Chapter 3

5.6K 216 15
                                    

Seryoso akong nakatingin kay Lolo Gilbert at naghihintay sa kwento niya. Interesado ako sa kwento niya kahit na hindi ko pa alam kung ano 'yon. Akala ko kasi kilalang kilala ko na siya pero may mga bagay pa pala akong hindi alam tungkol sakanya.

"Mahal na mahal ko ang Lola Anne mo, Benjo." Panimula niya. "Siya ang babae na minahal ako nang buong buo. Siya ang babae na hindi lang asawa para sa akin kung hindi matalik kong kaibigan."

Tumango ako. "Alam ko po iyon, Lolo. Kitang kita ko naman kung gaano niyo kamahal si Lola at wala ako ni isang duda doon."

Napabuntong hininga siya at muling napatingin sa bintana. "Pero ang hindi mo alam apo, hindi siya ang aking unang pag-ibig."

"Ang first love niyo po Lolo?" Tanong ko. "Kung hindi po si Lola, sino po?"

"Si Lydia. Siya ang first love ko apo."

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala sila napapatingin kanina kay Lolo Gilbert kada nababanggit ang pangalan ni Lola Lydia.

"Nakilala ko siya bago ko makilala ang Lola Anne mo. College sweethearts kami, ika nga. Tumagal din kami ng walong taon."

"Ano po ba ang nangyari sa inyo?" Tanong ko. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanila. Tingin ko ay masasagot din noon ang iba ko pang katanungan kay Lolo. "Bakit po kayo naghiwalay?"

"Kakaiba sa lahat si Lydia. She has a very strong personality. Maganda siya at matalino. Higit sa lahat, siya ang dahilan kung bakit natupad ko ang pangarap ko."

Sa totoo lang hindi ko magawang magalit o mainis sa mga kwento ngayon ni Lolo Gilbert. Naiintindihan ko naman na meron talagang nauna sa puso niya at hindi iyon si Lola Anne.

"Ayaw ng magulang ko ang pagpipinta ko. Para sa kanila, wala akong patutunguhan sa larangan na iyon. Kaya nga Engineering ang pinakuha nila sa akin." Napabuntong hininga muli siya. "Sumuko na ako apo, nawalan na ako ng pag-asa. Nawalan na rin ako ng gana pang magpinta."

Nakatutok lang ako sa bawat kwento ni Lolo Gilbert habang nginunguya ang Yum burger ko. Ang light kasi ng usapan namin. Parang casual na kwentuhan lang ang meron sa amin ni Lolo ngayon.

"Pareho kami ng sitwasyon ni Lydia, gusto niya rin ang pagpipinta pero kinuha niya ang kursong engineering hindi dahil sa ayaw ng magulang niya kung hindi dahil iyon ang sa tingin niyang kursong makakaahon sa kanila sa kahirapan."

Napatingin siya sa labas habang umiinom ng juice at isinawsaw ang fries niya sa chocolate sundae niya.

"Nagulat na lang ako na kahit ganon ang nangyari, hindi pa rin) pala siya sumuko. Naging working student siya para maipagpatuloy ang pagpipinta niya habang nag-aaral. Naabilib niya ako at napahanga. Kahit papaano, nagkaroon ako ng pag-asa."

"Nag pinta po kayo ulit?"

"Oo, sa tulong na din ni Lydia. Tinulungan niya akong tuparin ang pangarap ko. Sabay namin 'yon tinupad."

"Naging pintor po ba kayong pareho?"

Tumingin muli siya sa labas na tila ba inaalala niya ang lahat.

"Oo. Sabay napansin ang mga obra namin. Hanggang sa magtapos kami ng kolehiyo, nagpinta pa din kami. Hindi ganon kalaki ang kita namin pero masaya kami. Iyon ang gusto ng puso ko. Nailagay sa National Museum ang ilan sa mga obra namin."

Nanlaki ang mata ko. Namangha ako sa mga sinabi ni Lolo Gilbert. Mayroon pala siyang ganitong katangian. "Talaga Lolo? How come you never told us before?"

Napabuntong hininga siya. "Matagal ko na din kasing tinalikuran ang pagpipinta, apo."

Kumunot bigla ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tatalikuran ni Lolo Gilbert ang pangarap niya? Posible bang si Lola Lydia din ang dahilan kung bakit siya huminto? Mas lalo akong nagiging interesado sa kwento nilang dalawa.

By Chance of Fate by blue_maidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon