Chapter 4

616 7 9
                                    

Eto po yung mga characters na iba.

Janine - Jessy Mendiola. Halata bang paborito ko siya na icast? Haha.

Mark - Enrique Gil. E crush ko kasi siya pangalawa kay Chong! Hihi

Sandy Andolong - Mama ni Alex

Angel Aquino - Mama ni Lance

Ayun. Hehe. May isa pang character na parating pero sa mga susunod na chapters ko na lang irereveal kapag andun na siya.

At saka nga pala, sa mga nagtatanong kung bakit IT at ComSci ang naisip kong course ng dalawa, e para kasi hindi na ako magresearch katulad nung sa My Love Is Here na magdodoktor silang dalawa. Sadyang haling na haling kasi ako sa mga doktor nung panahong yun kasi hindi ako makaget-over sa House MD. Haha.

E ngayon, naisipan kong yun na lang course kasi IT course ko nung college. Kaya ayun! :)

Salamat po sa pagbabasa. Sa totoo lang pwede ko na to matapos kung tutuluy-tuluyin ko kaso wala lang talaga masyado time. Nakasulat na kasi plot ng bawat chapters nito. Pero eto na siguro muna uunahin ko tapusin bago yung iba. :)

Ayun, salamat po talaga ng madami dahil nagbabasa pa rin kayo. Mahal na mahal ko kayong mga readers. Haha. Dahil dyan, pag may gusto kayong ipagawang story, sabihin nyo lang. I mean kung ano bang klaseng story ang gusto niyong basahin na bida ang Enrich. Titingnan ko kung keri ng powers ko na makapagsulat ng ganoon! Haha. Tulad na lang nito, actually etong The Boy Next Door, si Daniela Sallan ang nagsabi sakin ng gusto niyang character ni Erich sa susunod na story. Inisip ko ng mabuti at eto na nga ang naisip kong storya. Sa kanya ako nakakuha ng idea. Kaya salamat Daniela. di ko akalaing matutuwa ako sa pagsusulat nito. :)

P.S.  Follow this account on Instagram >> misseenlove

Doon ko na ipopost kung may bagong update. Thank you! :)

Chapter 4

It's been a month mula nang naging kapitbahay namin sila Lance. At syempre, wala namang nagbago. Iwas na iwas pa rin siya sakin at lagi akong sinusungitan. Di ko na lang din iniisip masyado. Medyo sanay na nga ako eh.

Tuwing nasa may bintana siya, umiiwas na lang din ako. Kasi naman hindi ako makapagconcentrate sa pagrereview! Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sakanya. Parang siyang pwersa na nanghihila na lagi akong napapatingin sa kanya at wala akong choice dahil nga malakas ang appeal este ang pwersa niya.

At mula nang naging kapitbahay namin sila, aba, etong si Mama na hindi palasimba noon, nagsisimba na ngayon. Syempre isinasama niya ako. Lagi kaming isinasabay nila Tita Lara sa pagsisimba. At lagi ko namang nakakatabi sa backseat si Lance. Ako ang napapatingin sa kanya, pero grabe lang talaga. Never ko pa siya nahuli na nakatingin sakin. Seriously? Iritang-irita ba talaga siya sakin at hindi niya ako makuhang tingnan? Araw-araw akong nafafrustrate dahil doon. Kung pwede lang na hindi ako sumama para lang di ko siya makita. Kaso papagalitan naman ako ni Mama.

One time nang pauwi kami galing simbahan, habang nasa kotse kami, biglang nagsalita si Mama.

"Oo nga pala Mare, next week, birthday ni Alex. Punta kayo."

"Talaga? Anong araw?"

"Sabado."

"Oh. May business meeting ako ng gabi nun. Wag naman sana dinner."

"Ay naku, hindi pwedeng hindi gabi. Request ni Alex yun kasi invited ang friends niya. Galing sila sa school kaya gabi na gaganapin."

Nalungkot naman ang mukha ni Tita Lara. "Ganun ba.. Sayang naman.. Hmm.. Si Lance na lang ang papapuntahin ko. Ha Lance?"

The Boy Next DoorWhere stories live. Discover now