Pangarap ka na lang ba (3)

4K 167 23
                                    



Buong araw kong hindi nakita si Rhian kinabukasan, araw ng linggo. Siguro talagang nasaktan sya sa mga nasabi ko. Ayaw ko mang gawin ito sa kanya, malakas ang kapit ko sa aking mga pangarap. At kung hindi nya titigilan ang pangungulit sa akin sa harap ni Ms. Ongpauco na halata namang may gusto sa kanya, baka ako pa ang mapaginitan nito sa opisna. hindi ako makakapayag na ito pa ang dahilan para hindi ko makuha ang position na inapplyan ko. ayoko maging sekretarya habang buhay. Isa pa, straight nga kasi ako. gusto ko lang linawin sa lahat na babae po ako. mabuhay ang babae power at LGBT. =)

Alas kwatro y medya na ng hapon nang dumating si Nadine sa bahay. Katulad ng nakasanayan, magsisimba kami ng alas singko kasama ang mommy nila.

"tara na, bes." sigaw nito mula sa baba.

nang marining ko sya, kinuha ko na ang bag ko tsaka bumaba.

"tara, asan si mommy?" patukoy ko sa ina nito na si Aling Clara. Mommy na rin kasi ang tawag namin nila kuya dito at nanay at tatay din naman ang tawag nilang magkapatid sa mga magulang ko. Bilang dito na kami pinanganak at nagkamalay sa Kamuning. magkalapit na magkalapit ang aming pamilya. Ang yumaong ama nga nila ang ninong ng panganay naming si kuya benjie.

"andun na sa labas. umuusok ang ilong. papaano, andyan nanaman si lovi."

"ah... hahaha. tara na." at tuluyan na kaming nag paalam kanila nanay at tatay.

Kaya naman pala walang Rhian na nangungulit. Kung gaano kakulit si Yoyon sa akin, ganoon din kakulit si Lovi sa kanya. Yun nga lang pinagbibigyan sya ni Rhian. Sabi ni Nadine, madalas daw mag kulong sa kwarto ang dalawa. At kahit pa minsan, may ibang girlfriend si Rhian, hinggil sa kaalaman ng mga ito, pumupunta pa din si Lovi sa kanya.

Maganda naman si Lovi. Matalino at may kaya ang pamilya. Ewan ko ba kay Yoyon bakit sa akin pa sya talaga palaging nangungulit.

Akala ko naman tuluyan na syang nagalit sa naging usapan namin kahapon noong halos ipagtulakan ko sya kay Ms. Ongpauco. Yun pala dahil andyan si Lovi kaya hindi sya tumatawid dito. Natural na yun kay Yoyon pag may bisita syang babae. Andun lang yun naka kulong sa kwarto nya. Bukas sigurado andyan na ulit yun, mangungulit.

"grabe ang babaeng yan! sya pa mismo ang pumupunta kay yoyon! haliparot! nako, magsisimba pa lang ako nagkakasala na 'ko!" talak ni Alang Clara.

tumatawa lang kami ni Nadine.

"ok naman yung mga iba nyang nakakasama. ewan ko ba. ayoko talaga sa babaeng yun! pinagsisiksikan pa yung sarili nya kay yoyon!"

"eh baka sila ang for keeps, my." biro ko pa sa matanda.

"hay nako glaiza. magdilang demonyo ka sana." ang harsh.

"maiba ko, yung boss mo, parang may something kay yoyon ko."

"hahaha." natawa lang kami ni Nadine.

"gabi na sila nakauwi kagabi. mukha namang nag enjoy si yoyon. nakangisi pag-uwi eh. tapos nagkape at nagkwentuhan pa sila sa bahay bago umalis yung ha-heart ba yun?"

nag-enjoy si yoyon? eh noong hapon lang pa iyak iyak pa yun nung nagkausap kami ha.

"ah... opo... si ms. heart ongpauco" sagot ko na lang.

"ongpauco? yung may-ari ng mga bangko?"

"tito nya po yun. kaya nga po sya ang head ng hr namin." paliwanag naman ni Nadine.

RASTRORIESWhere stories live. Discover now