Chapter II. Honey's ☺

38 1 0
                                    

Five Out Of Five

By:

Rizzzzzzzzzzza

Honey's POV

What a day to start.

Paggising ko kanina wala na akong tutuluyan. Bakit? Simple lang. Nasunog lang naman ang apartment na tinutuluyan ko. Sa dinami-dami ba namang pwedeng sunugin itong apartment na nirerentahan ko pa ang napagdiskitahan. Mga walang manners! Mga walang lamang loob! Walang pusoooo!

Pero buti na nga lang talaga walang namatay sa sunog. I'm still blessed. Thank you Lord.

So dahil nga abo na yung tinutuluyan kong apartment, dito ako sa may malapit na carinderia nakitulog. Tutal suki naman nila ako dito so hindi na sila nagdalawang-isip pa na patuluyin ako. Isang gabi lang naman eh.

Dala-dala ko lahat ng mga damit at mga gamit ko. Buti na lang talaga maaga kong nakita yung sunog. Nakahingi agad ako ng tulong so ang labas, walang naabo sa mga gamit ko. Pero ang malaking problema ngayon, saan ako tutuloy? May pasok pa ako mamaya.

"Lola," tawag ko sa matandang babae na may ari ng carinderia.

"Gising ka na pala apo. Halika na't kumain." Pagyayaya niya.

"Sige po." Sagot ko at maupo na sa hapag. Nahihiya man kelangan ko munang kapalan ang mukha ko. Aba! Malaking tulong na 'to sakin. Konti na lang ang natitira kong allowance sa dinami dami ng school works na pinagkakagastusan namin sa school. Minsan nililibre ako ni Jeron ng snack and lunch kaya medyo nakatipid tipid ng konti. Kahit na sobrang hiyang-hiya na ako minsan. Wala eh poorita ang napiling study buddy ni Jeron so wala siyang choice. Hahaha!

Yes tama. Study buddy kami ni Jeron Teng. As in Jeron Teng talaga na si King Archer. Wooot! Wooot! Shet! Nagkakagulo na naman yung mga malalandi kong body cells. Yikes! Hello? Sa apartment lang ako ganitey ano! Siyempre kelangan kong pigilan pag kaharap ko siya kasi napansin ko hindi siya lumalapit sa mga girls na sobrang showy as in haliparot ganon so pigil-kilig ako pag kaharap ko siya. Normal ko lang siya kausapin. Yung pachill chill lang. Cool lang kasi si Jeron eh. Pero physically he's badly hot as hell. Chos! Hell talaga? Hahaha! Wala na kasi akong maisip eh so hell na lang. But honestly each time na kasama ko siya, it feels like I'm in heaven. Oh para balance, if may hell siyempre dapat may heaven din. XD Lalo na pag tinatawag niya akong Honey/ Hon. One thing na lubos kong pinagpapasalamat ng sobra sa mga parent ko ay yung pangalan ko. 😂

Why?

Well ang pangalan ko lang naman ay Love Honeylette Tolentino. Oh diba? Epic ang name ko. Sabi nga nila I'm "Everyone's Honey" dahil lahat na yata ng nakakakilala sakin ang tawag sakin Honey. Isa na dun si Jeron. Kyaaaah! Okay, shatap mahself!

By the way, I'm from Bulacan but currently living here sa Taft malapit lang sa school kung saan ako nag-aaral ngayon. Actually last sem lang ako nagtrasfer from Bulacan State University to De La Salle University. Luckily, may nagsponsor sa pang-aral ko na isang organization. Pinapili nila ako kung saan ko daw gustong ituloy yung studies ko so I choose La Salle kasi dream school ko talaga siya. Idagdag pa na doon nag-aaral yung mga favorite athletes ko. OMG. Bigla na naman akong kinilig. Hahaha! So ang napagkasunduan, sa kanila lahat ng financial assistance pero ako ang hahanap ng place na maari kong tutuluyan. Pumayag na'ko siyempre sino ba namang hihindi diba?

Back to present.

Tapos na'kong kumain at maligo. Magpapaalam nako kina Lola. Kakargahin ko na lang itong mga gamit ko tutal konti lang naman tsaka kaya ko namang buhatin lahat. Iiwan ko na lang siguro ito sa guard house para pagkatapos kong magklase makakapaghanap na agad ako ng bago kong tutuluyan. Haaay... Ang galing ko talagang mag-isip. 😝 hahaha!

Five Out Of Five Where stories live. Discover now