Chapter 1

28.9K 552 75
                                    

Alam kong mahaba pa ang byahe. Sana pwedeng mag teleport na lang agad papunta sa Pilipinas. Pumikit na lang ako habang nakikinig ng paborito kong kanta. Maya-maya ay may biglang kumalabit sa akin. Minulat ko ang mata ko at may isang matandang babae ang nakatingin sa akin. Inalis ko ang headphones ko at pinakinggan siya.

"Anak, pwede mo ba akong paupuin diyan sa tabi ng bintana? Gusto ko kasing makita ang mga ulap." Nakangiti niyang sabi. Tumango agad ako at hinayaan siyang umupo sa upuan ko. "Thank you ha." At muli siyang ngumiti sa akin.

Buong byahe nakatingin lang si Lola sa bintana. Bakas sa mukha niya ang mga ngiti. Kahit hindi ko siya kilala, natutuwa akong makita siyang masaya. Naalala ko kasi sa kanya ang Lolo Gilbert ko. Mahilig din siyang tumingin sa bintana ng eroplano kahit na sa mga sasakyan.

"Thank you ulit," banggit ni Lola habang pababa na kami ng eroplano. "God bless you, anak."

"Ingat po kayo." Ang tanging nasabi ko.

Dumiretso ako waiting area at sa malayo pa lang, nakita ko na agad ang mga magulang ko at kasama nila si Lolo Gilbert.

"Welcome home!" Sambit ni Mama at Papa. "We miss you anak."

Nagmano ako sakanilang tatlo. "I miss you too po." Sambit ko.

"Benjo apo!" Sigaw ni Lolo Gilbert. "Miss na miss ka na ng Lolo mo." Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko mapigilan na maiyak. Siya kasi ang isa sa mga nagpalaki sa akin nang bata pa ako.

"Miss na miss na din kita Lolo."

"Halika na at madami kang iki-kwento sa akin." Inakbayan niya ako at hinila palabas. Nakangiti lang pareho sa amin ang mga magulang ko. "Kamusta sa Amerika?" Tanong pa niya. Mukhang miss na miss nga talaga ako ni Lolo.

Habang nasa kotse kami at bumabyahe pauwi, bigla akong nakaramdam ng gutom. Madami akong nakitang fast food restaurant pero isa lang talaga ang na miss kong kainan, ang Jollibee. Meron Jollibee sa U.S. pero malayo siya sa apartment ko kaya ilang taon na din akong hindi nakakain ng paborito kong Chickenjoy. Siguro dalawang taon na din iyon. Nag crave tuloy ako bigla.

"Papa, pwede ba tayong kumain sa Jollibee?" Tanong ko. Parehong lumingon sa akin si Mama at Papa at napatingin sila kay Lolo Gilbert. Bigla kong naalala na ayaw nga pala niyang kumain sa Jollibee pero siya na ang sumagot ng tanong ko. "Oo naman apo, duon tayo kumain." Sagot niya.

First time kong narinig si Lolo na pumayag kumain sa Jollibee. Napangiti ako duon.

Pagdating sa counter, lahat kami umorder ng paborito namin. Isang bucket ng Chickenjoy samahan pa ng burger, fries at chocolate sundae. Na-miss ko talaga ito nang sobra. Natakam ako nang tuluyan ko nang makita ang paborito kong Chickenjoy. Pagbigay pa lang sa akin ng pagkain ko, na excite agad ako. Ilang taon din akong hindi nakakain nito.

Tumanggi si Lolo na kumain dahil busog na daw siya, sakto lang dahil ang dami niyang tanong sa akin.

"May girlfriend ka na ba duon, apo?"

Sabay kaming nagtawanan sa tanong ni Lolo Gilbert. Bago kasi ako umalis ng Pinas para mag trabaho sa Amerika, sinabihan ako ni Lolo na maghanap ng girlfriend duon. Kapag nag-uusap kami sa Skype, palagi niyang tinatanong sa akin kung may girlfriend na daw ba ako.

"Wala pa po, Lolo. Baka pagbalik ko duon, makahanap na talaga ako." Sagot ko.

"Pwede bang pag-balik mo duon ay isama mo naman ako? Kahit na isang linggo lang."

Tinignan ko sila Papa, umiling sila sa akin. May sakit kasi si Lolo Gilbert, hindi naman malala pero ayaw pa siyang payagan ng doktor niya para byumahe ng matagal. "Sige Lolo Gilbert pero dapat magpagaling ka muna ha?"

By Chance of Fate by blue_maidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon