Chapter 43 - Kerida

3.9K 72 4
                                    


Awkward after make out.

Hindi natuloy ang pantasiya ko kanina dahil sa pesteng panty na iyan!

Ayt! Dapat pala magpasalamat ako dahil kung hindi dahil doon, hindi ako mapapaalalahanan sa sitwasyon namin at ni Milky ngayon.

"Don't worry so much asawa ko, everything will be okay. I promise."

Hinalikan niya ako sa ulo saka niyakap ng mahigpit.

Nasa kuwarto ko kami ngayon at magkatabing nakahiga.

Sabi niya, magpahinga raw muna ako. I should take a rest daw dahil nag-aalala na siya sa itsura kong pagod at nagsusumigaw na ang namamagang mata.

Gusto ko mang matulog pero natatakot ako na paggising ko sampalin na lang ako ng katotohanang panaginip lang ang lahat ng ito.

Alam mo kung ano iyong nakakatakot sa pagiging masaya?

Iyong posibilidad na puwedeng bukas, hindi na.

Para kasing ang hirap paniwalaan.

Lalo na ang isiping pinaglaruan lang pala kami ng kapalaran sa loob ng anim na taong paghihiwalay namin.

Inakala kong iniwan niya ako dahil sa panlilinlang na ginawa ng amo niya dati at inakala niya namang namatay kami ni Milky dahil sa pag-aakalang sa amin ang nakuhang sunog na bangkay ni Fatima at ng anak nito.

Wala pa lang dahilan lahat ng galit na binuo ko sa aking dibdib at lahat ng pangungulila niya sa aming mag-ina.

Isa lang pala iyong pagsubok na hindi namin nagawang malampasan noon dahil sa pag-aalinlangan at takot.

Ngayon tuloy napapaisip ako, paano kaya kung hindi ako nagpadala sa lahat ng agam-agam at kaduwagan noon at pinuntahan ko siya para komprontahin?

Siguro matagal na kaming masaya at magkakasama. Hindi sana kinidnap si Milky dahil hindi sila magkakaroon ng tiyansa ni lumapit sa anak namin.

Totoo pala na sa pride at takot, wala kang mapapala kundi panghihinayang at pagsisisi.

Sana naging matapang ako noon. Sana mas pinanindigan ko ang pagmamahal at pagtitiwala ko sa asawa ko. Sana pinaniwalaan ko lahat ng sinabi niya na kailanman ay hindi niya kami kayang pabayaan.

Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko kahit kailan! Pati anak ko idinamay ko sa katangahan ko!

"Maty, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mga hikbi at luha ko.

Ang sakit isipin na kasalanan ko lahat. Kasalanan ko.

"Sorry. Sana mapatawad mo ako Maly."

Isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya at doon tuluyang humagolhol.

"Shhh.. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi mo iyon ginusto."

Isa pa iyan sa ikinasasama ng loob ko! Sana sinumbat niya na lang sa'kin lahat ng pagkakamali ko kasi mas lalo lang akong nagi-guilty dahil halos isinumpa ko na siya dati samantalang siya, walang ginawa kundi mahalin ako at asaming makita kami ni Milky.

Para akong kriminal na ninakawan siya ng lahat ng karapatan. Ang karapatan niyang maging asawa sa'kin at ama sa anak namin. Ninakaw ko sa kaniya ang mga sandaling dapat sana ay nagamit niya para subaybayan ang paglaki ni Milky.

Naging malungkot siya at mag-isa sa loob ng mahabang panahon.

Paano ko nagawang saktan ang sarili kong asawa? Paano ko ba iyon lahat nagawa kay Maly?

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon