CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)

160K 5.9K 1.2K
                                    

SUMISIPOL si Xyro habang naglalakad papunta sa garahe ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUMISIPOL si Xyro habang naglalakad papunta sa garahe ng bahay. Napataas agad ang kilay nito nang madatnan nitong nakasampa si Check sa motorbike nito. Nakangisi siya habang pinapapungay ang kanyang mga mata.

"What do you want?" tanong ni Xyro.

"Sama ako," ani Check na labas ngipin pa ang pagkakangiti.

"No," maiksing tugon nito.

"Bahala ka. Hindi ako bababa dito." Sumubsob siya sa motorbike nito at yumakap doon.

"Tsk! Ilang beses ka bang inire ni Mom? Ang kulit mo, eh!"

"Nakadepende ba sa pag-ire kung gaano kakulit ang isang tao, Kuya?" seryoso niyang tanong.

Tiningnan lang siya ni Xyro at saka umiling. Nilapitan siya nito para buhatin nang sa ganoon ay maialis siya sa pagkakakapit doon sa motorbike. Ang problema, mistulan siyang tuko kung makakapit doon.

Bahagyang iniangat ni Check ang kanyang ulo. "Sama na kasi ako, Kuya."

"May bibilhin lang ako sa market, sasama ka pa?"

"Weh." Dumila siya. "Market daw," pabulong niyang sabi.

"What?" tanong ni Xyro.

"Sa PSQ ka pupunta, eh."

"PHQ 'yon!" pagtatama nito.

"Whatevers, Kuya. Cheverlu." Inikot ni Check ang kanyang mga mata.

"I'm not going there, okay? Sa supermarket nga ang punta ko."

"Oy! Chinungalings ka, Kuya. Sa PSQ ang punta mo, eh," pamimilit ni Check.

"PHQ!"

"Oo na, oo na... PSQ," nakangisi niyang sabi. "Isama mo na ako. Doon ka pupunta, eh."

"No," muling pagtanggi nito. "What made you think that I'm going there?"

"Sa laki ba naman niyang dala mong backpack na puro pagkain ang laman, saan mo pa ba balak dalhin 'yan? Tss!" ani Check habang nakatingin sa sukbit na bag ni Xyro. "Ako 'tong payat ang ayaw mong pakainin. How dares you, Kuya?!" Lumabi siya.

Napakamot ng ulo si Xyro. 'So she saw me packing the foods.'

"Ayaw pakainin? Ikaw?" Hinila ni Xyro ang buhok niya. "Hindi nga nagtatagal ang mga stocks natin ng pagkain sa kasibaan mo."

"Blah! Blah!" Umirap siya. "Tara na kasi. Naiinip na ako. Kanina pa kaya ako nakaabang dito."

"How many times do I have to tell you that you're not allowed to go there? Delikado, Check. Mahirap na," seryosong sabi ni Xyro.

"Hindi 'yan—"

Biglang tumunog ang cellphone ni Xyro. Kinuha nito iyon sa bulsa at nang makitang si Bright ang tumatawag ay mabilis nitong sinagot iyon.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon