Encountering GOd

2.4K 56 1
                                    


MALUNGKOT si Swan nang araw na iyon. Distracted kasi siya sa kaiisip kay Kyle. Ano na naman kaya ang in-inject ng Tita niya sa kanya? nagugulumihanang tanong niya sa sarili. Tiya Lenny bakit ka ganyan? Hindi mo man lang ako kinilala ng personal bago husgahan. Nag-flash bigla sa isipan niya ang mga naging pag-uusap nito at ni Kyle sa phone noon, all the accusations and negative words. Pinilit niyang i-switch ang mood ng kaisipan.

"Matuwa ka na, babalik na rin siya ng States ngayong araw na ito." Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi. Kahit paano natutuwa rin siya dahil kahit wala si Rose sa kanyang tabi kaya na niyang mag-focus ngayon sa good thoughts. Advice iyon ng kaibigan sa tuwing malulungkot daw siya o maguguluhan. Ramdam niya ang biglang pagka-miss sa kaibigan. Nagpaalam kasi ito na pupunta sa isang retreat. Pinayagan niya ito pero hindi maluwag sa kalooban. Gusto niya rin sanang sumama kasi. Pero nahihiya lang siyang mag-insist.

Nitong mga nakalipas na mga araw, unti-unti na siyang nagkakaroon ng interes sa mga bagay na espirituwal. Hindi naman siya palasimba, pero noong bata pa siya, madalas siyang dalhin ng kanyang lola sa simbahan. Natigil na lang siya sa pagsisimba noong tumuntong sya ng kolehiyo. Siguro dala na rin ng hirap sa schedule niya. Working student siya noog mga panahon na iyon. Ang Linggo ang tanging oras niya na makapagpahinga.

Alam niyang naging tapat ang Diyos sa kanya, sa kabila ng kawalan niya ng panahon dito. Ramdan niya ang matinding kauhawan sa presensiya ng Panginoon.

"Siguro ipinapanalangin mo ako Rose sa oras na ito. Thanks..." bulong niya. Naalala niya ang Bibliya na iniregalo ni Rose last year. Binuksan niya ang kanyang drawer na malapit sa may counter. Hindi pa niya nabubuklat iyon. "Siguro ito na ang tamang panahon para gawin ko iyon." May kung anong hindi niya maipaliwanag na pagnanais bigla upang matuklasan ang Salita ng Diyos. Hindi na siya nagdalawang-isip. Nagtungo siya sa kanyang opisina at nagkulong.

Ang una niyang nakita na verse pagkabuklat, James 4:8, Come near to God and He will come near to you...

Something struck her heart. Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Magmula kasi noong iniwan niya si Kyle, pakiramdam niya ay marumi siya.

"Anong klaseng asawa ka? You didn't value your marriage. You are unfaithful!" Voices of condemnation filled her mind throughout those years. Condemnation always results because of sin. But thank God for God's love and forgiveness.

"T-tama si Rose, buhay nga ang Salita ng Diyos..." Hindi niya maipaliwanag ang kagalakan na naramdaman niya ng oras na iyon. Basta ang alam niya, napakalapit ng Diyos sa kanya nang mga oras na iyon. At wala na siyang balak na lumayo pa.

God, please help me fix my marriage, matinding usal niya as if her life depended on it. Suddenly, her faith started to rise. Walang impossible kung maniniwala ako na kaya ito ng Diyos! Pati countenance niya ay nagbago na rin. Dahil sa kapayapaan na tinanggap mula sa Diyos siya ay napakanta. Kung may napadaan lang at nakarinig sa kanya, iisipin ng tao na iyon na malapit na ang mga Araw ng mga Puso.


My Sweet KyleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora