4

13.9K 352 10
                                    

Little village

Freedom! Sawakas ay hindi na ako bantay sarado kaya naman pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko. At matagal ko na talaga 'tong plano gawin. Ang makalabas sa palasyo!

Syempre kailangan ko ng kasama. Si Magrita sana kaso masyado siyang honest sa mga magulang ko kaya hindi yun magandang plano. I need someone else. Kaya ko naman umalis mag-isa since saulo ko na ang pasikot-sikot ng lugar dahil sa map na inaral ko pero ang problema lang talaga ay ang mga nagbabantay sa front and back gate.

Habang tahimik at maingat na naglalakad ay may nakasalubong akong isang lalaki. Nakasuot siya ng puti at pulang uniform. He's one of our knights.

"Sir!" Sigaw ko. Nagulat pa siya at natatarantang yumuko. Lumapit ako sa kanya.

"Magandang araw, mahal na prinsesa. Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?"

"I want to go outside. Uhm to visit our farm and check our farmers, yes! Ayos lang ba na ihatid mo ako?" Tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin na para bang iniisip nang mabuti ang isasagot.

"Pwede naman po, pero..."

"Please? Hindi tayo magtatagal pangako! Babalik tayo bago mag hapon."

"Kailangan po muna natin ng permiso mula sa mahal na reyna." As I expected. Dito kasi sa empire na 'to ay ang reyna talaga ang nasusunod dahil ang palasyong ito ay mula sa pamilya niya. And that's why father is kinda under her.

"There's no need! Nagpaalam na ako sakanila kahapon at pumayag sila basta uuwi lang daw ako nang maaga." Palusot ko. There's no way na papayag sila. Nagpacute ako lalo para makumbinsi ang knight at halos mapatalon ako sa tuwa nang tumango siya. No one can say no to my charm!

"Yay! Thank you! Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong  ko.

"Ako po si Rudeus." Nakangiting sabi niya. He's so cute! And he really is. Tall, dark and handsome ang peg niya, siguro ay nasa twenty and up na ang age niya dahil matured talaga ang aura niya. He looks like a model.

"Rudeus, sa likod tayo dadaan ha?"  Dahil mas unti ang guard dun.

"Masusunod po." Iminuwestra niya ang kanyang kamay na para bang sinasabi na mauna na ako sa paglalakad kaya naman nauna na ako.

Pumunta kami sa likod ng palasyo kung nasaan ang aming mga karwahe. Mabilis akong sumakay sa puting sasakyan na hinanda niya. Gusto ko lang talaga na makita ang mga tao, para na rin magkaroon ako ng idea sa relationship nila sa pamilya namin, kung pinaghihigpitan ba sila o hindi. At kung oo man ay sisiguraduhin kong aayusin ko 'yon.

Those farmers are working hard, for sure. They deserve a good amount of pay, and they deserve to be respected and to be treated very well.

Hindi naman malayo ang lupain sa palasyo, satingin ko ay five-minute walk lang mula sa'min. Kayang kaya ko 'tong lakarin e, sadyang hindi lang ako papayagan lumabas nang walang kasama at kung aalis man ako ay malamang sa malamang na ipapaalam nila 'to sa aking mga magulang.

"Dito na lang po tayo!" Sabi ko kay Rudeus nang matanaw ang malawak na lupain kaya naman agad niyang hininto ang karwahe. The weather is great today! Maaraw pero mahangin kaya hindi ko nararamdaman ang init. May mga kubo at mga kalabaw sa hindi kalayuan. The clear blue sky is beautifully painted up high and the green mountains are surrounding our lands. The view gives me serotonin, it's so calming and peaceful. Pansin ko rin na walang tao ngayon dito, siguro ay nagpapahinga?

Napalingon ako sa isang banda nang may marinig na ilang tawanan. Nakita ko ang tatlong bata na naglalaro ng saranggola. They looked so cute! Napangiti ako sa ganda ng kanilang mga ngiti na agad ding nawala nang mapatingin sila sa gawi ko. Napalitan ng takot ang kanilang mga mukha kaya naman nag-alala ako. Anong meron?

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now