Chapter 19

421 3 0
                                    

Chapter 19

Nagbihis lang ako at pagkatapos humiga na ko sa kama ko. Buti na lang tulog na sila Mama nang pumasok ako ng bahay dahil ayokong makita nilang iyak ako ng iyak.

I hate him so much. Mas pinaniwalaan niya ang ibang tao kaysa sakin. I hate him. I really really hate him.

But I can't lose him. Not now when I'm so inlove with him..

Tumunog ang phone ko. Iyak ako ng iyak kaya malabo ang tingin ko sa screen. Inend ko na lang ang call agad dahil ayokong makausap ang kahit sino ngayon.

"Alex!"

Lalong nanikip ang dibdib ko. I must be insane. Naririnig ko ang boses ni Lance hanggang ngayon.

"Alex!"

I just want to sleep and forget..

Nagulat na lang ako nang may kung anong binato sa bintana ko. Napaupo ako bigla. Pinunasan ko agad ang luha ko. Lumakad ako papunta sa bintana at nakita kong nakatayo sa labas si Lance at nakatingin sakin. "Lance.."

Alalang-alala ang mukha niya. I can't bear to see that look on his face. Pakiramdam ko magkadikit ang mga bituka namin.

I know he wants me to go outside, and so I did. Paglabas ko ng gate, sinalubong niya agad ako ng yakap.

"I'm sorry.."

"Lance.."

"Mali ang intindi mo kanina. I need space.. but not from you. I just need space to think things through.. dahil pag tinitingnan kita naiisip ko ang mga sinasabi nilang kasinungalingan tungkol sayo. At nagagalit ako. And I don't want to be mad in front of you.. ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Galit na galit ako sa kanila. Not to you. it's not what you think Alex.. I love you, and I can't be mad at you."

Niyakap ko siya. This is just the comfort I needed mula pa kanina sa bar. "Akala ko galit ka sakin.."

Hinarap niya ko. Pinunasan niya ang luha ko. "There's no way I could get angry with you. Dahil mahal na mahal kita."

I smiled as I cry. "I love you, too."

"Wag kang magpapatalo sa sinasabi ng iba. Hindi ka nila kilala. God, I regret every word I've said to you before.. nung una kitang nakilala.."

"Matagal na yun Lance.."

"Still it's the same. They judge you before even knowing you. Hindi nila alam kung gaano ka kabuting tao.." He hugged me again, at niyakap ko din siya. "Hindi nila alam kung gaano ka kaimportante sakin. I would choose you more than anything, Alex. Anything."

"Lance.."

Hinarap niya ko ulit at pinunasang muli ang mga luha ko. "Stop crying.. They're not worth it."

"Sira. Umiiyak ako dahil sa mga sinasabi mo. Akala ko ba matalino ka?" Iyak pa din ako ng iyak.

Napangiti siya at natawa ng bahagya. "Iyakin." Niyakap niya ulit ako pero nakatingin siya sakin. "Pakiss nga sa iyakin kong girlfriend!"

Natawa ako sandali. "Oo na nga! Kung mapilit ka! Pero isa lang." Biro ko sa kanya.

Natawa siya. "Oo promise isa lang." And gave me one kiss.

A long and passionate kiss.

- to be continued -

December 8, 2013

The Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon