Part 4

27.3K 566 7
                                    

Maaga palang ay nasa labas na ako ng bahay ni Liway at hinihintay ito. Napangiwi na naman ako ng makita ko na naman ang suot nito. Pero mukang mareremedyohan ko naman ito kung sakaling maging problema ko.

"Hey!" Bati ko dito.

"Ay! Pogi!" Napamaang ito ng makita ako.

I just winked at her. Gusto kong matawa ng mag blushed ito.

"Si-" natutop agad nito ang bibig. "Gabriel? What are you doing here?" Asiwang tanong pa nito.

Halatang halatang hindi ito komportable na kaharap ako ngayon. Hindi ko ito masisisi, nabigla ko yata agad ito. Buti nga hindi ko agad siya sinunggaban kahit nagpipigil lang ako. Buti nga at gilid lang ng labi nito ang hinalikan ko.

"Sinusundo ka. May pupuntahan tayo." Sabi ko dito at pinagbukas ko ito ng pintuan ng sasakyan.

Mukang nagdadalawang isip pa ito ng magsalita ulit ako.

"I won't do anything na hindi mo magugustuhan." Lalong napaatras ito. I sighed.

"What I mean is, wala akong gagawing masama sayo. Don't worry." Pangungumbinsi ko dito.

She just stared at me. Her stared gave me goosebumps. Parang may kakaiba sa tingin nito. Parang hinahalukay nito ang buong pagkatao ko at ang buong intensyon ko sa kanya.

Sa matagal na pagtitig nito sa akin ay walang imik itong sumakay. Napailing nalang ako. Hindi ako mapagpasensyang tao pero para sa world peace ay gagawin ko. Napatawa ko sa kalokohan ko.

World peace? Seriously Gabriel? Kuwesyon ng isang isip ko.

Sabi pa naman ng mga bodyguards ni Emperor kailangan maging gentleman all the times. Humingi kase ako ng tulong sa dalawang ito kung paanong manligaw. Dahil nalaman ko na ito ang nagtuturo sa amo ng mga ito kung paanong manligaw ang tunay na maginoo. Gusto ko ngang mapasimangot. Ang alam ko lang kase ay mambola ng babae.

Kung hindi lang dahil sa kaligayahan ko hinding hindi ko gagawin ito. Courting is not my thing. Pero sa kagaya kase ni Liway. Na mukang nabubuhay pa hanggang ngayon sa panahon ni kopong kopong ay mahalaga dito ang suyuin.

I smirked. Pagtatawanan ako ni Mikhael pag nalaman nito ang pinag gagagawa ko. Ginagaya ko lang naman ang strategy ni Emperor. Take it slow. Mahalaga lang naman ay mapapirma ko ito sa letter of agreement ko.

Pak Ganern! Tapos ang problema! Magagawa ko lahat ng gusto ko.

Patience Gab! Patience! Piping kumbinsi ko sa sarili ko

I took a glimpse of her. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon.

"Are you sure okay kana?" Tanong ko dito.

"O-oo. Salamat nga pala." Simpleng sagot nito.

Pasimple kong hinawakan ang isang kamay nito. Mukang nagulat ito sa ginawa ko.

"I think Liway, I like you." Sabi ko bigla dito.

Bigla itong napabaling sa akin. Muntik pa akong matawa ng malaglag sa mata nito ang salamin.

"H-ha?"

Tuluyan na akong natawa sa reaksyon nito. Hindi na ako kumibo. Ngingisi ngisi lang ako. Alam ko namang narinig nito. Hanggang sa makarating kami sa botique ni Cassandra ay hindi ito kumibo.

Agad akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ito. Nakatingin lang ito sa akin.

"What?" Medyo iretable ko ng tanong dito.

"Mauna kana Gabriel. Susunod nalang ako. Baka pagtinginan ka ng mga tao pag magkasabay tayo. Nakakahiya akong kasama." Sabi nito at nagpalinga linga.

Gab's Karma Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon