11: ill will in amity (part two)

282 32 3
                                    


Chapter Eleven - II
ill will in amity

|Shaira, the Active|

"I am Shaira Alonzo, 15, future president!" Confident ako nang sabihin ko ito noong first day of school. Bakit? Naniniwala kasi ako na kaya kong maging presidente. Hindi man presidente ng Pilipinas, pero ang goal ko talaga ay maging presidente ng classroom namin.

"Luh pabibo."

"Ayan na naman siya, napakayabang."

"Kapal ng mukha, daming layers! Onion ka ghorl?"

Wala akong pakialam sa sinasabi nila kasi sabi nga ng favorite quote ko na hindi ko alam kung sino ang nagsulat... "your confidence is arrogance to those who are not rooting for you."

It is true! Kaya naman hinahayaan ko lang sila na magsalita, at minsan nga sinasakyan ko pa sila. Kaya siguro naging normal na para sa mga kaklase ko na tawagin akong pabibo, sipsip, at kung ano-ano pa. Syempre nasasaktan pa rin ako pero sanay na ako.

Competitive ako dahil ayaw kong matulad kay mama. Single mom, OFW, baon sa utang kaya hindi makauwi, continuous failed relationships, at kung ano-ano pa. Lagi niya akong sinasabihan noon na... "Anak, huwag kang tutulad sa akin. Hindi nakapag-college, nabuntis, hindi pinanagutan, at miserable ang buhay. Mag-aral kang mabuti para hindi ka matulad sa akin."

Noong una, napepressure ako sa thought na inilagay sa akin ng nanay ko simula noong bata pa ako. Pero dahil doon sa pressure na ayaw kong matulad sa kanya, ay nagsipag ako.

Aaminin ko na average lang naman ako na estudyante. Yung tipong masipag ako magmemorize, masipag mag recite, masipag mag effort sa projects, basta nadadaan ko lang sa sipag ang lahat. Ganoon naman dapat di ba? kung hindi ka gifted sa talino, galingan mo na lang dumiskarte, o magsipag ka na lang.

Nang dumating si Chelsea dito sa EA ay tila nag-doubt ako kung makakamit ko pa ba ang mga pangarap ko na dinadaan ko lang sa sipag. Kasi siya, nakuha niya ang mga bagay-bagay, dahil may kapit siya... katulad ni Mary.

after the classroom elections...

Nang malaman ko kila Jennica at Rianne na inutusan- ni-blackmail ni Freya ang buong klase namin para iboto kung sino man ang inonominate niya ay hindi na ako nakapagtimpi. Lalo na't sa pagkakataong ito ay si Chelsea ang napili niyang inominate. Bakit siya pa ang pinili niya? Eh napaka-ignorante niya sa school na toh dahil bago lang siya. Kaya niya ba kaming i-lead sa Game of 10s?

Hindi ko gusto kapag ang mga tao ay nagti-team up para pabagsakin ang ibang tao. Ganoon na ba sila kadesperado? Ganoon ba ako kalakas para ma-threaten sila?

Pinuntahan ko talaga sina Freya sa club room ng sorority nila dito sa main building. Binigay ang club room na ito sa kanila dahil anak si Freya ng maimpluwensyang pamilya. Ang ibang House ay walang club room sa Junior High campus, siya lang ang meron.

"I did that coz I want Chelsea to win." Maikling paliwanag ni Freya sa akin habang nakadekwatro itong nakaupo at may hawak na tea cup.

School Life With YouWhere stories live. Discover now