Two weeks vacation

578 5 0
                                    

Kinatatakutan ako ng mga office mates ko,sabi nila masyado daw akong matapang,mataray at perfectionist. Pero okay lang naman sakin yun..... kasi totoo yun....ganun talaga ang ugali ko kapag may gusto akong ma attain. Open kasi ang position ngayon para sa assistant manager ng department namin at isa ako sa candidates nito.

Isa lang naman ang kalaban ko sa posisyon na yun....... kundi yung maarte na at walang alam na pamangkin ng manager namin. Ewan ko nga ba kung bakit sya pa nakalaban ko dito e puro palpak naman ang ginagawa nito,mas magaling pa nga ang mga ojt's namin. Pero naniniwala parin akong fair ang manager namin at hindi nya ibabase ang desisyon dahil lang sa kamag anak. Kaya kampante parin ako na makukuha ko ang posisyon.

Speaking of the dev.....nagkasalubong pa kami ng impakta.

"so......Phlybert umaasa ka parin ba na makukuha mo ang position na asst manager.....ok lang naman yan....umasa ka nalang kasi hanggang dun ka lang naman makakarating.."

"alam mo Angelie....ayaw kong ibaba ang level ko para lang sabayan ka dyan sa mga patutsada mo....sabhin mo na gusto mung sabihin kung yang ang ikagagaan ng mabigat mong dibdib"sabagay yun lang naman malaki sa kanya.....

"so naiingit ka pala sa dibdib ko...sabi ko na nga ba inggetera ka talaga sakin..."

"never ever akong maiingit sa isang katulad mo....hamak naman na mas madami akong alam kesa sayo"umalis na ko at wala naman nasabi si Angelie. Mga ganung eksena talaga ang mga gusto ko...walang kalaban laban sakin si Angelie.

........................

Dumating na ang araw kung saan sasabihin na kung sino ang magiging asst manager. Medyo naayos ko na rin naman kagabi ang speech ko short and simple pero maganda.

Magkatapat ang upuan namin ni Angelie,tinaasan naman nya ako ng kilay pero hindi ko naman sya inintindi....bahala sya sa buhay nya.

"ok everyone...alam naman natin kung bakit tayo nandito lahat diba...iaanounce ko na kung sino ang magiging bagong asst manager ng department natin. Pero bago yun....sasabihin ko din kung anu yung naging basehan ko para piliin sya sa position na to."

"syempre unang una yun mga trabaho nya....naeexecute nya ng maayos ang trabaho nya at malaking tulong ang nagawa nya para sa company. Pero syempre hindi lang naman yun....... dapat may harmonious relationship din sya sa mga kawork mates nya. Dapat nakikicooperate sya sa iba at kinoconsider nya ang mga opinions nila. Humingi ako ng feedback sa mga ka office works nyo para hindi naman unfair na ako lang ang nagdesisyon para dito. "

Anu yun????kelan pa naging basehan ang bagay na yun...hindi pa ba sapat na magaling ka sa trabaho mo???

"at ang ating bagong assistant manager ay walang iba kundi si.........Angelie Reyes...lets give her a warm of applause"sabi ng manager namin...

"pero sir......hamak naman na mas marami akong achievement kay Angelie tska marami na din naman akong naicontribute para mapaganda ang company naten....is that not enough???"

"tama ka Phylbert...madami ka ng nagawa para sa ikakaganda ng company naten at thankful ako dun pero....never kang naicooperate sa iba...mas pinipili mung sarilinin nalang lahat....yung mga kawork mates mo halos di na makalapit sayo kasi natatakot sila. Hindi dapat ganun ang characteristic ng isang leader Phylbert....dont worry marami pa namang pag kakataon na darating at alam ko na makukuha mo yun kasi magaling ka. For now,i will give you 2 weeks mandatory leave,parang makapag pahinga ka at makapag isip isip."

Ibang klase talaga,hindi ko deserve ang bagay na to. Ito na pinaka masamang pang yayari sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng leave!!!!!!!!ang kailangan ko yung posisyon ko!!!!!!!.

Long Distance Where stories live. Discover now