Part 2

24.7K 545 7
                                    

Kahapon pa ako nagtataka, dahil pagpasok ko palang ng opisina ay marami ng bumabati na kasamahan ko sa trabaho lalo na ang nasa accounting at HR department. Na dati naman ay hindi ng mga ito ginagawa.

Hindi nga ako pinapasin ng mga tao dito. Ni hindi nga ako kinakausap ng mga ito. Daanan at lagpasan lang nila ako lagi. Minsan binubully pa nila ko. Tapos magugulat nalang ako kinakausap pa ako ng mga ito at inaayang makipagkwentuhan sa kanila. Inaaya pa ako ng mga ito na kumain sa labas.

Tapos ang mga bulaklak na ibinibigay nila sa akin. Liligawan pa daw nila ako? Anong nangyayari sa mundo?!

"Yam, baka naman hindi para sa akin ang mga ito. Baka para sayo, namali lang ang delivery boy?" Tukoy ko sa mga bulaklak. Napapalatak ito.

"Sayo iyan,Gaga. Ako ba si Liwayway Magdalena Enriquez?" I made face when she called my full name.

"Nakakapagtaka lang. Magugunaw na ba ang mundo?" I asked out of nowhere.

"Siguro. Kaya pumayag kanang makipag date sa isa sa mga iyan. Para hindi ka mamatay na virgin!" Sabi pa nito.

"Yam naman!" Angal ko.

"What? Nagsusuggest lang ako bakla. Maranasan mo naman ang sarap bago magunaw ang mundo. Kita mo nga biglang dami mong admirer. Haba ng hair!" sabi pa nito.

I just pouted my lips.

"Hindi pa ba dinadala dito ng HR ang dapat pirmahan na mga papeles ni Sir Gab?" Tanong ko kay Yam habang inaayos ko ang mga bulaklak na nasa table ko.

"Sabi ni Joseph, kunin mo nalang doon." napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Akala ko pa naman bumait na sila talaga sa akin." I sighed.

Napapailing nalang ako na magtungo ako sa HR department para kunin ang mga papeles na kailangan ng pirma ni Sir Gabriel.

Malaki talaga ang question mark na nasa isip ko kung bakit ang bait sa akin ngayon ng buong HR Department. Kakatok palang ako ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng hatakin ako papasok ni Joseph. Ang head ng HR Department.

"Ang tagal mo naman, Liway. Kanina pa kita hinihintay. Natanggap mo ba ang mga bulaklak na ipinadeliver ko? Iyong chocolate?" sunod sunod na tanong nito sa akin. Tumango lang ako.

"Upo ka." Mabait na sabi nito sa akin.

Napatanga nalang ako dito. Ito kase ang number one bully sa buong building. Bakit parang naging maamong tupa ito ngayon sa akin?

"Libre ka ba mamayang lunch? Labas tayo. Treat ko!" tuloy tuloy na sabi pa rin nito.

Napakamot nalang ako sa bangs ko.

"Joseph, kukunin ko lang sana iyong mga papeles na kailangan ng pirma ni Sir Gabriel. Baka kase dumating na siya." Paliwanag ko.

Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Saka niya ako nito nginitian ng makahulugan. Parang sinasabi nito na may alam ito na hindi ko alam.

"Labas tayo mamaya ha?" Sabi pa rin nito sa akin at ibinigay sa akin ang isang bungkos ng mga papel.

" Joseph, hindi po ako pwede. Iba nalang ang yayain nyo. Madami kase akong dapat gawin pag uwi ko." magalang kong pagtanggi.

"Sige na Liway. Ngayon lang." pangungulit pa rin nito.

Hindi na ako nakasagot ng mapapitlag ako sa boses ni Sir Gabriel.

"Ms. Enriquez!" Tawag nito sa akin.

"Sir Gabriel!" Sabay na banggit namin ni Joseph dito.

Gusto kong kumaripas ng takbo sa itsura nito ngayon. Madilim na madilim ang muka nito. Nakakatakot ang asul na mata nito na nakatitig sa akin ngayon. Nagbabagang nakatingin ang mga iyon sa akin ng direkta. Napalunok ako sa takot.

Gab's Karma Where stories live. Discover now