Chapter 21

478 3 0
                                    

Chapter 21

Nakakatuwa si Lance kasi lagi niyang suot ang bigay kong relo sa kanya mula nung birthday niya. Kahit yata nasa bahay lang, suot niya pa rin.

This sem, hindi siya masyadong busy kasi tapos na ang thesis niya, at petiks na lang siya sa ibang subjects niya. Meaning, mas maraming oras kaming magkasama. Binabawi niya daw ang mga panahon na busy siya. Ako naman ang lagi niyang binabantayan.

Until one day, the most unexpected thing happened. Or I mean, inexpect ko naman, pero nung narinig ko, lahat ng saya ko nitong mga nakaraang araw, naging kalungkutan ang kapalit.

Lance got accepted. After graduation, mag-aaral na siya sa MIT. Si Lance mismo ang nagbalita sakin nang nalaman niya. Pinuntahan niya ko sa bahay at kitang-kita kong tuwang-tuwa siya sa balitang yun.

Well of course. I am happy for him. Unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya. It has been a long time dream and at last, eto na nga.

I should be happy. I wanted to be happy. Pero hindi ko kaya. Hindi maalis sa isip ko na pag umalis si Lance, maiiwan ako. Never namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na yun. Hindi ko nga alam kung manhid lang ba talaga tong si Lance at di niya nakikitang naaapektuhan ako sa balitang yun. I don't know how to feel. Both my mind and heart are confused. Pero ayokong sabihin sa kanya. Ayokong guluhin ang isip ni Lance.

Dahil sa magandang balita, naisipan ni Lance at ng mga kasama niya sa varsity, Mark included, na icelebrate ang pagkakapasok niya sa MIT. Sa bar nila ginanap ang celebration at isinama ako ni Lance. Syempre sinama ko din si Janine kasi ayoko na ulit maging loner.

Nakatabi lang ako kay Lance at painum-inom ng kaunti pero sinisiguro ko na di ako malalasing. Pinapaalalahanan din kasi ako ni Lance. Pinapagitnaan nila ko ni Janine.

"Congrats Lance!"

"Yeaaaah!" Nagtoast sila ng mga beer na hawak nila at nagtawanan. Syempre natutuwa naman akong tingnan sila. Lalo itong katabi kong si Janine, mukang tuwang-tuwa sa view. May mga itsura kasi tong mga kasama ni Lance sa varsity. Tuwang-tuwa ang lola mo.

"Ilang years ka kasi dun pare?" Tanong ng isa niyang kateam.

"Two years."

Sh*t. Ang tagal. Natahimik ako nang nagkwentuhan na sila. Napansin ni Janine ang pagkatahimik ko kaya siniko niya ko. Tumingin na lang ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

From time to time, chinecheck ako ni Lance kung okay ako at tumatango na lang ako. Hindi ko pinapahalata sa kanya na nalulungkot ako.

Hindi ko napansin na sa gitna ng pagkekwentuhan nila, naglalaro na pala sila ng Spin The Bottle.

Tinapatan ang captain ng team nila. Tinanong siya. "Kiss or hug?" Sinagot naman niya agad ng kiss. Malamang.

Sa isa naman tumapat at tinanong siya. "Would you rather date Lance's mom or my mom?" Nanlaki bigla ang mata ko sa tanong na yun. Ganito pala ang larong to. Mga nakahigh yata mga lalaking to.

Hindi na ko nakinig. Nakipagkwentuhan ako kay Janine pero etong si Janine, wala sakin ang atensyon habang nag-uusap kami. Nakatingin siya sa bote pag umiikot at parang seryoso siya.

"It's your turn, Mr. MIT!"

Napatingin ako agad sa bote. Nakaturo na pala kay Lance. Nakangiti naman si Lance at naghihintay ng magtatanong sa kanya.

"Ako ang magtatanong." Biglang sabi ni Janine.

"Huh?" Napatingin ako sa kanya. Nakatingin si Janine kay Lance at nakatingin din si Lance sa kanya. Maging si Lance, alam kong nagtataka na tatanungin siya ni Janine.

"Si Alex o MIT?"

Natahimik ang buong table sa tanong ni Janine. Pero ang mas masakit doon, hindi sumagot si Lance. Inikot nila uli ang bote.

Hindi ko makuhang tingnan si Lance at miski si Janine. Simpleng tanong pero parang ang bigat-bigat para sakin. Sh*t. Gusto ko magmura.

"Cr lang ako."

Tumayo ako at iniwan ko silang lahat.

Pagpasok ko ng cr, nagulat ako nang sinundan pala ako ni Janine. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa cubicle. I just want to be alone!

"Couz.."

"Leave me alone.."

"Couz, sorry! Gusto ko lang naman malaman kung anong isasagot ni Lance eh."

"Why do you have to ask that stupid question?! Ang dami-daming tanong!" Nag-iinit ang mata ko. Sh*t! Sh*t!

"Alex I'm sorry.."

"Janine.. I'm not mad.. It's just that.." Nanghina ako. Napaupo na lang ako sa takip ng bowl. Tumulo na ang luha ko. Sa inis. Sa lungkot. "Bakit.. bakit hindi niya kayang sagutin?"

"Alex.."

"I want to be alone. I'm sorry.. iwanan mo muna ako."

"Okay sige. Hihintayin kita sa labas. Ha?"

Di na ko sumagot pagkatapos nun. Narinig ko na lang na nagsara ang pintuan.

Inubos ko muna ang luha ko bago ako lumabas ng CR. Takte lang. Bestfriends na talaga kami ng CR. Witness lagi ang CR sa paghihinagpis ko!

Paglabas ko, hinihintay ako ni Janine. "Alex.." Kita kong nag-aalala siya sakin. Lumapit siya sakin. "Namumula pa din ang mata mo. Makikita yan ni Lance. May eye-mo ako dito, gusto mo?" Kumuha siya sa bag niya at binigay sakin. Inabot ko naman at ipinatak sa mga mata ko.

"How about now?"

"Ayan pwede na. Tara na bumalik na tayo dun."

Tumango ako at sumunod kay Janine. Bumalik na kami sa table namin kanina na parang wala namang nangyari. Nagkakatuwaan pa rin silang lahat. Si Lance lang yata ang seryoso.

Nang tumabi ako sa kanya, hinarap niya agad ako. "Alex.."

"Hmm?"

"Gusto mo na bang umuwi?" Sinabi niya ng mahina sakin.

Tumango ako. Hinarap niya ang mga kasama namin. "Guys, uwi na kami. Maaga pa klase nila Alex bukas."

Tumango naman sila at nagpaalam na kami sa kanilang lahat.

Hinatid muna namin si Janine sa bahay niya. Nang ibinaba ako ni Lance sa bahay namin, nagulat ako nang bumaba din siya. Balak ko na sana pumasok ng gate.

"Alex."

Hinarap ko siya. Lumapit siya sakin. "About earlier.."

Ngumiti ako ng pilit. "Ano ka ba, wala yun."

Mas lalo siyang lumapit sakin at niyakap ako. "Alex."

"Lance."

Mas lalo niya akong niyakap, at automatic ding napayakap ako sa kanya. Napakahina ko talaga pagdating kay Lance.

"I will choose you."

Naibaba ko ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap ko siya. "What.. What do you mean?"

"Hindi ako tutuloy sa MIT. Not without you."

- to be continued -

December 11, 2013

The Boy Next DoorWhere stories live. Discover now