15

8.8K 251 11
                                    

Crowned Prince

Wearing my night gown and white see-through robe, I boredly watched the people below. Gabi na pero na buhay at maliwanag pa rin ang school.

"How's your fever? Are you feeling well now?"

Napatingin ako kay Lucio na nakamasid sa akin habang umiinom ng hibiscus tea. Nasa tower kami ngayon at nag papahangin lang. Biglaan lang din ang pag sasama namin. Pumunta kasi ako ngayon sa tower na adjacent sa annex dahil gusto ko sanang mag muni-muni pero nagulat ako nang madatnan siya rito kaya naman nag desisyon kaming magsama na lang. Kumuha rin siya ng mainit na tsaa at gumawa pa ng charcuterie board. Napaka extra talaga.

Kanina ay bigla na lang din akong nilagnat kaya inexcuse ako ng mismong teacher namin at binigyan ako ng permission na lumiban muna sa klase. Si Astrid naman, mula nang hilahin ni Raven ay hindi na pumasok kaya pareho kaming absent. Saan naman kaya dinala ni Raven si Astrid? Base sa naaalala ko sa story ay saglit lang naman silang nagsama sa first meet nila.

"Oh, what're you thinking right now? Mukha ka na naman galit." Ngising sabi ni Lucio. Pinatong niya ang binti sa kaliwa at sumandal sa kinauupuan.

"Simula nang dumating tayo rito ay hindi na nawala ang kunot sa noo mo." Hay nako Lucio kung alam mo lang. Buhay pa ako as Cathy ay namomroblema na ako.

"Don't start with me." Pagbabanta ko.

"Alright, calm down now, Princess. Namumula ka na naman sa galit." Lucio jokingly said.

Kumuha ako ng ubas at kinain 'yon.
"I thought my first day of school would be exciting." Walang gana kong sabi habang nakatanaw sa labas. Bahagya kong niyakap ang sarili dahil sa ihip ng hangin. The coldness and ambience of the place made me more sad and problematic.

"May nangyari nga?" Naninigurong sabi ni Lucio. Chismoso rin talaga 'to e.

"Ang prinsipe Raven kasi... Basta nakakainis!" Padabog akong sumandal sa upuan at salubong ang kilay na pinagkrus ang mga braso. Pano ko ikukwento sakanya e nababaliw ako pag naaalala.

Hindi mawala sa utak ko ang itsura nila kanina. They really look perfect, and it's pissing me off. And this stupid heart of mine didn't even stop breaking. Reason? Unknown.

"Mag kaaway na naman kayo 'no?" Sa tanong ni Lucio ay nag puppy eyes ako at tumango. Natawa naman siya.

"I saw him a while ago. May kasamang babae. Hila niya." Sa sinabi niya ay mabilis na nabura ang pag papacute sa aking mukha.

"I know. That girl is his lover." Tanging sabi ko at halos mabuga ni Lucio ang iniinom. Gulat na gulat!

"What!?"

"You're overreacting. Is that a big deal?" Ganon ba talaga nakakagulat kung magkaroon siya ng girlfriend? I get it, masungit siya pero hindi naman to the point na impossible na 'no.

"Yeah. Stop acting like you don't know him."

"That man is old enough to be in a relationship." Sabi ko

"I know, but Prince Vengeance is too cold and serious to be in one. Additionally, being in a relationship with a royalty? You know how much he despises them, us."

"On contrary, she's not royalty."

"Wait, what?"

Kahit ako rin, Lucio. Akala ko rin talaga ay parte siya ng royal family. But then, all of us were fooled, that's just how she looked, mukha talagang maharlika.

"Scholar siya. Tsaka nagbibiro lang ako! Malay ko ba kung anong meron sakanila pero bahala na bagay naman sila e." Matabang kong sabi. Tinaasan ko ng kilay si Lucio nang makita ang kanyang reaksyon sa sinabi ko. He looked shocked and amused.

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now