Chapter I. Stress Overload

54 1 1
                                    

Five Out of Five

By: Rizzzzzzzzzzza

Jeron's POV

"Salvador?" Prof.

"Present!" sabi nung katabi kong lalaki. Tumingin tingin ako sa buong classroom pero hindi ko talaga siya makita.

"Nasan na kaya yung babaeng yun?" bulong ko habang titingin tingin pa din sa paligid. Buti sana kung mabait 'tong Prof namin ngayon kaso sa kasawiang palad hinde! Napaka-terror. Palibhasa mukhang terorista. Ipadeport ko pa yan sa Iraq eh.

"Teng?" Prof.

Ano na Honey? Nasan ka na ba? Malapit ka nang tawagin ni Ms. Minchin. Tss!

"Mr. Teng?!" Prof.

Nagulantang ako ng marinig kong ako na pala ang tinatawag ni Prof. Sa kakahanap ko kase kay Honey diko na namalayan na ako na pala ang tinatawag.Umayos agad ako ng upo tsaka ko siya tiningnan sa harap.

Kaso pagtingin ko wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. 😲

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. At nagmumula yung boses niya sa.. sa..

Sa tabi ko. Oo. Nasa tabi ko na pala siya. Ang galing? Paano siya napunta dito sa tabi ko ng hindi ko man lang namamalayan?

"Looking for someone Mr.?" Tanong niya.

I looked up and I saw her frowning at me.

"Uh- I- I w-as just looking for my --"

"Girlfriend? Well this is not a dating place Mr. Teng so If you're not interested to listen then you better get out." Walang preno niyang sabi habang naglalakad na papunta sa harapan.

You terrorist teacher! You're really getting out of my nerves!

Tumayo ako saka nagsalita.

"Ma'am it's not what you think. I'm not looking for my girlfriend 'coz I have none. I'm just looking for my thing. Ma'am, is it better if you'll let us explain our side first  before you make false conclusions? Let's be fair here." sumbat ko.

Napatingin sakin lahat ng mga classmates ko at lahat sila halatang kinakabahan. Ito kasi ang unang pagkakataon na may sumumbat sa Prof. namin na ito. Yung iba kasi mas pinili na tumahimik na lang dahil nga natatakot sila. Kesyo baka ibagsak daw sila nito, baka pag-initan daw. Well, don't me. Huwag ako.

Napakatahimik nang buong klase, pakiramdam ko biglang tumigil ang oras. Lahat sila nakaabang sa kung ano mang isa sagot ni Prof. Nararamdaman ko yung intense sa mata ng mga classmates ko. Woah! Exciting din pala makipagsagutan sa isang gurong terorista minsan.

Nararamdaman ko na rin ang unti-unting pagbuo ng mga butil ng pawis sa buo kong katawan. Feeling ko nasa championship game ako sa sobrang intense. Nakaharap padin si Prof sa whiteboard na animo'y nagpipigil ng sumabog. Nagpakawala siya ng malalim na buntog hininga bago siya unti-unting humarap sa amin.

Sa akin.

Nagtama ang mga mata namin at pakiramdam ko uminit ang eyeballs ko dahil sa tingin na yon. Yung mga mata niya parang ball of fire sa sobrang panlilisik  kaya maging mga classmates ay ko hindi nakaligtas sa tingin niyang iyon.

Pero biglang nawala ang intense nang may nagsalita mula sa pinto.

"I'm so sorry! Na-late po ako! Sorry Ma'am this is the first and last time. Promise po!" Dire-diretsong sabi ni Honey na halatang kabadong-kabado. Naman! Ayos ng timing!

Hindi padin nagsalita si Prof. hanggang sa makaupo na si Honey sa kanyang upuan. Natigilan siya ng mapansin niya na may hindi tama sa mga kinikilos ng mga tao sa buong klase.

Five Out Of Five Where stories live. Discover now