CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)

151K 6.2K 1.1K
                                    

"DALAWANG araw ng hindi pumapasok si Drix tapos hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DALAWANG araw ng hindi pumapasok si Drix tapos hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Ano na kayang nangyari sa kanya?" anang nag-aalalang si Check.

"Maybe he's still confused right now, but he'll be fine." Inilipat ni Jane ang pahina ng librong binabasa.

"If you want, we can visit him. Alam mo naman kung saan ang bahay nila, 'di ba? Para mapalagay din ang loob mo," sabi ni Rue sa kanya.

"Oo," tugon niya kasabay ng pagtango.

"It's okay with me. Wala naman akong gagawin mamaya pag-uwi. Iyon nga lang, iintayin niyo ba ako?" nakangiting tanong ni Jane.

Napatayo si Check mula sa kanyang pagkakaupo. "Yiee! Talaga? Okay lang sa inyo na puntahan natin si Drix?"

"YUP!" sabay na tugon nina Rue at Jane.

"Sa akin hindi puwede."

Mabilis na nilingon ng tatlo ang dumating na si Xyro. Biglang nagbukas ng libro si Rue at saka yumuko na kunwari ay nagbabasa. Napangiti si Xyro dahil nakita nito iyon.

"Kuya naman, eh! Bakit hindi puwede? Kakamustahin lang naman namin si Drix." Nanulis ang nguso ni Check.

"Bakit may sakit ba siya?" papilosopong tugon ni Xyro.

Pumadyak siya. "Kuya!"

Hindi siya pinansin ni Xyro. Umikot ito at nagpunta sa likuran ng nakaupo at kunwari ay nagbabasa na si Rue. Nagtatakang tiningnan nina Jane at Check si Xyro dahil dumunghad itong bigla sa likod ni Rue na tila inuusisa ang binabasa nito.

"Ano 'yang binabasa mo?" mahinang tanong ni Xyro.

Napapikit bigla si Rue. 'Hala! Ano nga bang libro 'to? Kay Jane yata 'to.'

Naglapag ng isang bulaklak si Xyro sa librong nakabukas sa harapan ni Rue. Agad itong nilinga ni Rue at nagtama ang kanilang mga mata. Si Jane at Check naman ay nagtinginang bigla dahil sa pagtataka.

"May something ba sila?" bulong ni Jane kay Check kasabay ng pagdikit nito ng dalawang hintuturo nito.

"Hindi ko alam, eh," pabulong din niyang sagot. "Pero natutuwa ako sa nakikita ko." Ngumisi siya.

Napatingin si Check sa kanyang balikat nang may dumantay doon na kamay. May hawak iyong isang bulaklak na gaya ng ibinigay ni Xyro kay Rue. Pagharap niya ay nakita niya si Bright. Inabot nito ang bulaklak sa kanya.

"Walang tulips dito, kaya huwag kang choosy, ha?" pangunguna agad ni Bright.

Umirap si Check. "Wala naman akong sinasabi."

"Pero sa Sunday dadalhin kita ulit doon...sa Sta. Eliza," mahina nitong sabi.

Napangiti siyang bigla. "Talaga? Pero bakit?"

Inilapit ni Bright ang bibig nito sa kanan niyang tenga para ibulong ang sasabihin. Nakaramdam kasi ito ng hiya dahil may ibang taong nandoon bukod sa kanilang dalawa.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon