A boy from my dream

694 8 3
                                    

Ngiting nakakatunaw,mapuputing ngipin,matangos na ilong,mahahabang pilik mata at syempre ang malalim nyang dimples. Sya ang destiny ko..... parati ko syang nakikita sa panaginip nga lang.

Ako si Lokie isang call center agent,dahil sobrang busy ng trabaho ko hanggang ngayon e wala parin akong boyfriend kahit na malapit na kong mag 25...samantalang yung iba kong mga kakilala e may mga pamilya na sa edad na ganito. Nagkaroon narin naman ako ng mga past relationships kaso hindi nga lang talaga nag work. Kaya ngayon yung gwapong lalaki nalang sa panaginip ko ang pinagpapantasyahan ko.

Nakakapag taka nga e kasi madalas sya ang nakikita ko sa panaginip ko...nacucurious tuloy ako kung totoong nag eexist ba sya sa mundo o long distance talaga ang peg namin.

"iniisip mo na naman ba yung dream boy mo?"si Pia bestfriend ko,madalas sa kanya ko kinukwento ang mga nangyayari sakin.

"oo alam mo Pia feeling ko talaga totoong tao sya e,baka nag kita na kami sa past hindi ko lang matandaan"

"hoy naku Lokie,tigilan mo nayan totoong tao ang hanapin mo wag yang sa panaginip mo lang nakikita.....malapit ka ng tumandang dalaga....mag asawa ka na kasi"

"ai......kakahiya naman po sa kanya.....feeling may asawa..."

"atleast ako may boyfriend...e ikaw bokya....mabuti pa mag concentrate ka nalang dyan makita ka na naman ng team leader natin"speaking of the devil biglang dumating ang masungit at matapang na si Arkin....... Ewan ko ba sa taong to nung namigay ata ng kasungitan at katapangan e gising na gising to kaya salong salo nya. No wonder wala rin girlfriend to hehehe hindi pa naman ako nag iisa. Pero siguro kapag nakahanap sya ng girlfriend mag babago sya.

Sayang sya gwapo rin naman sya at lahat ng physical features ng gwapo e nasa kanya din kaso ung ugali talaga mga bes.........hindi na papasa.

Matapos ang shift ko ay dumeretso kami ni Pia sa night market,gutom na gutom na talaga ako buti madaming choices dito.

"alam mo Lokie kaya ata hindi tumatagal ang mga relationships mo e kasi lugi sila sayo sa katakawan mo."

"grabe ka naman....hngjtwdadagpatepupwga"

"hindi ko na maintindihan yang snasbi mo nguyain mo nga ng muna yan"

Nagulat kami pareho ng may naglagay ng tray sa mesa namin. Muntik ko ng mbuga kay Pia ang mga kinain ko kung sinu ang nakita ko. Si Arkin lang naman,nu kailangan nito.

"pwede ba akong makishare ng table wala na kasing space sa iba e......."nagkatinginan pa kami ni Pia pero pinaupo din namin sya. Walang nagsasalita habang kumakain kami.

"wag nyo akong intindihin.....mag usap lang kayo"sira ba sya panu kami makakapag usap e nandito sya. Binilisan ko nalang ang pag kain ko gusto ko ng umuwe.

"hoy Lokie dahan dahan ka baka mabulunan ka dyan"

"kailangan ko matulog ng maaga ngayon,malay mo mag kita na naman kami ng destiny ko"

"ewan ko ba sayo magpapantasya ka lang ng lalaki yung nasa panaginip mo pa,wala ka talagang pag asa"hindi ko na lang inintindi ang sinabi nya binilisan ko nalang ang pagkain ko hanggang sa......teka........nabulunan ako...!!!!!!!!! Napatayo na ko hindi ako mapakali,......nahihirapan na ko buti nalang may tumulong sakin....... Masuka suka ako ng matanggal ang bara sa lalamunan ko.........

"ok ka lang ba Lokie........sabi ko kasi sayo mag dahan dahan ka...buti nalang nandito si Sir"

"thank you po Sir......utang ko po sa inyo ang buhay ko"

"tsk.....sa susunod kasi mag dahan dahan ka..para hindi ka makapang abala ng iba...nawala tuloy ang gana ko sa pag kain...makaalis na nga..."

"tingnan mo yun Pia...ganun ba.....napaka matapobre talaga ng taong yun....bakit pa kasi sya nandito....nakakainis talaga....."

Long Distance Donde viven las historias. Descúbrelo ahora