Chapter 1

14.2K 185 6
                                    

Alam mo yung feeling na sinimulan mo yung araw mo nang tama? Yung dama mo na sayong bawat paghinga ay tanging good vibes lang talaga yung nalalanghap mo kasabay nang sariwang hangin at bango nang umaga.

This is what I usually feel paglabas ko nang simbahan kung saan nakagawian ko nang samahan ang lola na dumalo nang misa tuwing Sabado nang umaga eversince bata pa ako.

Para sa akin ito na yung pinaka the best way na simulan parati yung weekend, ang magsimba at makasama si Lola.

Ito na rin ang time na nae-enjoy ko ang pagmamaneho pauwi lalo na kapag dumaan kami sa kalye na puno nang nkalinyang matatandang kahoy ang bawat gilid at kung saan maririnig mo yung matamis na huni nang mga ibon.

Di rin naman malayo kasi yung bahay namin mula simbahan kaya hinay-hinay lang yung pagmamaneho ko.

Nang biglang...

"Aaahhhhhh!!!"

Isang matinis na tili yung pinakawalan ko sabay pagtapak sa break ng kotse.

Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang magarang sports car na halos magkasubsob na talaga sa harap nang sasakyan namin. Muntik na akong mauntog sa manibela dahil nga walang airbag yung kotse sapagkat vintage na eto. Salamat na lang sa seatbelt at hindi kami nasaktan ni Lola sa impact nung bigla kong pagpreno.

"Nana, are you okay?" , tanong ko kay Lola.

"Yes, iha. Ano ba naman yan iha, be careful."

Tumango lang ako kay lola at nagmadali nang bumaba nang kotse upang imbestigahan kung merong damage at nadatnan ko ang isang lalakeng masusing inuusisa yung harap ng sports car habang nagmumura sa Ingles. Humarap siya sa akin at muntik na akong tuluyang natulala nung nagtama ang aming mga paningin pero bigla niya akong sinigawan na parang boss sabay kumpas nang kanyang kamay.

"Look what you've done to my car! Do you know how hard to get off this scratch from the bumper? Obviously you don't, seeing that you're carelessly driving this junk that you don't care at all if you hit others with it."

Sisigawan ko na rin sana siya at talagang papatulan ko na yung mga insulting words na sinabi niya. Pero mabuti na lang at marunong akong mag count nang one to ten... four, three, two, one... ay, ten to one pala... breathe in and breathe out.

"Sorry..." Yan lang ang tangi kong nasambit.

"And that's all you have to say?"

"Ahhhmmm... Hindi talaga kasi kita nakita eh...So sorry talaga."

"Miss, kung may problema ka please don't drag it down the road. Makakapatay ka nang ibang tao eh."

Sobra naman eto, patay agad? At talaga ha, ako lang yung may kasalanan dito? Sabi sabi ko sa aking isipan. Di mo talaga ma jujudge ang isang libro sa cover nito. Ubod ng gwapo pa naman sana at refined ang dating nang lalakeng eto pero kung mka put down naman nang kapwa eh akala mo siya na yung pinakamarunong.

One word. Arrogante! Tsk Tsk Tsk.

Well, eto sayo Mr. Arrogant! At tuluyan na akong nag dirty finger sign sa isip ko.

"Cornelia, what's happening there?"

Naputol yung tirade ko nung narinig ko yung boses ni Lola.

"Nana, okay lang ho, pasok na ho kayo ulit at aalis na po tayo." Sabi ko sa lola. Binalingan ko na agad yung lalake. Sa totoo lang hindi ko talaga mailabas labas yung inis ko dahil sobra siguro akong na intimidate sa kanya.

At talagang nauutal pa ako ha. " Ah eh, sorry uli ha." Sabay talikod ko at pasok sa kotse.

Nakita ko yung lalake na napakamot sa ulo at galit pa rin na napapailing habang pinagamasdan yung "scratch" sa car niya.

"Whats that all about Cornelia?" usisa ni Lola.

" Ah, upset lang po yung lalake Nana, na scratch po kasi yung bumper niya."

" Next time iha, wag kang bumaba agad ng kotse at di mo alam baka lunatic yung tao. Be extra careful these days iha, dalaga ka pa naman." Sabi nang lola ko who looks really worried for me.

Si lola kasi yung nagpalaki sa akin mula nang binawian nang buhay yung mama ko when I was just four years old. Siya at si Papa ang magkatuwang na nagtaguyod sa aking mga pangangailangan at pag-aaral.

That's why I grew up to be conservative, mahinhin, old fashioned, in short, manang.

Yan yung tawag sa akin nang mga friends ko at pati mga officemates.

And I am used to it na and I even join them in making fun of me. Okay lang, ganyan talaga eh. Pero may mga times rin naman na ako'y nangangarap na maging opposite nang identity ko. Yung sopistikada ang ayos at dating, pero nauunahan ako nang hiya when I want to try to be that way. Like when may dadaluhan akong party I would end up changing my mind sa contemporary style na suot and use minimal make up na lang. Hayaan mo na nga wag na tayong masyadong mag effort.

So, okay, back to the part of my story kun kelan sinira nung aroganteng lalakeng yun ang aking umaga... Naku talaga, kung hindi lang talaga ako nakapagpigil, siguradong he will hear not only a piece of my mind. Naku talagang makakarinig siya nang maaanghang na salita.

Medyo umuusok pa yung tenga ko nang I park ko yung sasakyan sa garahe at tinulungan nang bumaba si Lola.

"Iha, you better go straight inside na ha, mag aalmusal na tayo while mainit pa yung niluto ni Yaya mo."

"Yes, Nana susunod po ako, tatawagin ko lang ang papa, for sure nandun na yun sa kabilang garahe."

Pinuntahan ko ang papa sa kabilang shed na nagsisilbing workshop niya at garahe nang mga vintage na sasakyan na pina rerestore sa kanya. Si papa kasi ay isang mechanical engineer who works as a vintage car restorer. Eto at ang pension nang lola yung bumuhay at nagpatapos sa akin nang pag-aaral. Because even though we live in a neighborhood of old moneyed people, sapat na lang yung natirang property nang lola ko which is our old mansion at yung pension niya from my lolo who was a former high ranking official sa Armed Forces to sustain us. They were forced to sell our other properties kasi nung nagkasakit yung mama ko. Still, I am lucky at napagtapos nila ako and ngayon I am already earning for the upkeep nang mansion at daily needs namin.

"Papa, tayo na po muna at mag almusal na. Mamaya na yan." Sabi ko kay Papa na kasalukuyang nasa loob nang isang Camaro at may inaayos.

"Oh, anak dumating na pala kayo. Sige, mauna ka na at susunod ako. Huhugasan ko lang ito ang dumi sa kamay ko at alam mo naman yung lola mo."

"Sige po papa, sunod kayo ha."

Nakangiti akong lumakad papuntang mansion. Isa kasi sa mga rules nang lola ang dapat ay maayos at malinis ka kapag nasa hapagkainan bilang siya ay lumaki na alta sociedad yung estado nang pamumuhay nila. Kumbaga, lahat ay may mga tamang seremonyas at ginagawa dapat with proper etiquette. So kahit sakto lang yung pera namin sa mga basic needs naming eversince, di pa rin nawawala yung gawing mayaman dahil sa pamamalakad nang lola ko. Mabuti na lang at intact pa rin yung lahat nang gamit sa loob nang mansion na minana pa nila nang lolo sa kani-kanilang mga magulang, kaya para na rin ganun pa rin nung mayaman pa sila.

Nang papasok na ako nang dining room I passed by Lola na may kausap sa phone. I stopped and waited on her. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya while she is ending up her conversation.

"Iha, tamang tama. That was your lolo's lawyer. And he wants to discuss something very important daw which became due today so he will be coming here and he wants all of us to be present, especially you."

"Ano ba yun Lola?"

"Malalaman din natin later on. Oh sige na Cornelia, let have breakfast and then you go fix yourself before our meeting with Atty. Robles."

Ever After ContractWhere stories live. Discover now