Chapter 2

7.3K 268 41
                                    

Nagising ako sa boses ni Lolo Gilbert. Kinakanta niya ang paborito niyang kanta ng Carpenters, ang Close To You.

Bumangon ako at naghilamos. Nagsuot ako ng damit na pang jogging. Alam kong daily routine na 'to ni Lolo at gusto ko siyang samahan. Matagal na panahon na simula nang tumakbo kami nang kaming dalawa lang.

Pagkababa ko, bumungad agad sa akin si Lolo at nakangiti siya sa akin. "Good morning apo."

Tumango ako at ngumiti pabalik sakanya. "Good morning din po Lolo Gilbert."

"Tatay, wag mo masyadong pagurin ang apo mo. Baka mamaya ay may jetlag pa yan si Benj." Paalala ni Mama. "Kumain na lang kayo dito."

Punong puno ng pagkain ang mesa. Bigla tuloy akong natakam at nagutom. "Mama, okay lang po. Gusto ko din naman tumakbo ngayong umaga." Tinignan ko si Lolo Gilbert at nagkaroon ng ngiti sa mukha niya. "Lolo, pwede bang bago tayo mag jogging, kumain muna tayo?"

Tumango siya at masayang nakisalo sa amin sa agahan. Handang handa na mag jogging si Lolo Gilbert at ramdam mo na excited na siya.

"Ang tagal na panahon na tayong hindi tumatakbo na magkasama. Excited na ako, apo." Sambit niya habang nag su-suot ako ng running shoes. "Handa ka na ba, Benjo?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Nagsimula na kaming tumakbo at ang dami niyang tanong sa akin. Ayos lang naman 'yon sa akin dahil bukod sa magulang ko, si Lolo Gilbert ang isa sa mga pinagsasabihan ko ng mga problema o kung ano pa man.

Siguro isang oras na din kaming takbo nang takbo at nakarating kami sa park sa lugar namin. Bigla akong nakaramdam ng gutom at ang unang kainan na bumungad sa akin ay ang Jollibee. Nag crave ako sa pancakes nila.

"Lolo, gusto mo bang kumain ng pancake sa Jollibee?"

Alam kong tatanggi siya pero wala namang masama kung susubukan, baka sakaling pumayag na siya. "May alam akong lugawan na malapit dito, duon na lang tayo kumain." Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tumayo agad siya at lumayo sa pwesto naming; papunta siguro siya sa lugawan na sinasabi niya.

Tama nga ako, pumunta sa lugawan ng kaibigan niya pero sarado ito. "Pasensya na apo, sarado pala sila ngayon."

"Ayos lang po Lolo Gilbert. Sa iba na lang tayo kumain."

"Halika na sa Jollibee at kumain ka na ng pancake." Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba talaga na inaaya niya akong kumain sa Jollibee? "Ano pa ang hinihintay mo apo?"

Napangiti ako nang malaki at agad na sumunod sa kanya. Finally, kakain na ata siya sa Jollibee.

Matagal nang palaisipan sa akin kung bakit ayaw ni Lolo Gilbert kumain sa Jollibee. Lahat kami sa pamilya ay paborito ang Jollibee. Simula pagkabata ay doon kami palaging dinadala ni Papa at Mama. Pero sa tuwing nandoon kami ay wala si Lolo.

Minsan na akong nagtanong kay Mama at Papa pero wala silang naisagot sa akin kung hindi ang ngiti. Simula noon ay hindi na lang din ako nagtanong. Alam kong may dahilan pero hindi na ako nag abala pang magtanong.

Naghanap agad kami ni Lolo ng upuan. Sakto naman na kung saan ako nakaupo kagabi ay doon din kami napaupo ni Lolo Gilbert. "Lolo, ano po ang gusto niyong kainin?" tanong ko.

"Wala apo, hindi ako gutom."

Napahinto ako, akala ko mapapakain ko na si Lolo dito pero ngumiti na lang ako at dumiretso sa counter. Umorder ako ng Pancake na may kasamang mainit na tsokolate. Kahit ayaw ni Lolo, umorder pa din ako ng kape para sa kanya.

By Chance of Fate by blue_maidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon