13

8.9K 207 5
                                    

Save

"Right here, as you can see, is the statue of our founding father, Hercules Herano, and they are distant relatives of the Heroux family. Since they are one of the most prominent and powerful families here, I'm sure you're all already familiar with them." Nagtanguan kaming lahat bilang pag agree sa sinasabi ng aming tour guide. Today is the day of our orientation. Ginagala kami ng guide namin para hindi kami maligaw sa pasukan which is super understandable dahil sa sobrang laki ng school.

Medyo nabobored na rin ako dahil halos napuntahan ko naman na ang mga ito noong sinama ako ni Raven dito.

Kasama ko ang aking mga fellow first years at in fairness naman madami dami kami. Sasama sana si Vengeance sa'kin ngayon kaso hindi na ako pumayag dahil ayaw ko naman na masyadong mag pa-vip. Gusto kong simulan ang school year bilang isang simpleng studyante lang tsaka ayaw ko naman ma-link sakanya dahil baka isipin ng mga students dito na may something kami, as if! For sure lalaki na naman ang ulo niya pag sumama siya dito syempre ako na ito e.

Tsaka sa pagkakaalam ko ay may kailangan din siyang gawin.

"Oh, I see, A Sinclair is also here." Napatingin ako sa tour guide namin nang marinig ko ang pangalan ko. Ako ba?

"Uh, yes?"

"You're a Sinclair, right? Lady Farah Beatrice Sinclair, if I'm not mistaken?"

I smiled and nodded.

"Yes."

"The Sinclair family is also very influential and powerful, so you should respect Lady Farah, understood?"

"Yes sir!"

Nagpakawala ako ng hininga nang marinig ang sinabi niya. Kakasabi ko lang na gusto ko mabuhay ng simple e. Bakit ba lahat nalang ng gusto ko ay kabaligtaran lagi yung nangyayari? Grabe, ganito na ba ako kamalas?

Natapos na rin ang aming school tour at orientation kaya naman malaya na kaming lahat na gumala at mag stay dito. Sa loob lang ng imperial school kami pwede manatili at mahigpit na pinagbabawal ang paglabas dito unless kasama namin ang aming pamilya, siguro bilang proteksyon na rin dahil bilang miyembro ng mayamang pamilya ay maraming masamang mata ang nakapaligid sa amin.

May mga houses or dormitory buildings naman dito para sa aming lahat dahil mostly sa students dito ay galing pa sa iba't ibang lugar at bansa. Mayroon din mga buildings na parang mall kung saan may mga gamit na pwede bilhin gaya ng pagkain, gamit sa school at marami pang iba.

Nandito ako ngayon sa cafeteria at nakapila para bumili ng pagkain. Nag insist pa nga ang ibang students na mauna na ako pero syempre tumanggi ako. Ayaw ko naman masyado magpaka special at ang hirap kaya gumalaw. Para kasing nakabantay ang lahat sa akin. Feeling ko nga sa sobrang taas ng tingin nila sa akin ay hindi ako pwedeng magkamali. Halos lahat ng gagawin ko ay dinidikit nila sa pangalan ng pamilya namin.

"Good morning, Miss. What do you like to eat?" Nakangiting sabi ng food server habang nakatingin sa food tray kong wala pang laman.

"Miss? Are you serious? She is the heir of the Sinclairs! Don't be disrespectful! She's royalty!" Nanlaki ang mga mata ko nang may student na biglang nagsalita. Nakita ko ang pagpapanic ng babae kaya naman nilingon ko ang student para patigilin.

"No, no! It's fine. I don't mind it, okay?" Sabi ko sabay balik ang tingin sa babaeng server "I'm sorry, don't worry about it."

"But..." ayaw pa rin mag papigil ng isang 'to.

"I said it's fine." Sa sinabi ko ay yumukong umatras ang student na umeksena. Humingi muli ako ng pasensya sa food server at tinuro na lang ang pagkain na pinaka malapit sakanya para makaalis na ako agad. Ayaw ko na magtagal doon dahil sa nangyari. Madaming studyante na rin kasi ang naki usyoso at ayaw ko naman na pag initan nila ang babae.

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now