The Long Drive

1.6K 35 0
                                    

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Limang araw na ang nakalipas magmula noong umalis si Kyle ng Pilipinas. Kung sumama lang sana ako, kung nagpakumbaba lang sana ako at hinabol si Kyle, baka magkasama kaming nagpunta sa States... Sobrang tindi ng kanyang panghihinayang hindi siya nagkakakain. Nangangayayat na siya ngayon at maputla na para bang namatayan ng asawa.

Tama nga si Rose, Pride goes before destruction. Lumandas ang panibagong mga luha sa kanyang namamagang mga mata. Panginoon, bigyan mo pa sana ako ng isa pang tsansa! Rumagasa na muli ang mga luha na ilang minuto lamang napahinto.

Biglang nag-ring ang cellphone niya.

"R-rose bakit," namamaos niyang wika. Ilang araw na rin niyang hindi dinadalaw ang shop.

"Ate, dumaan daw kanina dito sa Kyle, nag-iwan ng sulat sabi ng delivery boy natin!" Halos magkabuhol-buhol na ang dila nito sa sobrang excitement.

"H-ha?" Napaayos siya ng upo bigla. "S-sigurado ka? 'D-di ba... 'di ba nasa States na s-siya?" Sa lakas ng tibok ng puso niya parang mabibingi na siya.

Her beloved was not yet gone!

Well at least 'yun yung pagkakaalam niya.

"Anong nakalagay sa sulat?"

"Huling urong na daw niya ngayon sa flight niya this week." Ibinigay nito ang flight details.

Hindi siya nakaimik. Ibinaba na lang niya ang cellphone. Hindi niya alam kung may natitira pa siyang pride upang ipaglaban ang kanilang kasal. Sa dami na nang nangyari, sa dami ng pusong nasaktan, maibabalik pa ba sa dati ang lahat? tanong niya sa sarili.

Kung talagang gusto niyang magkabalikan kami, ba't hindi na lang sa bahay ko siya sumipot upang ako mismo ang kausapin niya? Ba't kinailangang pa ng sulat? Marami nang katanungan ang sumulpot sa isipan niya. It lead to so much anxiousness and doubt.

Baka naguguluhan siya kung ako o si Vera ang babalikan, kaya tumagal ang kanyang pag-alis, naguguluhan niyang isip. Pero paano kung nagkabalikan talaga sila ni Vera at ibinigay lang nito ang sulat sa shop upang makapag-usap kami sa huling pagkakataon? banat ng isipan niyang ma-pride at puno ng kalituhan.

Dahil hindi na siya makapag-isip ng matino nahiga na lang siya sa kama niya at natulog. Pagod na pagod na rin kasi siya sa kaiisip at kakaiyak.

Three days later...

Gumising siya na nanghihina. Sa halip na magmukmok sa loob ng kuwarto pinalakas niya ang loob at nagpasyang bumalik sa una niyang apple of the eye, ang kanyang flower shop.

Pero nagulat siya sa nakita pagbukas ng kanyang pinto.

"S-steve?" She was frozen.

Malungkot ang mukha nito, punong-puno ng pangungulila.

"Swan, I'm hoping that you would change your mind," bungad nito. "Please, let's give each other another chance."

Hindi siya nakaimik.

"Nalaman ko mula kay Rose kung ano ang lahat ng nangyari. Swan, hayaan mo nang magsama si Vera at Kyle sa States. Can't you see, it's me you're meant to be with," masuyo at nagmamakaawa nitong banggit. His dark eyes were pleading. He was squeezing her hand with earnestness.

Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na mahal pa rin siya ni Steve. Siguro may mga lalaki lang talaga na seryoso kung mangako, seryoso kung magmahal. At gagawin ang lahat upang iparamdam lang sa iyo kung gaano ka kahalaga.

"I'm going back to Canada today?" malungkot nitong wika.

Nanlaki ang mga mata niya. Totoo ba ang sinabi niya?! Mabilis na pumintig ang kanyang pulso.

"B-binalikan mo lang ako?" 'Di talaga siya makapaniwala.

"Yes." Medyo lumiwanag ang guwapo nitong mukha. "I am still hoping that you would change your mind and forget your husband...and decide to settle with me."

Ipinakita nito ang mga flight details sa papel na hawak.

Hindi ko na siya makikita muli... Her heart started to beat rapidly. Sari-saring bagay ang lumitaw bigla sa kanyang isipan.

For some reason, she started to have hope. And a secret smile escaped her lovely lips.

Sandali siyang nag-isip. Ilang saglit lang ay nagbihis na siya upang sumama ng airport.


My Sweet KyleWhere stories live. Discover now