Chapter 11

5.3K 170 20
                                    


NANG makalabas na ako ng music room ay mabilis akong tumakbo papuntang classroom. Wala naman talaga akong dadaanan eh, dinahilan ko lang yun. Mabilis na tiningnan ko ang wrist watch ko at mariing napapikit nang makitang limang minuto na akong late sa klase.

Shitzu talaga o! Bakit ba palagi akong late? Maaga na sana akong nakarating dito sa University, pero late pa rin ako sa klase ko. Paano ko ngayon mapapanindigan ang pagiging scholar ko?

Takbo-lakad ang ginawa ko para makaabot agad sa classroom. Wala narin namang masyadong estudyanteng naglalakad sa hallway dahil malamang na pumasok na sila kaniya-kaniya nilang mga classrooms. Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong nag-uusap.

Nakita ko si Mrs. Jill at si tita Margarette na nag-uusap. Nakahinga naman ako ng maluwag. Wala pa pala sa room si Mrs. Jill. Kung ganun mas kailangan kong bilisan, kailangan mauna ako sa kanya na makarating sa room.

Tumakbo ako ng mabilis, nasa 1st floor ako at nasa 3rd floor pa ang classroom namin. Nakarating ako sa elevator pero saktong sumara ito at hindi ko na naabutan pa. Seriously? Minamalas ba ako ngayong araw na 'to. I have no other choice but to take the stairs.

Naririnig ko na naman ang mga boses nila Mrs. Jill at tita na nag-uusap, papunta na sila rito. Dali-dali akong umakyat ng hagdan, halos tinalon ko na ang bawat hakbang ko. Para tuloy akong nakikipagkarerahan sa sarili ko kaysa kay Mrs. Jill.

Nakaabot rin naman ako sa hallway ng 3rd floor pero nagulat ako nang pagliko ko ay may paparating na janitor na may buhat buhat na mga basura sa dalawang kamay. Maraming basura at gamit na panglinis na dahil sa dami ay halos okupado na niya lahat ng space sa hallway, pero mas nagulat siya ng makitang mabilis akong paparating ako sa kanya.

"Hoy t-tigil." nauutal at natatarantang sabi niya, siguro'y takot siyang mababangga ko siya.

Bahagya akong napangiti sa naging reaksiyon niya.
Nang isang metro na lang ang pagitan namin ay tinukod ko ang kaliwang paa ko sa pader para makatalon ng mataas at tumambling ako sa ere hanggang sa makalagpas ako sa kanya. Nang makapaglanding na ako ay nilingon ko siya saglit, at muntik na akong matawa nang makitang naestatwa siya sa kinatatayuan niya. Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ko na ang pagtakbo, papuntang classroom.

That was an awesome exercise! Nakarating ako sa harap ng pintuan ng classroom namin na hinihingal, nakatukod ang isang kamay ko sa tuhod ko habang ang isa naman ay sapo sapo ang dibdib ko. Nang kumalma na ang paghinga ko ay pumasok na ako sa classroom, at kagaya ng inaasahan ay wala pa nga si Mrs. Jill.

Naglakad ako papunta sa upuan ko at nadaanan ko pa ang upuan ni coloring book este ni Grace pala. Napansin kong inilabas niya ang paa niya at akmang papatirin sana ako pero nilagpasan ko lang ito habang nakatingin ng diretso. I mentally laughed when I heard her reaction.

"What the---?" Hindi makapaniwalang aniya.

Pagkaupo ko ay sakto ring pumasok si Mrs. Jill, kasama si Kent na parang may malalim na iniisip. Nang makarating siya sa harap ay agad siyang nagsalita tungkol sa lesson namin para sa araw na ito.

Habang nagdidiscuss si Mrs. Jill ay nararamdaman kong may isang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin, hinanap ko ito at bahagyang natigilan ng malaman kung sino ang nag-mamay-ari nito. Agad rin naman akong napaiwas ng tingin.

Bakit siya nakatingin sa akin? At bakit parang nababalot ng pagtataka ang kaniyang mga mata?

**
KENT

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina, paglabas ko kasi ng music room ay ginamit ko ang elevator para makarating agad sa 3rd floor, nang bumukas na ang elevator ay agad akong lumabas. Papaliko na ako sa hallway papuntang classroom ng masaksihan ko ang nangyari. Tumalon at tumambling lang naman ang isang babaeng nagmamadali para malagpasan niya ang janitor na paharang-harang sa daan.

Kahanga hanga ang ginawa niya. At nang lumingon siya para tingnan ang janitor ay nakilala ko ang babae. Walang iba kundi si Nathalie Santos na ngayon ay mataman kong tinitingnan. Bahagya akong nagulat nang mapatingin siya sa akin, pero agad rin niyang binaling ang paningin sa harap.

Paano mo 'yon nagawa Nathalie?
Sino ka ba talaga? Unang araw mo palang dito may kakaiba na sayo na nakakuha ng atensiyon ko. Alam kong hindi ka lang isang ordinaryong studyante dito at napatunayan ko 'yon sa nakita ko kanina.

**
NATHALIE

Mabilis na lumipas ang oras at nandito na ako ngayon sa Cafeteria para kumain ng lunch. Kasama ko sila Corina at pagkakataon ko na rin 'to para mapagmasdan pa ang ibang mga estudyante sa paaralan na ito.

Habang nag-uusap sila ay kasalukuyan kong pinagmamasdan ang isang lalaking nakasuot ng basketball jersey, sa di kalayuang table namin. Para kasing may kakaiba sa mga kinikilos niya at kanina ko pa ito napapansin. Habang ang mga kaibigan niya ay masayang nag-uusap, siya naman ay nakatulala at parang may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung may problema lang siya o kung ano, pero malakas ang kutob kong isa siya sa mga taong dapat kong imbestigahan.

Maya-maya'y tumayo siya at nagpaalam sa mga kasama. Bigla naman akong napatayo na naging dahilan upang matigil sila Corina sa pag-uusap.

"Aaah, CR lang muna ako." pagpapaalam ko sa kanila.

"O sige, bilisan mo ha?" sabi ni Corina.

Tumango ako at umalis na. Palihim kong sinundan ang lalaki kanina. Ngayong nakatalikod na siya sa akin ay nalaman kong Enriquez ang surname niya base na rin sa nakalagay sa likod ng basketball jersey niya. Bahagya siyang tumigil sa paglalakad, kaya agad akong napatago sa likod ng isang trash can.

Ilang segundo lang ay naisipan kung sumilip sa kanya, good thing at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Ipinagpatuloy ko rin ang pagsunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa CR. Pumasok siya sa boy's comfort room at wala akong nagawa kundi idikit ang tainga ko sa pinto para madinig kung anong nangyayari sa loob.

Buti nalang talaga at walang tao dito sa labas kundi mapagkakamalan na talaga akong stalker o kung hindi man ay manyakis. Ilang sandali pa ay may boses akong narinig, mahina ito pero sakto lang para marinig ko ng malinaw.

"Alam ko, pero kailangan natin 'tong gawin kung hindi ay tayo lang din ang mapapahamak." rinig ko. Kung hindi ako nagkakamali ay si Enriquez ang may-ari ng boses na ito.

"Wala na tayong pagpipilian, kailangan nating makuha ang pera kapalit ng kalayaan natin, at isa pa ayaw kong madamay ang pamilya ko dito." Desperadong sabi niya sa kung sino man ang kausap niya.

"Bukas ng gabi, sa abandonadong building sa Dark street 8 pm, magkita nalang tayo ro'n." 'Yon ang huling narinig ko sa kanya at mukhang 'yon na rin naman ang huling sasabihin niya kaya agad kong inalis ang tainga ko sa pagkakadikit nito sa pintuan at bumalik na ulit sa Cafeteria.

Bukas ng gabi sa abandonadong building sa Dark Street? Do'n sa abandonadong building na yun naganap ang pangkikidnap for ransom ng 5CG sa anak ni Mr. Anderson.

Anong gagawin niya roon?
Sino ka ba talaga Enriquez? At Anong kinalaman mo sa Cryptic Gang? Isa ka ba sa mga hinahanap kong miyembro nila?

——

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Where stories live. Discover now