Maybe This Time (1)

10.6K 234 22
                                    


Badtrip si Glaiza sa late announcement ng suspension ng klase sa La Salle, ang pinapasukan nyang Unibersidad kung saan isa syang scholar. Alas tres na ng hapon ng masuspende ang klase kung kailan na sa campus na sya. Kahit malakas ang bagyo, kinailangan nyang pumasok upang iabot ang mga projects na pinagawa sa kanya ng mga mayayaman nyang kaklase. Mangilan ngilan lang ang pumasok at problema nya kung papaano pa iuuwi ang mga proyektong ito ngayong malakas na ang buhos ng ulan at baha na rin sa kahabaan ng taft.

Malapit lang naman ang bahay nila sa Unibersidad na pinapasukan. Sa cartimar kung saan nagtitinda ang Nanay nya ng mga class A na bag at sapatos lang sya umuuwi at nilalakad lang nya ito araw-araw. Isang semestre na lang ay matatapos na nya ang kursong Business Management at may naghihintay na ring trabaho sa kanya sa kompanya kung saan sya nag OJT. Sa ngayon nga lang, kailangan pa nyang tiisin ang pagod sa pag gawa ng mga assignments at projects ng mga kaklase nya upang may pang tustos sa pag-aaral at makatulong din sa gastusin sa bahay.

Mabuti na lamang ay nabigyan sya ng scholarship sa La Salle dahil kung hindi ay kahit pa ma sold out ang paninda ng nanay nya araw-araw ay hindi nya magagawang tumungtong sa Unibersidad na ito. Imbalido na ang tatay nya. Ang mga nakakatanda nyang kapatid naman ay may kanya kanya na ring pamilya at mga hirap din sa buhay. Sya na lamang at ang kaunting kinikita ng kanyang ina sa pagtitinda ang inaasahan ng kanyang pamilya para pantustos sa araw-araw na gastusin ng dalawa nyang kapatid na pareho ngayong nasa high school pa. Idagdag pa dito ang gamot ng kanyang ama. At pagkain nila araw-araw. At bayad sa renta ng tindahan, sa tubig, sa kuryente at sa bumbay. Kaya kahit nag-aaral pa, kailangan ng kumilos ni Glaiza upang kumita ng pera.

Alam nyang matatagalan pa bago humupa ang baha, kaya imbes na makipagsapalaran syang lumakad at itaya ang buhay laban sa leptospirosis na nakukuha sa ihi ng daga, pinagpasyahan na lang nya na manatili sa loob ng classroom kasama ang mangilan ngilan nyang kaklaseng pumasok.

Nagulat sila ng biglang bumukas ang pintuan sa classroom dahilan para pumasok ang malakas na hangin.

Binuga ng pintuan ang kaibigan ni Glaiza na si Chynna.

"Cha!" tawag nito sa kanya.

"uy, ano ba yan, yung pinto pakisara." "papasok dito yung tubig eh." sabi naman ng iba nyang kaklase.

"ay sorry" tugon naman sa kanila ni chynna at sinara na nito ang pinto at lumapit na kay Glaiza na nakaupo sa gilid at tahimik na nag sa soundtrip.

"Nagtataka ako sa'yo, Ortaleza. yung mga yero nga nililipad na, ikaw hindi pa, sa payat mong yan, papaano mo nagagawa yun?" birong bati naman sa kanya ni Glaiza sabay tanggal sa headset nito.

"ikaw naman, Galura, nagtataka rin ako sa'yo, ang lakas na nga ng bagyo, stranded na tayo dito, inspired ka pa ring mang asar sa'kin. bakit?" ganti naman nito sa kaibigan.

"hahaha." nagtawanan na lang silang dalawa.

Si Chynna ay ang bestfriend ni Glaiza mula pa nung mga bata sila. Ang pamilya ni Chynna ang may-ari ng isang maliit na commercial center sa Cartimar kung saan nagtitinda ang nanay ni Glaiza.

Pareho silang butch lesbian.

"May sundo ka ba? pasabay naman." sabi ni Glaiza sa kaibigan.

"Anong sundo? eh yung 10 wheeler nga hindi maka abante dyan sa Taft sa taas ng baha."

"Problema ko, itong mga projects, hindi naman kakasya 'to lahat sa locker ko. Sa dami nito." Tinuro ni Glaiza kay Chynna ang dalawang dangkal na folder na bitbit nya kanina pag pasok.

RASTRORIESWhere stories live. Discover now