Ice Cream Date

1.6K 34 1
                                    

SA loob ng ice cream shop...

"So anong naging topic ninyo last week sa klase?" tanong ni Swan kay Kyle, sabay subo ng strawberry ice cream.

"Marami..." wika ni Kyle saka ibinaba ang hawak na kutsara. "Tulad ng huwag hayaang matulog ang mag-asawa na may galit sa isa-'t-isa."

"Bakit?" curious niyang tanong.

"Una, magkaka-wrinkles ka dahil sa sobrang stress."

"Kaya pala nawala ang wrinkles ko nung iniwan kita." Huli na nang ma-realize niya ang sinabi. "I-it was joke, sorry." Nahiya siya ng sobra.

Pinisil nito ang kamay niya. "Past is past na di ba. Do not condemn yourself," reassure nito sa kanya. She felt relieved. Walang bahid ng kahit anumang sakit ang rumehistro sa guwapo nitong mukha. His face was serene.

"So ano pa ang ibang mga rason?"

"Second, kasi pag natulog ka ng galit, babangungutin ka."

"Ah kaya pala..."

"Oh mag-ingat ka sa iyong sasabihin," pigil nito pero nagsalita pa rin siya.

"Kaya pala binabangungot ka dati sa sofa ano?" natatawa niyang wika.

"E kasi ayaw mo namang manood ng action movies. Tapos pag niyaya kitang sumama sa mga business meetings namin, lagi kang tumatanggi. Sino bang matutuwa nun?"

"Aba, ang lalim pala ng hugot mo ha?" Natawa na lang sila pareho. Ilang saglit ay naglabas ito ng headphones at ipinasok iyon sa cellphone.

"Sige since hugot din lang naman ang pinag-uusapan natin may tanong ako. Bakit ang last sa "To make you happy list" mo ay ang umawit ako ng paborito mong kanta? Alam mo namang boses lagare ako. Baka make you sad list ang mangyare."

"'Coz yung lagare voice mo will bring me a lot of humour." Nag-silly face pa nga siya dito.

Nilagay ng asawa ang isang earphone sa tenga. Isang tenga lang upang marinig pa rin nito ang sinasabi niya. Maya-maya ay nag-hum ito.

"Anong kanta ba yang pinapakinggan mo?"

"Yung "Photograph". Di ba 'yun yung pinakapaborito mo?"

"Naku, kawawa naman si Ed Sheeran! Sinira mo ang kanta niya!"

"Nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo. 'Wag mong kalilimutan sa likuran ng lahat ng abs and muscles, the person inside me is very soft." Umismid pa nga ito.

"Asus, paawa effect naman ang sweet hubby ko." Biglang may pumasok na text sa cellphone ni Kyle. Nang pindutin nito ang screen, bigla itong sumeryoso.

"Bakit? May problema ba?" Nagtaka siya dahil wala nang sigla ang mukha nito.

"Ah wala...just some client," anito sabay baba ng cellphone. "Siya nga pala, tumawag si Tiya ulit, kinukumbinsi niya pa rin ako na doon na tayo tumira sa States at magsimula ng pamilya. Sana pag-isipan mo. Maganda rin iyon upang magkalapit na kayo ng tuluyan."

Siya naman ang nawalan ng sigla.

"Ilang beses mo nang nasabi iyan. And you know how I feel about it, right? Ayokong iwanan itong shop na matagal kong pinaghirapan. Plus, ayokong makasama ang taong ayaw sa akin." Lukot na ang kanyang mukha.

"Pinaliwanag ko na sa iyo ang lahat di ba? Iba na ang tingin ni Tiya Lenny sa iyo. Why don't you give her a chance...please," pakiusap nito.

"Hindi ko alam..."

"Teka, o-order na nga lang ako ng isa pang scoop ng ice cream bago magbago ang mood nating dalawa."

Ba't biglang nagbago ang mood niya? Kinuha niya ang cellphone. Vera Calleon ang pangalan na bumungad sa inbox nito. Nayanig bigla ang sistema niya. Paano niya makakalimutan ang naging pinakasikat na babae sa kanilang College campus, ang babaeng unang naging girlfriend ng kanyang asawa.

May contact pa pala sila sa isa't-isa? Nanlamig bigla ang mga palad niya.

"Heto na ang masarap na banana split!" anunsyo ni Kyle na walang malay sa bigat niyang nararamdaman.

"So makikipagkita ka ba sa client mo? Ano nga pala ang pangalan niya at saan kayo nagkakilala?"

Napataas ang kilay nito bigla.

"Swan, you sound like an interrogating police," mahinahon nitong wika. "Basta client ko siya. Halika na't tulungan mo akong ubusin ito, natutunaw na yung ice cream oh." Sa tono ng boses nito ramdam niya na ayaw na nitong pag-usapan iyon.

Umuwi sila ng gabing iyon na walang imikan sa loob ng kotse. 


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon