Pangarap ka na lang ba (6)

3.8K 159 14
                                    




RHIAN'S POV


Minulat ko ang mga mata ko at pilit na inalala ang mga nangyari. Totoo ba yun o panaginip? Or baka naman katulad nang dati, nakatulog ako sa pagpapantasya kay Glaiza? Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong wala akong suot at pagbaling ko sa kanan, kahit wala ng Glaiza sa tabi ko, napagtanto ko na totoo nga ang nangyari. May dugo sa punda ng kama.

Napabalikwas ako ng tayo bigla pero pinigil ako ng isang matinding sakit sa aking ulo. hangover. Naginom nga pala kami kagabi. tapos nalasing ako. kami. tapos si Glaiza. shit. Si heart.

Napahiga ako bigla. Anong ginawa ko? Pilit kong inaalala. Sinabi ba ni Glaiza na mahal din nya ko? Bakit? Akala ko ba... Bakit ngayon lang? Yung nangyari kagabi, ano yun? Anong ibig sabihin non at saan kami dadalhin nito?

Kahit masakit pa ang ulo ko, pinilit kong bumangon. Pumasok ako sa banyo para maligo. Habang nasa shower, pilit kong inaalala ang nangyari kahapon. Nagaway kami ni heart dahil pinipilit nya kong kumuha ng mas magandang pwesto para sa talyer. At lingid sa kaalaman ko, kinausap nya si Sam para tanungin kung magkakano ang aabutin upang makapagbukas kami ng talyer na kumpleto sa gamit.



FLASHBACK

Pagdating namin sa condo galing airport;

"babe, tomorrow pala, you have a meeting with my friend, Jomari. He owns a couple of Rapide branches. He'll hook you up with the best suppliers for your shop." casual na sabi ni heart habang papasok kami ng condo.

"ANO?"

"well, I was thinking, para mas lumaki yung market mo, dba? I spoke with Sam, he said.."

"TEKA. TEKA. NAKAUSAP MO SI SAM?" medyo napataas na ang boses ko. bakit hindi ko alam 'to? at papaanong biglang talyer ko ang pinaguusapan namin?

"yes babe. diba you've always wanted to have a bigger shop? under estimate nga yung kay sam eh. Jomari told me we need atleast 3 million to set up a decent shop."

"ANO! SAAN AKO KUKUHA NON?"

"uhmm... here, naayos ko na." sabay abot sa akin ng isang passbook. biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko at umakyat ang dugo sa ulo ko.

"tomorrow, I'll ask Glaiza to get the chequebook sa ops and..."

"ANO 'TO HEART? BINIBIGYAN MO KO NG PERA?" sigaw ko na ikinagulat nya.

"be-babe, ca-calm down. I'm just trying to help." utal na paliwanag nya. Base sa mukha nya, hindi nya inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa akin. Ang ayoko sa lahat, yung inuunahan ako at nakakapanliit na binibigyan nya ko ng pera para sa talyer ko. Alam nya na dapat 'to by now.

"HINDI KO HINIHINGI ANG TULONG MO!" sigaw ko ulit. nakita kong pumikit si heart at minasahe ang kanyang ulo.

"RHIAN NAMAN! ARE YOU REALLY GONNA MAKE A BIG DEAL OUT OF THIS?" sagot nya sa mas mataas na tono.

"INIINSULTO MO KO!"

"I AM HELPING YOU!"

"SINABI KO BA SA'YO NA KAILANGAN KO NG TULONG MO?"

"I AM YOUR GIRLFRIEND, RHIAN. YOU DON'T NEED TO ASK ME."

"PINAPANGUNAHAN MO 'KO!"

"I ONLY WANT THE BEST FOR YOU!"

"HINDI KO KAILANGAN NG PERA MO!"

RASTRORIESWhere stories live. Discover now