Chapter 15

4.8K 178 30
                                    


Time check: 7:45 pm

Nandito na ako ngayon sa abandoned building sa dark street. Nasa loob pa rin ako ng sasakyan at ni-park ko ito sa may madilim na bahagi rito para hindi nila malaman na may nagmamasid sa kanila. Kasalukuyan ko silang hinihintay at habang naglo-load ako ng baril ko may tumawag sakin. Tiningnan ko naman kung sino ang caller.

Mrs. Diane Romero calling...

Ano namang kailangan ni Mrs. Romero sa ganitong oras? Sa pagkakaalam ko wala naman akong schedule ng tutoring ngayon ah. Pero ganun pa man ay sinagot ko pa rin ito.

Mga limang segundo na ang lumipas at wala paring nagsasalita sa kabilang linya kaya ako nalang ang unang nagsalita.

"Uhm, Hello Mrs. Romero, how may I help you?" magalang na tanong ko.

["Beautiful."] sabi sa kabilang linya.

Natigilan naman ako nang makilala ko ang may-ari ng boses na 'yon.

"Huh?" yun nalang ang nasabi ko.

["You have a very beautiful voice."] sabi niya.

Bakit feeling ko parang namumula ako ngayon?

"Well, thank you. How may I help you Mr. Romero?" Tanong ko sa kanya.

["Call me Kent."] ma awtoridad na sabi niya.

"Aaah, how may I help you Mr. Kent?" ulit ko.

["Oh please, just remove the 'Mr.'"] Naiiritang sabi niya.

"I'm afraid I cannot do that Mr. Kent," nang-aasar at natatawang sabi ko.

Natahimik naman siya sa kabilang linya na siyang ipinagtaka ko.

"Aaaah Mr. Kent?"

["Ah, yes. What is it?"]

"Tinatanong ko kung may kailangan ka?" patanong na sabi ko.

["Ah 'yon? Wala, pinapaalalahanan lang kita na may schedule tayo ng tutoring bukas."]

"Ah ganun ba, wag kang mag-alala Mr. Kent hindi ako madaling makalimot." sabi ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa harapan nang may mapansin akong kotseng paparating. Tinalasan kong maigi ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking may dalang bag at isang babae na bumaba mula rito. Huminto sila saglit at nagkatinginan, pagkatapos ay naghawak kamay sila bago pumasok sa abandonadong building. Maaaring sila na ang mga magulang ng batang pinaguusapan nila Enriquez at Ramirez kanina.

["Aries, nandiyan ka pa ba?"] Doon ko lang naalalang may kausap pa pala ako dito.

"Ah, Mr. Kent, kailangan ko na pala itong ibaba, papakainin ko pa ang alagang baboy namin." sabi ko. Wala na kasi akong ibang maisip na idahilan eh, bakit ba?

["Ah, ganun ba sige, pakainin mo ng marami ang alagang baboy niyo at nang maging malusog."] napatakip naman ako ng bumibig para pigilan ang pagtawa ko. Grabe kumagat talaga siya sa idinahilan ko hahaha.

"Ge, bye." sabi ko at ibinaba na ang phone.

Natatawang ipinagpatuloy ko ang pag lo-load ng baril ko. Grabe nakuha ko pa talagang tumawa sa ganitong sitwasyon, hindi ko lang kasi aakalain na sasabihin niya yun, para kasing concern siya sa kalusugan ng imaginary pig ko.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang may dalawang kotse ang sunod-sunod na dumating. Bumaba mula sa isang kotse ang dalawang lalaki, yung isa may kargang tulog na batang lalaki, marahil ang isa sa kanila ay si Nino at ang isa naman ay si Robert. Bumaba naman mula sa isa pang kotse sila Enriquez at Ramirez. Nagkatinginan muna silang apat at isinuot ang mga face mask nila bago dahan dahang pumasok sa loob.

Sole Dread Of The Fearless (PGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon