayn sa bleacher,medyo napaaga ang pag papalabas samin ng prof namin,may meeting pa daw kasi sila. Iniintay ko nalang ang mga kaibigan ko. Accountancy kasi ang course ko,samantalang Tourism Mgt. naman ang mga kaibigan ko,actually gusto ko din ang course na yun kaso ayaw ni Papa gusto nya Accountancy din ako tulad ni Mama. Hindi naman sa pag mamayabang e maituturing akong isa sa campus sweetheart sa school namin. Matalino din ako,ako ang top 1 every semestral sa Accountancy,masasabi na beauty and brain ako.

Kakainin ko na sana ang dala kong sandwich ng biglang may bola ng basketball na tumama sa kamay ko kaya nahulog ko ang sandwich na dala ko,hala sayang naman...............Tiningnan ko ng masama kung sino man ang may gawa nun. Sinu pa nga ba e di yung hambog na si Mark. Ibang klase talaga nakangisi pa sya mukhang tuwang tuwa pa sya sa nangyari.

"Ibang klase pareng Mark,ang galing mo talaga shoot na shoot talaga."sabi ni Third isa sa kaibigan ni Mark.

"Tigilan nyo na nga yan,sorry Josh.......alis na kami"buti pa si Stephen.....isang half korean .....bakit kasi hindi nya mapansin na crush ko sya........sana may chance kaming dalawa. Grabe kinikilig ako kapag naiisip ko yun.

"Hoy Josh,bakit parang sinisilihan yang pwet mo,pasayaw sayaw ka pa dyan"Giselle

"Siguro nakita mo na naman si Mark nu,ung love ng life mo"Karissa

"Eiw Karissa pwede ba.............hindi sya ang love ng life ko kundi si Stephen"

"Sus tinitago mo lang yan,akala mo si Stephen ang gusto mo pero ang totoo di ka parin nakaka move kay Mark."Mia

"Alam nyo kayo lang nag iisip na hindi pa ko nakamove on dyan sa Mark na yan. Anu bang gusto nyong gawin ko para maniwala kayo na wala na kong feelings sa kanya."

"E di forgive him,........maging friends ulit kayo tapos mag boyfriend ka na ulit ng iba"Greyz

"Ibang klase kayong mag isip ha,super hirap gawin ng mga sinasabi nyo.........Maging friends with Mark,.........haler e ung makita nga syang ilang minuto hindi ko na matiis,kausapin pa sya at makipag kaibigan. At tska papayag lang akong mag kaboyfriend pag si Stephen Yeun ang naging boyfriend ko."

"Sige  Josh,mag daydream ka lang dyan total maaga pa naman"

"Tara na girls,mag mall tayo ngayon ang tagal na kasi mula nung huli tayong lumabas e,at tska may sale ngayon sa mall"Karissa

"Game!!!!"sabay sabay kaming apat. Kung may pag kakasunduan man kami yun ay ang pag shoshopping.

Enjoy na enjoy kami sa pamimili namin,para kasing nakakagaan ng feelings kapag nakakabili kami,ito na yung stress removal namin.

"Hoy Josephine Enriquez,anung ginagawa nyo dito ha,siguro sinusundan mo ko nu................."isa lang tumatawag sakin ng buong pangalan,bakit ba kasi lagi nalang kaming pinag tatagpo.....kung sya ang ka meant to be ko.........juice colored baka mag suffer ako. Hinarap ko nalang sya.

Long Distance Where stories live. Discover now