Chapter 18 - Nasabi ang alin?

3.6K 73 1
                                    


"Are you going to withdraw all the amount, maam?"

Napukaw ako mula sa pagkakatulala ng magtanong ang bank teller.

"Ha? Ah, yes. Lalahatin ko na."

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakuha ko na ang huling pera sa account ko.

Pinakatitigan ko itong mabuti bago ko isinilid sa dala kong bag.

Dumiretso ako sa cashier ng aming ospital pagkaalis na pagkaalis ko sa bangko.

"Naku Maty, kulang to. Ninety seven thousand ang nakasaad dito sa bill ng baby mo. Bale kulang ka pa ng thirty seven thousand."

Sabi sa akin ni Janet ng iabot ko dito ang sixty thousand pesos.

"Seventy thousand na lang kasi ang tira sa ipon ko Janet. Eh hindi pa ko nakakabili ng ilang gamot na kailangan ng baby ko kaya itinira ko na iyong sampung libo. Tumatanggap naman tayo ng promissory notes kapag kapamilya ng empleyado dito sa ospital ang naa-admit di'ba? Isa pa, processing pa lang kasi iyong loan ko. Wala na talaga akong kapera pera."

Mukha namang naintindihan ni Janet ang sitwasyon ko.

"Sige na nga. Ako na lang muna ang gagawa ng paraan na hindi ito masilip ng management. Pero Maty, panandalian lang ito ha. Basta 'pag nakuha mo na iyong loan mo, bayaran mo agad ha?"

Nagliwanag ang mukha ko dahil doon.

"Oo naman! Salamat talaga Janet. Pasensya na talaga, walang wala kasi talaga ako ngayon. Pangako, pagkabigay na pagkabigay ng teller ng bangko sa'kin noong loan ko eh itatakbo ko agad sayo dito."

Natawa na lang siya dahil sa exaggeration ng sagot ko.

"Grabe, ang tatag mo talagang babae ka. Namumroblema ka na't lahat-lahat nagagawa mo pang magbiro. Ikaw na talaga Maty."

Mataman ko naman siyang nginitian.

"Wala eh, kahit naman kasi magmukmok at magwala ako hindi pa rin noon mababago ang katutuhanang nasa alanganin ngayon ang baby ko. Isa pa, gusto ko pareho namin ni Maly na mapaghugutan ng lakas ang isa't-isa. Dapat sabay namin harapin ang mga problema at magagawa lang namin iyon kung pananatilihin naming matatag at matapang ang bawat isa."

Patuloy ko pa ring kinakapitan ang sanabi sa akin ni Maly noon na magiging maayos din ang lahat. Gagaling si baby Milky at babalik ang lahat sa dating normal at masaya naming pamumuhay.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Janet ay bumalik na ako sa ward kung saan naroroon ang anak ko. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Maly na hinihimas-himas ang mukha ng baby namin.

Hapon na ngayon kaya nagawa kong iwan si baby kay Maly. Kalalabas lang nito galing trabaho at imbes na sa bahay ay dito ito sa ospital dumiretso.

Simula ng magkasakit si baby Milky ay halos dito na kami ni Maly sa ospital nakatira. Dito dumidiretso ang asawa ko pagkagaling niya sa trabaho para makauwi ako. Umuuwi ako saglit para maligo at magdala ng ibang damit at ilang mga gamit na kailangan ko at ni baby. Pagkabalik ko sa ospital ay pinapatulog muna ako ni Maly bago siya umalis. Madalas hating gabi na siya nakakauwi, kapag nagising na ako. Ako ulit ang nagbabantay kay baby kapag umalis na si Maly at kinaumagahan na ulit ako makakauwi. Minsan naaawa na rin ako sa asawa ko. Late na siya umuuwi sa gabi at maaga pang umaalis sa umaga para pumasok sa trabaho pero wala naman akong magawa. Ito ang hinihingi ng sitwasyon namin ngayon.

Matinding sakripisyo at pagtitiis ang ginagawa namin ngayong mag-asawa. Kung hindi rumirilyebo sa pagbabantay si Maly, malamang ay bente kuwatro oras na akong gising. Sa pinagdikit-dikit na monoblock nga lang ako natutulog dito sa ospital. Sa una nahihirapan ako dahil hindi ako sanay, dagdag pa ang sobrang pag-iisip at pag-aalala dahil sa lagay ng anak namin. Pero matapos nga ang tatlong buwan ay nasanay na lang ako.

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDOnde histórias criam vida. Descubra agora