09: Leader in the Making (part five)

476 75 54
                                    

Chapter Nine - V
Leader in the Making

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni ate Heather nang makalapit siya sa mini circle naming apat na mga Grade 10. Inutusan kasi kami na mag-brainstorm ng mga platforms namin, habang nagmememorize ng mga introduction namin para sa isasagawang kampanya na sisimulan mamaya. It's such a busy day, kaya naman naka-excuse na kami sa mga klase namin this week.

Ate Heather is so beautiful especially this close! Her hair is curly, she has this long lashes, pointed nose, and clear fresh face! Grabe napa-fangirl ako saglit at saka ko lang napansin na pinalabas na nila ang mga grade 7 to grade 9, siguro dahil lunch time na rin.

"Oo ate, kaso si kuya Xian tulog, hindi namin makausap." sabi ni Jason sabay turo sa lagay ni kuya Xian na nakasandal sa upuan habang mayroong libro sa mukha nito.

"Leave it to me." Ngumiti si ate Heather sa amin at dumiretso kay kuya Xian na marahas na tinanggal ang libro na nakatakip sa mukha niya.

"Hoy Xian! Umayos ka nga, porke wala tayo sa campus natin matutulog ka na diyan? WOW, hiya naman ako sa'yo! Ang dami mong ginawa huh? Pagod na pagod ka diyan?!" Napanganga kaming apat sa nasaksihan. Bigla pang napaupo si kuya Xian at nag-ayos ng postura. Patuloy naman siyang sinesermonan ni ate Heather habang antok na antok ang mukha.

"She's the secretary of Senior high SSG from grade 11, at napapasunod niya si kuya Xian ng ganyan?" tanong ni Jason na nabibilib kaya napatango-tango din kaming tatlo bilang pagsangayon.

"Nalinga lang ako sandali nakatulog ka na dito?" Napabaling kaming muli dahil sa pagpapatuloy ni ate Heather.

"Stop nagging Heather, just go back to your work." Masungit na utos ni kuya Xian at bumaling na ito sa kabilang direksyon para siguro maihiga ang mukha niya sa table.

"Hoy! Umayos ka nga huwag mo kong ma-go back go back to work diyan! ako masusunod dito, remember?" Niyugyog ni ate Heather ang balikat ni kuya Xian kaya napabangon ito muli. "Pipilit-pilitin mo kong maging campaign manager tapos ganyan ka?" Napa-crossed arms na ito at napataas ng kilay.

"Fine, what will I do?" Galit na tumingin si kuya Xian saglit sa babae pero agad ding umiwas ng tingin. Takot ba siya o ano?

"Baka jowa siya ni kuya Xian?" Intriga naman ni Vincent kay Jason habang nakatingin silang pareho sa dalawang seniors namin na nagtatalo.

"Say master muna." Sabi pa ni ate Heather na ngayon ay napangisi.

"Oo nga noh." Pagsang-ayon ni Jason kay Vincent. Napatango naman sina Vincent at Jason nang sabay habang nakatuon pa rin sa pinapanood. Natawa tuloy ako, chismoso din pala ang mga lalaki?

"I think they're not together." Bulong naman ni Alice sa amin.

"I agree." Sabi ko, kaya napatingin sa amin sina Jason at Vincent. Nagtawanan naman kami ni Alice nang makita ang reaksyon ng dalawa na tila nabasura ang kanilang thesis proposal.

"Paano niyo nasabi?" Tanong ni Jason.

Gusto ko lang talagang kontrahin ang dalawang lalaking 'to kaya kumampi ako kay Alice. Wala naman akong alam sa love psychology kaya hinayaan kong si Alice ang magpaliwanag ng napansin niya. Besides, I wanna see how she see things.

"Kuya Xian is not facing his body towards ate Heather while they're talking, so it means he's not that interested." Sabi nito kaya napatango-tango ako. Ganoon ba yon?

"Pero nag-aaway sila, malamang ayaw ng lalaki na harapin ang babae kapag ganon." Sabi ni Jason.

"Bakit naman?" I asked.

"Kasi baka halikan ng lalaki ang babae." Nakangising sagot ni Vincent habang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

Ganon ba yon? o sadyang nagjojoke lang tong si Vincent?

School Life With YouWhere stories live. Discover now